Isa sa pangunahing problema ng anumang
bansa ang maayos na waste management. Mahalaga na nahahati ang mga iba’t ibang
uri ng mga basura sa dalawang klase — biodegradable (nabubulok) at non-biodegradable
(plastic products/packagings, grocery bags, styrofoam, aluminum cans, bottles,
glass, metal scraps, wood scraps) na kadalasan ay maaaring i-recycle o gamitin
muli.
Ang ideyang ito ng recycling ang
konsepto sa likod ng ReTuna Återbruksgalleria, ang unang shopping center sa
mundo na ang mga produkto ay tanging repaired at upcycled goods lamang.
Matatagpuan ang naturang mall sa bayan ng Eskilstuna
na may 100 kilometro pakanluran ang layo mula sa capital city ng Sweden na
Stockholm.
Traditional yet innovative: Re-use, recycle and redesign
Ayon sa
2017 report ng World Economic Forum at Ellen MacArthur Foundation na inilunsad
sa Davos, Switzerland, ang The New Plastics Economy: Catalysing action, ipinapanukala
nito ang makabagong perspektibo sa nakasanayan nang konsepto ng “reduce,
re-use, and recycle” patungo sa “re-use, recycle and redesign.”
Alinsunod
sa panukalang ito ang ginagawa ng ReTuna Återbruksgalleria, na nagbukas noong 2015 at pinapamahalaan ng munisipalidad nito ngunit
nakikipagkolaborasyon sa mga pribadong negosyo at social enterprises. At dahil
dito, nabubuksan ang mas maraming oportunidad para sa mga bagong negosyo, mga
trabaho, mga local artisans at workshops sa naturang lugar.
At dahil ‘di ito pangkaraniwang
shopping mall, mayroon din itong conference facilities, exhibition area, cafe
restaurant (with variety of organic options), at training college kung saan
maaaring mag-aral ng recycling.
Sa recycling depot ng mall, inaayos
rito ang mga dropped-off incoming goods na maaari pang ayusin (repair) at
gawing bago muli (refurbish). Pagkatapos, ipinapasa ito sa mga workshops para
kumpunihin at gawing maayos na produkto uli saka ito ibabalik sa mall at
ibebenta sa 14 na specialist shops na may iba’t ibang mga produkto – ilan
lamang dito ang furniture, building materials, clothes, gardening tools, bikes,
toys, computers, at audio equipment.
The circular
economy: Turning waste into opportunities
Bahagi ng tagumpay ng ReTuna
Återbruksgalleria ay ang kontribusyong mula sa mga mamamayan. At sa
pagsuportang ito ay nakatutulong din sila sa tinatawag na “circular economy,”
isang alternatibong industrial production model na hindi lang tungkol sa
recycling. Isang konsepto na ‘di gaanong nakadepende sa mga pangunahing
enerhiya at materyales.
Inilarawan ng The Conversation ang
circular economy na isang restorative process “that involves fundamental
redesign (so they last longer, so they can be repaired and upgraded, so they
can be reused or resold, and so their materials can be used in remanufacture).”
Kaugnay nito, mula sa New Plastics
Economy ay ilulunsad din sa susunod na taon ang dalawang global innovation
challenges – (1) redesign
of materials and packaging formats, (2) building a set of global common
standards (global plastics protocol) for packaging design.
At sa pamamagitan ng
Circular Design Guide, maaaring sumali ang mga designers, innovators, at entrepreneurs
para mapag-aralan ang iba’t ibang mga sistema at hakbang ukol sa circular
economy nang sa gayon ay makatulong sa patuloy na pagsusulong ng circular
economy bilang pangkalahatang modelo ng produksyon sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento