Ni MJ Gonzales
Ang kumita ng pera ay
hindi biro lalo na kung ang trabaho mo ay sa
labas ng Pilipinas. Pero maraming
Pinoy pa rin ang nakikipagsapalaran para sa magandang oportunidad. Kaya naman para sulit ang hirap, hindi lamang
dapat puro sahod ang naitatabi. Dapat ay yaman na mapapakinabangan nang pangmatagalan
at para sa kinabukasan ng pamilya.
Anu-ano nga ba ang nababagay na investments sa Pilipinas para sa mga Overseas
Filipino Workers (OFWs)?
Real
estate
Kung mayroong matagal na
klaseng investment na nababagay sa mga OFWs ay isa na rito ang real
estate. Kumpara sa iba, sa real estate
ay may pisikal na ari-arian na titulado at mapapakinabangan. Ayon pa nga sa Philippine Statistics
Authority (PSA), noong nakaraang taon ay ang aspetong ito ang naging isa sa
susi sa malagong ekonomiya ng Pilipinas.
Ilang suhestiyon para
kumita sa real estate investments ay bumili ng property para gawing paupahan o
i-develop para ibenta sa mas malaking halaga. Kung babalikan ang ulat ng PSA na
6.6% ang inilago ng real estate business at salik dito ang mga banyaga sa Pilipinas. Ang mga ito ay nangangailangan ng
pansamantalang matitirhan habang nagbabakasyon, nagtatrabaho o nagnenegosyo.
Mutual
fund, bonds, at trust funds
Depende sa lakas ng loob,
bagay din sa mga OFWs ang paglalagak ng pera sa isang “investment vehicle.” Ang
mga halimbawa nito ay stock market, mutual fund, bonds, at Unit Investment
Trust Funds (UITF). Ang hangarin dito ay mapalago ang ipinupuhunan na pera ng
investors ng katuwang na financial company o gobyerno.
Ang pera sa mutual funds
ay pamamahalaan ng fund managers na siyang bahala kung paano at saan magandang
mag-invest. Bagaman kahit hindi na
masyadong kailangang i-monitor ito, ma-access online ang mutual fund account,
na madalas ay insurance company. Ilan sa nag-aalok nito ay ang Philam Strategic
Growth Fund, Sun Life Prosperity Philippine Equity Fund, at First Metro Save
and Learn Equity Fund.
Samantala, wala namang
halos ipinagkaiba sa proseso
ng mutual funds sa
UITF na may fund manager din na
bahala sa “per unit” na
investment. Ito namang uri ng investment vehicle ay mga bangko ang naghahatid
gaya na lamang ng BPI, BDO, Union Bank, EastWest Bank, PNB, Chinabank, Metrobank,
at Security Bank.
Ang bonds ay may
pagkakahawig sa bank time deposit
account pero mas malaki ang interes, may moderate risk, at ang makakasama rito
ay mga korporasyon na. Kung baga, ang korporasyon ang hihiram sa investor na nakapaloob
sa bond. Para naman makakuha nito ay
kailangan din dumaan sa mga ilang bangko na nag-aalok nito. Samantala, sa Retail Treasury Bonds ay gobyerno
ng Pilipinas ang nag-aalok at ito ay isang medium to long term na investment.
Stock
market at business
Mas risky ang stock market
at pagtatayo ng sariling business pero maaaring malaki rin ng balik ng pera.
Ang kita sa pagbili ng share sa isang publicly traded company ay dedepende sa
lagay nito sa merkado. Mamo-monitor na
rin ang stock market account online o sa tulong ng personal broker.
Samantala, ang pagtatayo
ng negosyo ay bagay din naman sa mga
OFWs pero kumporme kung ano, sino ang katuwang, at paano ito palalaguin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento