Itinampok ang Boracay island sa international
tourism drive na “Fun Budget Campaign Japan” kung saan ang target ay mga manlalakbay
na kababaihang Hapon.
Ayon sa Department of Tourism (DOT)
sa Western Visayas, mas lalong mapapalakas ng kampanya ang reputasyon ng
Boracay bilang pangunahing destinasyon sa Pilipinas.
Saad sa ulat ng Philippine News
Agency (PNA), ang kampanya ay serye ng branded content kung saan tampok ang mga
sikat na Key Opinion Leaders (KOLs) na nagpapakita kung paano maaaring magiging
kasiya-siyang karanasan para sa tinatawag na “Joshi Tabi” o Japanese women
travelers market ang pagpasyal sa iba’t ibang mga destinasyon.
Ipinakita ng YouTube star na si Risa
Sekin at Japanese endorser na si Mika Shindat ang kanilang mga aktibidad sa
isla tulad ng mermaid swimming, helmet diving, food trips at souvenir shopping.
Layon nilang mahikayat ang mga biyaherong babaeng Hapon na bisitahin ang
Pilipinas at masilayan ang ganda ng Boracay.
Bukod sa Boracay, nakatakda rin
itampok sa kampanya ang Cebu City.
Paboritong tourist destination ang
Boracay dahil sa apat na kilometrong beach na may malapulbos na puting buhangin
na galing sa coral fragments at seaweed Halimeda. Ang coral reef ecosystem ang
pinakamahalagang yaman nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento