Ni
Florenda Corpuz
Masayang inanunsyo ng Japan
Aerospace Exploration Agency (JAXA) kamakailan na napili ang Japanese astronaut
na si Soichi Noguchi bilang crew member ng International Space Station (ISS)
Expedition 62/63 na magsisimula sa huling bahagi ng taong 2019.
Ito na ang magiging pangatlong
spaceflight para kay Noguchi. Inilunsad siya bilang mission specialist (MS)
sakay ng Space Shuttle para sa kanilang Return to Flight mission noong Hulyo
2005 matapos mapili bilang JAXA astronaut noong 1996. Nagtrabaho rin siya sakay
ng ISS sa loob ng 161 araw bilang flight engineer ng ISS Expedition 22/23
matapos ilunsad bilang kauna-unahang Japanese left-seater para sa Soyuz
spacecraft noong Disyembre 2009.
“I am extremely honored as I may be
able to witness a big turning point in the history of manned space flights,”
pahayag ng 52-taong-gulang na si Noguchi sa ulat ng Kyodo na inilathala sa
Japan Times.
Tinatayang mananatili sa kalawakan
sa loob ng anim na buwan si Noguchi. Ilan sa mga trabaho niya bilang ISS flight
engineer ang pagpapanatili ng mga pasilidad ng ISS kabilang ang “Kibo,”
scientific experiments at pagmamanipula ng Mobile Servicing System (MSS).
Nakatakdang magsimula ang
pagsasanay para sa kanyang pananatili sa ISS sa Nobyembre 20.
Ayon sa JAXA, si Noguchi ang
magiging ika-11 Japanese astronaut na makakapaglakbay sa kalawakan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento