Para
makalipad sa iba pang
destinasyon, ang mga taga-Davao ay bumabiyahe pa sa Cebu at ang taga-Cebu ay
pumupunta pa ng Maynila. Sa dagdag na eroplano at biyahe ng Philippine Air
Lines (PAL) ay mababawasan na ang ganitong abala. Kamakailan lang ay inilunsad
na ng PAL ang ruta na Davao to Cagayan de Oro, Davao to Tagbiliran, at Davao to
Zamboanga City.
Mayroon na rin Cebu to Beijing flight,
bukod pa sa mga biyaheng Cebu-Camiguin, Cebu-Legazpi, Cebu-Ozamiz, at
Cebu-Siargao. Ang isa pang susunod na bagong
international flight ng PAL ay mula sa Cebu papuntang Bangkok, Thailand.
Inaasahang makatutulong ang mga flight na
ito sa mga pasaherong may kapasanan at may ibang espesyal na pangangailangan. Bukod
dito ay mas madaling mapapaigting ang turismo sa Davao, Cebu at iba pang
lalawigan.
Samantala, parating na rin ang bagong
biling eroplano ng PAL. Ilan sa nakatakda nilang magamit ay walong A321 Neo na
may 200 upuan, dalawang B347, at apat na A350 aircraft. Ang huling dalawa ay
may 280 upuan bawat isa.
“Additional airplanes means we can do more
flights to more destinations,” saad ni Ronald Mangahas, ang Express Assistant
Vice President For Airport Services Outstation ng PAL, sa media.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento