“Adidas
has created so many products, innovations and looks through the decades which
became true icons in the soccer world. We want to celebrate those icons in the
world of today,” ang pagsasalarawan ni Juergen Rank, Adidas senior design
director patungkol sa paglulunsad ngayong buwan ng bagong line-up ng new
federation home kits para sa darating na 2018 FIFA World Cup na gaganapin sa
Russia sa Hunyo 14 hanggang Hulyo 15 .
Aniya, ang mga bagong disenyo ay representasyon ng
pagkilala sa parehas na kagustuhan at pangangailangan ng mga tagahanga ng
soccer at ng mga atleta o ang tinatawag na kumbinasyon ng “authenticity” at
“progression.” Dagdag pa ni Rank, higit na mahalaga na mapanatili ang marka ng
mga nauna nang disenyo na tiyak na makikilala agad ng mga tagahanga, gayon din
ang pagtataglay nito ng pinakamodernong teknolohiya ngayon.
Modern intepretation of
classics
Para sa mga tagahanga ng defending champions na Germany,
siguradong masasariwa muli nila ang 1990 shirt, ang ikatlong beses na
napanalunan nila ang tropeo. Dito sa bagong bersyon nito, makikita ang dropped
shoulder cut lines na ginawa sa pamamagitan ng isang two-fabric component
collar, isang World Cup gold winner badge na nasa harap ng jersey, special
sign-off sa loob ng kwelyo at ang mga katagang “Die Mannschaft”
o “The Team.”
Matatandaan
naman ang jersey ng Russia sa kanilang makasaysayang pagwawagi sa 1988 Seoul Olympic Games, na ngayo’y ibinabalik sa isang
panibago ngunit pamilyar na disenyo. Kulay pula ito na may mga guhit na kulay
puti mula sa likod hanggang sa manggas at harapan nito. Makikita naman ang
bandila ng Russia, Russian eagle at mga katagang “Вместе КПобеде”
o “Victory-Bound as One” bilang sign-off mark nito.
Isang
refreshing take naman ang sa Belgium na nagtatagalay ng kulay itim, dilaw at
pulang argyle print mula sa Euro 1984 design
sa harap nito, hinabing team badge sa gitna, at ribbed V-neck na kwelyo.
Inspirasyon
naman ng home shirt ng Spain ang 1994
World Cup na ginanap sa Amerika. Binubuo ito ng graphic line design na may
kulay pula, dilaw at asul na diamonds. Sinisimbolo ng mga brilyante ang
enerhiya, bilis at istilo ng paglalaro ng national team ng Spain.
“Unidos
por un Pais” o “United as one Nation” ang sigaw naman ng Colombia team sa
kanilang jersey na nakuha ang inspirasyon sa 1990 FIFA World Cup sa Italy. Ito
ay may kulay asul at pulang graphic design na nagpapatingkad lalo sa kulay ng
bandila ng Colombia.
Isang
stadium-to-street transition naman ang disenyo ng home jersey ng Mexico na
galing naman sa unang bahagi ng 1990s. Nagtataglay ito ng pangunahing kulay na
berde at graphic styles na mula sa laylayan nito hanggang sa bahagi ng dibdib.
Kinukumpleto naman ito ng mga salitang “Soy Mexico” o “I am Mexico.”
Anniversary
celebration and handcrafted inspiration
Selebrasyon naman ng
ika-125 taong anibersaryo ng Argentine Football Association (AFA) ang disenyo
ng home shirt ng team Argentina kung saan nilagyan ito ng laurels na
pangunahing elemento ng Argentinian coat of arms at mismong AFA crest at
hinaluan ng sikat na kulay asul at puting stripes. Nariyan din ang dalawang
gold stars na sumisimbolo sa dalawang kampeonato ng koponan sa FIFA World Cup
at embossed sign-off na mayroong laurels at numerong 125.
Nagmula naman sa
handcrafted Japanese Apparel Design ang inspirasyon ng home jersey ng team Japan
na nagpapakita ng Sashiko stitching technique na isang traditional
craftsmanship. Gawa ito sa puti at magaspang na hibla na mayroong indigo-dyed
base. At bilang pagpupugay sa national flag ng bansa, tampok ang bagong blue
shades at kumbinasyon ng kulay pula at puti. Kinukumpleto naman ito ng sign-off
na kinikilala ang mga makasaysayang pangyayari ng Japan Football Association (JFA)
na makikita sa reverse side sa bahagi ng leeg nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento