Via Pinterest |
Dumayo kamakailan sa Maynila ang tinaguriang
pinakamatandang “mambabatok” na si Apo Whang-od Oggay sa nakaraang Manila FAME
2017, isang pangunahing design-lifestyle event na nagsasagawa ng exhibition ng
mga design innovation, artisanal products at craftsmanship na isinasagawa sa
World Trade Center.
Ito ang una kauna-unahang beses na bumisita sa
siyudad ang sikat na traditional Kalinga tattoo artist kasama ang ilang
kamag-anak mula sa tirahan niya sa Buscalan, isang mabundok na nayon na
matatagpuan sa probinsiya ng Kalinga.
Dinala sa Maynila ng Center for International Trade
Expositions and Missions (DTI-CITEM) ang centenarian para iendorso ang
nominasyon nito sa National Living Treasure Awards.
“Masaya
ako na ma-invite kami sa Manila FAME, proud kami... ‘Pag nag-uusap kami, gusto
niya. Sabi ni lola, gusto niya rin daw makita ang Maynila. Sabi ko, kung gusto
mo, sige para ma-meet din niya ‘yung ibang kultura,” ang tinuran ni Grace
Palicas, pamangkin sa tuhod ni Whang-od, tungkol sa naging karanasan nila sa
naturang event.
Traversing the times: Continuing
a deep-seated tradition
Bago nito, napakaraming mga banyagang turista at mga
kapwa-Pinoy ang masugid na nilalakbay pa ang kalayuan ng Buscalan para lamang
magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng tattoo na gawa ni Apo Whang-od gamit
ang tradisyonal at natatanging kultura ng “pambabatok” (ancient art of hand-tapped
tattoos).
Ayon sa panayam sa kanya ni Kate Springer ng CNN,
“Magpapatuloy ang tradisyon hangga’t may mga taong pumupunta para magpa-tattoo.
Hangga’t nakakakita ako ng malinaw ay patuloy ko pa rin gagawin ito. Saka
lamang ako titigil kapag nagsimula nang lumabo ang mga mata ko,” ang pahayag ng
centenarian tattoo artist.
Bagaman wala siyang sariling anak, nanindigan siyang
mananatiling buhay ang tradisyonal na sining ng pambabatok sa pamamagitan ng
kanyang mga babaeng pamangkin-sa-tuhod na sina Grace Palicas at Elyang Wigan na
maraming taon na niyang sinasanay hanggang ngayon.
Tunay na hindi simple ang pagpapanatili sa tradisyon
lalo na’t maaari lamang ito ipasa sa mga kamag-anak dahil sa paniniwalang
masisira ang sinaunang kultura na higit na pinapangalagaan ni Apo Whang-od.
Dagdag pa ni Apo Whang-od, noong unang panahon ay
tanging mga Butbut warriors ang nabibigyan ng batok tattoo kapag sila ay
nakapatay sa gitna ng digmaan. Itinuturing naman na aksesorya ang mga tattoo sa
mga kababaihan noon, isang bagay na nagpapatingkad ng kagandahan at simbolo ng
tapang.
The traditional process of
Apo Whang-od
Malayo sa modernong paraan ng tattooing ang proseso ni
Apo Whang-od ngunit ito mismo ang dahilan kung bakit itinuturing na kulturang
kayamanan ang pambabatok.
Simple lang ang mga materyales na kailangan ng
centenarian – isang tinik mula sa puno ng pomelo, bamboo stick, uling at tubig.
Maaari rin mamili ang mga magpapa-tattoo ng mga
traditional designs gaya geometric patterns, centipedes, hugis ng puno at iba
pa na para sa mga mambabatok ay may malalim na kahulugan.
Nagmumula ang tinta sa pinaghalong tubig at uling,
pagkatapos nito ay maaari nang iguhit ni Apo Whang-od ang iyong napiling
disenyo gamit ang manipis na tangkay ng damo. Susundan ito ng hand-tapping nang
unti-unti gamit ang tinik at bamboo stick para maiukit sa iyong balat ang
tinta. At bilang pagtatapos, iuukit ni Whang-od ang kanyang lagda na binubuo ng
tatlong tuldok. Saka niya ito papahiran ng virgin coconut oil.
Aniya, ‘di tumatanggap ng customized na disenyo si
Apo Whang-od. Nagsisimula naman sa Php300-500
ang presyo ng batok tattoo at nasa Php100 naman ang 3-dot signature ni Apo
Whang-od.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento