Inilabas kamakailan ang resulta ng isang modernong
pag-aaral ng mga siyentipiko ng Stanford University tungkol sa paggamot sa Alzheimer’s
disease sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo sa isang presentasyon sa Clinical
Trial on Alzheimer’s Disease conference.
Sa naturang pag-aaral, sinuri ang mga naging epekto
ng blood infusion na nanggaling sa mga nakababatang donors sa mga pasyente na
mayroong mild-moderate na estado ng Alzheimer’s disease.
Connecting the blood system
through parabiosis
Sa pamamagitan ng binuong proseso na tinatawag na parabiosis,
unang sinubukan ang eksprimento kung saan napagkokonekta sa parehas na blood
system ang mga bata at nakatatandang daga, saka ito sinundan ng pagsasalin ng
dugo ng batabng daga sa as matandang dugo.
Mula sa unang bahagi, nakitaan ng malakihang pagbabago ang mga
batang daga gaya na lang ng pagkakaroon ng senyales ng chronic diseases at
older metabolism na kadalasang mayroon sa mga mas matandang daga. At sa
ikalawang bahagi, nagpakita naman ng memory improvement (ability to execute
mazes, easily locate definite target) ang mga matandang daga na epekto ng blood
infusion ng mga batang daga.
Significant improvements on functioning
independently
“We were expecting to find that the plasma (colorless liquid
part of blood) was safe. I wasn’t expecting to find any change in cognitive
measures,” ang pahayag ni Dr. Sharon Sha, Stanford clinical associate professor
- neurology and neurological sciences.
Bunsod nito, napagpasyahan ng mga siyentipiko na alamin kung
magkakaron din ng parehas na resulta sa mga human subjects (na nasa unang
bahagi ng Alzheimer’s). Isinagawa ito sa siyam na volunteer participants sa
loob ng apat na linggo kung saan tumanggap sila ng blood infusion isang beses
isang linggo mula sa mga young donors na nanggaling sa Stanford blood bank.
Pagkatapos nito ay binibigyan ng anim na linggong interval
ang mga volunteers para maobserbahan nila ang mga epekto. Sa ikalawang hakbang
ay kumuha rin ng siyam na dagdag pang volunteers. Sa kabuuan ay may 18 na
volunteer participants ang naturang pag-aaral.
Nakita sa resulta ng 18 participants na nagkaroon sila ng
malakihang positibong pagbabago sa kanilang abilidad sa paggawa ng mga ilang
bagay gaya ng kakayahang mamili at lumabas nang mag-isa at walang tulong, gayon
din ang abilidad na kontrolin ang kanilang paggastos o pananalapi at balansehin
ang kanilang checkbooks.
Sa kabila nito, inamin ng mga siyentipiko na marami pang
kailangang pag-aralan at alamin, gaya na lang ng proseso kung paano nga ba
nakatutulong ang young plasma sa pagpapabuti ng independent function ability ng
mga Alzheimer’s patients. Hindi rin tinukoy sa pag-aaral kung may mga pagbabago
sa cognitive functions, gayon din kung may nagbago sa brain protein plaques na
isang senyales na nakikita sa utak ng mga pasyente.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento