Kuha sa internet |
“I guess
my happy place would be at home, in my bed, eating takeout with the TV on. I
just love that, watching a movie in PJs in my bed with the fireplace on,” ang
masayang pahayag ng pinakabagong U.S. Open champion na si Sloane Stephens sa
panayam sa kanya kamakailan ng ESPN kasunod ng straight-sets win nito sa
kanyang kauna-unahang Grand Slam finals kontra kay Madison Keys sa iskor na
6-3, 6-0 na ginanap sa Arthur Ashe Stadium.
Nagpakita
ng mataginting na performance ang 24-taong-gulang na si Stephens na nagtakda ng
kabuuang anim na unforced errors lamang kumpara sa naitalang 30 unforced errors
ng 22-taong-gulang na si Keys, na itinuturing na malapit na kaibigan ng bagong
US Open champion.
Pagkatapos
ng panalo, umakyat agad si Stephens sa world number 17 sa WTA rankings mula sa
dati nitong rank na number 957.
Sa
bagong WTA rankings na inilabas ngayong buwan, nasa number 13 na si Stephens na
may 2,802 points.
Well worth the wait
Bilang
first-time Grand slam finalist, malaking bagay kay Stephens na sa unang Grand
Slam appearance nito ay dito rin pala niya maikakasa ang kanyang kauna-unahang
Grand Slam title. Sa kabila nito, hindi rin naging magaan ang unang bahagi ng
taon sa kanya dahil hanggang nitong Hulyo ay nagpapagaling pa ito mula sa
kanyang foot surgery nitong nakaraang taon.
Matatandaan
na maagang nagpakitang-gilas si Stephens noong siya ay 19-taong-gulang nang
talunin niya ang pinakadominanteng female player na si Serena Williams sa iskor
na 3-6, 7-5, 6-4 sa quarterfinals ng Australian Open 2013 na nagbunsod para
makapasok siya sa semifinals.
Nasundan
ito ng pagbabansag sa kanya bilang “the next great American champion” at malaki
ang inaasahan sa mga susunod niyang hakbang na pangungunahan niya ang women’s
tennis pagkatapos nito.
Ngunit
dumaan ang mga taon at naungusan na siya nina Garbiñe Muguruza (two major titles), Monica
Puig (Olympic gold representing Puerto Rico), Madison Keys (first American
player to enter the top 10 since 1999), at Karolina Pliskova (clinching world
number one) na nakagawa ng mga malakihang kaganapan.
Sa
kabila ng dismal performance ni Stephens sa mga sumunod na taon, kinilala naman
ang kanyang credible contender record sa mga majors maliban sa Australian Open
gaya ng French Open kung saan apat na beses siyang nakaabot sa fourth round
(2012, 2013, 2014, 2015) at Wimbledon quarterfinals (2013).
Naitakda
naman niya ang kanyang unang title sa 2015 Citi Open. Ngayon, mayroon na siyang limang WTA singles
titles kabilang ang US Open 2017 major grand slam title nito.
What’s next for Stephens?
At dahil
mas pabago-bago ang galaw sa women’s tennis kaysa sa men’s, inaasahan ngayon na
makakatunggali ni Stephens sa kanyang daan pataas sa rankings at sa pag-abot ng
number 1 rank sina Madison Keys (number 19/USA), Jelena
Ostapenko (number 7/Latvia),
Elina
Svitolina (number 6/Ukraine), Karolina Pliskova (number 4/Czech Republic), Garbiñe
Muguruza (number 2/Spain), at world number 1 Simona Halep (Romania).
“I’ll
try to keep everything the same as it is now. But I know there will be more
responsibilities, and there are always struggles. It’s added a lot more to my
life, but when something like this happens it’s never easy. Obviously, a lot of
players are coming through now. The number 1 ranking is changing often. I’m
aware of that. But since I started this comeback, all I’ve been thinking about
was what I’m doing on the court,” dagdag pa ni Stephens sa ESPN patungkol sa
kanyang bagong status bilang grand slam champ at sa pressure na kasama nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento