Ipinasa kamakailan ang isang
ordinansa na magpapataw ng lodging tax sa mga lokal at dayuhang turista na
mananatili sa mga hotels, inns at pribadong lodging services sa lungsod ng
Kyoto.
Ipapatupad ang ¥200 hanggang ¥1,000
na lodging tax kada gabi sa bawat turista na mananatili sa lungsod base sa
halaga ng kanyang kwartong tinutuluyan. Sisimulan ito mula Oktubre 2018.
Tinatayang aabot sa ¥4.56 bilyon
ang malilikom dito ng lungsod ng Kyoto na gagamitin sa promosyon nito sa
turismo.
Aabot sa humigit-kumulang 55
bilyong katao ang bumisita rito noong 2016.
Nasa halos 2,500 lodging services ang
matatagpuan dito na karamihan ay mga guest houses at boarding houses.
Nakapagtala ng record breaking na
7.86 milyong pananatili ng mga dayuhang turista sa mga hotel at inn sa buong
Japan noong nakaraang Abril kung saan pumangatlo ang Kyoto sa 689,600 kasunod
ng Tokyo sa unang pwesto at Osaka sa pangalawang pwesto. Hindi naman kabilang
dito ang mga dayuhang turista na nanatili sa mga pribadong lodging services
tulad ng Airbnb at mga cruise ships.
Samantala, sinimulan nang tugunan
ng pamahalaan ang problema sa kakulangan sa mga hotel at inn sa pamamagitan
nang pagpayag sa pagpapaupa ng mga Airbnb hosts sa Japan ng kanilang mga bahay
at kwarto sa mga turista. Isinabatas ito ng Diet noong Hulyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento