Huwebes, Hulyo 5, 2018

CoMix Wave – Haoliners bring memories of the past and present spun together in new anime anthology film ‘Shikioriori’


Ni Jovelyn Javier


Inanunsyo nitong Pebrero ang collaboration project na pinamagatang “Shikioriori” (Poem of Seasons Woven Together) ng Chinese anime studio na Haoliners (To Be Hero/The Silver Guardian) at CoMix Wave Films, ang studio sa likod ng mga animation masterpieces na Koto no ha no Niwa” (The Garden of Words, 2013), “Kimi no Na Wa” (Your Name, 2016),  at Byousoku 5 Centimeter” (5 Centimeters per Second, 2007),  ng tinaguriang bagong animation maestro na si Makoto Shinkai.

Naglunsad na rin kamakailan ang produksyon ng full trailer at nakatakdang magkaroon ng limited three-week theatrical release ang anime anthology film ngayong summer dito sa Japan sa Agosto 4 sa Theater Shinjuku, Cine Libre Ikebukuro, at iba pang sinehan na iaanunsyo pa lang sa website nito.

Maririnig naman ang kantang “Walk” ni Vickeblanka bilang theme song sa nasabing trailer.

Combination of Japanese and Chinese talents, the Shinkai influence

Kitang-kita naman ang impluwensiya ni Shinkai sa napakagandang animation style ng tanawin, mga karakter at ang atmosperang naging marka na ng mga anime films na Shinkai na makikita sa trailer.

Nahahati sa tatlong short films ang anime anthology – ang “Shanghai Koi” (Shanghai Love), “Hidamari no Choshoku (Sunny Breakfast), at “Chiisana Fashion Show” (A Small Fashion Show) kung saan ang mga kwento ay nakatakda sa tatlong magkakaibang siyudad sa China – ang Beijing, Guangzhou, at Shanghai.

Nagsisilbi naman bilang general director ng produksyon si Li Haolin (Haoliners president, Spiritpact), na isang malaking tagahanga ni Makoto Shinkai, simula nang mapanood niya ang 5 Centimeters per Second. Si Haolin din ang direktor sa likod ng Shanghai Koi.

Dagdag pa ng Chinese director, naisakatuparan lamang ang proyekto dahil masugid siyang nakipag-usap at nagpapadala ng mga magagandang konsepto sa CoMix Wave.

Of precious memories, homage to 5 Centimeters per Second  

“The staff created warm stories with poetic pictures depicting a vibrant landscape in order to impress the viewers. The three anime movies will say stories that people across times and borders can sympathize with.” – Manga Tokyo

Dagdag pa ni Li, ang kwento ng Shanghai Koi ay isang special homage para sa paborito nitong Shinkai film na 5 Centimeters per Second, na tungkol sa “living spaces” o “shelter” na nakasentro sa dalawang magkakabata – sina Rimo at Shaoyu sa 1990s Shanghai, ngunit isang pangyayari ang magtutulak para maglayo ang landas ng dalawa; hanggang sa madiskubre ni Rimo ang ilang mga bagay  na nagpaalala sa kanya sa kanyang kabataan na kasama si Shaoyu.

Tungkol naman sa “food” ang kwento ng Hidamari no Choshoku na umiikot kay Xiaomin, isang young adult na nagtatrabaho sa Beijing ngunit naaalala pa rin ang mga panahong kasama niya ang kanyang lola at ang home-cooking nito habang lumalaki sa Hunan Province.

Tema naman ng Chiisana Fashion Show ang “clothing” na isinasakwento ang buhay ng dalawang magkapatid na babae – sina Irin, ang nakakatandang kapatid at isang sikat na fashion model at Lulu, isang vocational school student.

Tampok naman ang mga boses nina Takeo Otsuka (Rimo), Takayuki Nakatsukasa, at Ikumi Hasegawa (Shaoyu) sa Shanghai Koi; Taito Ban (Xiaomin) at Mariya Ise (young Xiaomin) sa Hidamari no Chōshoku; at Hiroki Yasumoto (Steve, Irin’s manager), Minako Kotobuki (Irin, the older sister), at Haruka Shiraishi (Lulu, the younger sister).

Revealing ‘The Good Parts’ of Andy Grammer’s music


Ni Len Armea


Kuha ni Jovelyn Bajo

Unang beses pa lamang nagtanghal ang American pop artist na si Andy Grammer sa Pilipinas subalit agad na niyang nakuha ang kiliti at paghanga ng mga fans na dumayo sa Music Museum sa San Juan, Greenhills kamakailan para siya mapanood.

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa bukod sa pagbibigay ng “high energy performance” sa kanyang mga fans, ipinakita rin ng 35-taong-gulang na laking Los Angeles, California ang kanyang galing sa pag-awit ng mga madamdaming kanta na siya mismo ang nagsulat.

Sa huling bahagi ng concert ay ikinuwento niya ang naging inspirasyon niya sa isinulat na kantang “The Good Parts,” na siya rin titulo ng kanyang ikatlo at bagong album na inilabas Disyembre nang nakaraang taon.

“Basically, it [The Good Parts] stems from one of the biggest wounds that I had – I lost my mom when I was 25 – and every time I’ll have a conversation with someone new if I bring it up I share my deepest wound.

“I just feel like we all have this incredible, personal stories and some of the deep stuff we don’t share so I wish I have an hour-long coffee with every single person in this room to get to know you, get to know your real stuff so this is my song about wanting that,” pahayag ni Grammer.

Tahimik na nakatutok ang fans kay Grammer habang kinakanta ang The Good Parts at tumutugtog ng piano dahil sa emosyonal na pag-awit nito na ginantihan ng masigabong palakpakan.

“Again, thank you very much for coming; it means the world to me,” dagdag pa ni Grammer.

Hindi rin nawala ang pagkanta niya ng “Fresh Eyes,” na isa sa kanyang mga hit songs Aniya, isinulat niya ang kanta para sa kanyang asawa.

“The whole idea of Fresh Eyes is redefining love with someone you want to grow old with. Me and my wife we’ve dated for nine years now and what’s most fun is when you find things that surprises you still,” pahayag ni Grammer.

Kabilang sa kanyang mga kinanta sa concert ay ang “Good to be Alive (Hallelujah),” “85,”
“Always,” “Fine By Me,” “Blame It on the Stars,”  “Spaceship,”  “Freeze,” “Keep Your Head Up,” Working on It,” “Grown Ass,” “Smoke Clears,” “Back Home,” at “Honey, I’m Good.”

Ipinarinig din niya ang kanyang sariling rendisyon ng “All Time Low” ni Jon Billion, “One Dance,” ni Drake, “Stay” ni Zedd at Alessia Cara, “Sorry Not Sorry,” ni Demi Lovato, “Don’t Let Me Down ng The Chainsmokers ft. Daya, at “Chasing Cars” ng Snow Patrol.

From street performing to international stage

Kakaiba ang istorya ni Grammer kung paano siya nakapasok sa international scene dahil nadiskubre siya noong siya ay 26-taong-gulang habang kumakanta sa mga kalye ng Santa Monica, Los Angeles. Street performing ang pinagkakakitaan noon ni Grammer kung saan kinakanta na niya ang ilang mga awitin na siya mismo ang sumulat.

“I started as a street performer for about four years when I lay my guitar case open in a little place in Santa Monica, Los Angeles where there is a whole street flocked out, pretty much every day I’d pay my rent by going out, playing music, selling CDs. And it’s amazing to go from something like that to coming out as far as people knowing my songs,” pahayag ni Grammer sa presscon na dinaluhan ng Pinoy Gazette sa Marco Polo Ortigas, Pasig City isang araw bago ang concert.

Ang kanyang pagtugtog sa kalye ang naging dahilan kung bakit lagging bigay todo siya sa pagtatanghal.

“I think that it’s a great way to get started because your standard of what has to happen is really high. In street performing, when someone’s walking by, it’s the only chance you have to get them to stop, you have to pull them away. Like that level of how good has to be really high and I take that with me now when I play,” ani Grammer na aminadong si Stevie Wonder ang isa sa kanyang music influences.

Ngayon ay isa na si Grammer sa multi-platinum selling pop artist na nakapaglabas ng self-titled album noong 2011, “Magazines or Novels” noong 2014, at ang “The Good Parts” nitong 2017.

Winning the heart of Pinoy fans

Minahal ng Pinoy fans si Grammer dahil sa kanyang mga kanta na karamihan ay puro masasaya at nagbibigay ng positibong mensahe.

“They say write what you know and I’m not happy all the time but I believe that you got tests in life to grow and so you’re not probably write a song that says life sucks and that’s it. That’s not what I want to write. I have hard times and some of the music I wrote when I was 25 had a big impact on me so I know pain, it’s just that I don’t believe that pain is just there to hurt. I believe that it helps you grow,” paliwanag ni Grammer tungkol sa kanyang pagsusulat ng kanta.

Kaya naman ang kanyang kantang Fresh Eyesay naging certified gold sa Pilipinas kaya naman ibinigay ng personal ng Warner Music Philippines ang plake na lubos na ikinatuwa ni Grammer.

“This country and these people have fully won me over and I freaking love it here. Everywhere I turn is someone smiling and singing a tune under their breath. There is a musical spirit here that is truly amazing. It’s still a pinch myself moment any time I get plaques like this but it’s extra special for it to be coming from a country so far from home,” ani Grammer.

Boyce Avenue, Moira share stage in a sold-out concert



Ni Len Armea


Kuha ni Jovelyn Bajo

Matagumpay ang naging concert ng international American acoustic band na Boyce Avenue kasama ang bagong Filipina hitmaker na si Moira Dela Torre matapos mapuno ang Araneta Coliseum ng kani-kanilang mga fans kamakailan.

Ito ang pitong pagkakataon na nagtanghal ang Boyce Avenue – na binubuo ng mga magkakapatid na sina Alejandro, Daniel, at Fabian Manzano – subalit ito ang una na kasama ang Kapamilya singer na kilala sa kantang “Tagpuan” at “Titibo-tibo.”

Unang sumalang ang 24-taong-gulang na singer na kinanta ang kanyang mga pinakakilalang kanta kasama ang kanyang fiancé na si Jason na isa rin musiko. Kinilig ang mga fans nang kantahin ng dalawa ang Tagpuan na kanta noong nag-propose ng kasal ang huli nito lamang Abril.

Kinanta naman ng Boyce Avenue ang kanilang orihinal na kanta kabilang ang “Hear Me Now,” “Find Me,” at “Your Biggest Fan” pati na rin ang kanilang mga cover songs gaya ng “Wonderwall,” “Iris,” “Fast Car,” “Teenage Dream,” “We Found Love,” “Yellow,” “Torn,” “Perfect,” at “Unchained Melody.”

Nag-duet naman ang Boyce Avenue at Dela Torre nang kanilang kantahin ang “A Thousand Years” ni Christina Perri at “Say You Won’t Let Go” ni James Arthur na pinalakpakan ng mga Pinoy fans na dumalo.

The drive to keep going

Nag-umpisang umani ng atensiyon sa larangan ng pagkanta ang Boyce Avenue nang maglagay sila ng music videos sa YouTube ng kanilang mga original at cover songs noong 2007. Simula noon, naging patok ang kanilang mga kanta na mayroong milyun-milyong views sa online platform.

Kaya naman isa sila sa mga biggest stars ng YouTube na mayroong 11 milyong subscribers. Marami man ang sumunod sa kanilang yapak, nananatili pa rin ang nangunguna ang Boyce Avenue pagdating sa online streaming.

Ani Alejandro, dala ito ng kanilang pagmamahal sa kanilang ginagawa at pagkakaroon ng tamang pag-uugali bilang mga music artists.

“We kind of have to remind ourselves to not take for granted how many supporters we have earned over the years, how many people has stuck with us and just how getting into the mindset where we were 10 years ago, and how much we would’ve done anything to have 11 million subscribers to be able to deliver a video or song,” ani Alejandro sa presscon na ginanap sa Novotel Manila na dinaluhan ng Pinoy Gazette.

“I feel like once you’ve kind of get back to that mindset and remember that feeling when you were grinding it out in  the early days and it was a struggle to get anybody to care and now that you do have somebody to care,  that’s absolutely not the time to take things for granted. If anything, that’s the time to put out as much quality content as you can. This kind of perspective has helped us to keep pushing forward,” dagdag pa niya.

Nakatulong din umano na magkakapatid sila at lumaking malapit sa isa’t isa.

“We just get along. We grew up in a Hispanic culture, it’s very close knit, and family was the most important thing. We never did anything separately, all our vacations we were always together….so we basically became best friends.”

Natuwa naman sila na makasama si Dela Torre sa unang pagkakataon na aminado silang talentado.

“We’ve been in the Philippines a lot of times, but we’ve never gotten to do a concert with somebody that’s local, honestly, who has a great voice and great talent. When the idea came up, we are very excited; it’ll be different for the fans and it’ll be fun.”

Admiration for Boyce Avenue

Aminado naman ang dalaga na isa ang Boyce Avenue sa kanyang music influences kaya naman agad niyang tinanggap ang offer na makasama ang mga ito sa isang natatanging concert.

“If you look at my most streamed artists on YouTube from way back when I first started, it would be AJ Rafael… and Boyce Avenue. They have inspired me a lot as an artist, as a YouTuber, as a singer, to be persistent with my music and to make it my own.”

Inamin din ng “Tagu-Taguan” singer na napag-usapan nila ng Boyce Avenue ang posibilidad ng pagpasok niya sa international scene.

“We actually talked about possibly going global with my music. I’m trying to be as versatile as I can… just so I can challenge myself more as an artist and try to write not just ‘hugot’ songs that are just acoustic.

“We plan in going global in the U.S. just because in the past years that I’ve been going back and forth to see my family, I’ve done live shows ―small intimate shows with my cousin, and I feel like we’ve already created an atmosphere there where we could be free to just explore different types of genres.”

Career tips & tricks: Kamtin ang pinakamahusay na bersyon mo sa pamamagitan ng personal routine



Negosyante man o hindi, napakahalaga nang tamang paggamit ng oras ay. Ito sa lahat ng kayamanan ang lumilipas at hindi na maibabalik pa.  Kaya naman ang isang inirerekomendang paraan para masulit ang iyong kakayahan at oras ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal routine.

Ang routine ay kalakaran o hilera ng mga gawain na kadalasang sinusunod sa araw-araw. Kung isa kang regular na empleyado,  ang routine mo ay iikot sa  paggising sa umaga, pagbiyahe papuntang opisina, pagtatrabaho sa oras na itinakda ng kumpanya, pagbiyahe pauwi,  pagkain, at pagtulog.  Ang ganitong kalakaran ay maaaring nakakapagod at nakakabagot pero kung susumahin ito ay nagbibigay ng disiplina, nag-oorganisa ng iyong schedule at nagpapadali rin ito ng pagsusunud-sunod o pagpaprayoridad ng iyong mga gawain.

Kaya nga kahit sa mga negosyante, freelancers, at para sa personal na buhay ay mainam ang pagkakaroon ng personal routine.

Pagkakaroons ng personal routine

 Kung tutuusin ang bawat tao ay may iba’t ibang sistema.  May iba na mas produktibo sa umaga, hapon, o sa gabi.  Kaya kung kaya mong ikaw ang gumawa ng iyong routine ay mainam na ilagay mo ang iyong pagtatrabaho sa oras na ganado ka. Dito ay mas makakagawa ka ng maraming bagay kahit pa iyong mabibigat at madalas mong kinatatamaran gawin.

 Sa ibang banda, pwede rin ibase ang iyong personal routine sa ninanais mo gaya ng pag-iwas sa stress kapag nagtatrabaho.  Pwedeng sa halip na magbasa ng email at balita sa umaga ay ilagay mo sa bandang hapon ang mga ito.  Kung gusto mo namang  palaging makasagap ng mga ideya ay maaaring bahagi ng routine mo ang magbasa ng may isang oras sa umaga, maglakad-lakad ng 15 minuto sa hapon o magkaroon ng brainstorming session sa iyong ka-grupo kada isang linggo. 

Anu-ano pa ang positibong epekto ng personal routine?

Para sa kalusugan.  Isa sa positibong epekto ng personal routine ay may kinalaman sa kalusugan. Mas naaayos ng taong may routine ang oras ng kanyang pagkain, ehersisyo, at pagkamit ng kumpleto at magandang tulog.  Mahirap ang mga ito para sa isang taong walang sinusunod na routine. Dahil hindi niya naisasaayos ang kanyang oras at limitasyon kaya nauuwi ito sa pagiging malilimutin, walang nagagawa, palaging tinatamad, at stressed.

Hirap din itong makatulog dahil sa panahon na dapat tulog siya ay gising na gising ang kanyang diwa. Kapag inaantok naman siya ay pinipilit niyang magising at kadalasan sinasabayan ng sobrang pag-inom ng kape. Iba ang senaryo kapag nasanay na ang katawan at isipan sa takdang oras ng pagtulog at pagkain.

Para mas maging produktibo. Ang isa pang bentahe ng personal routine ay ang mapaglaanan din ng oras ang iba-ibang bagay sa iyong buhay. 

Ang problema din kasi sa kawalan ng klarong routine ay pagkunsumo ng sobrang oras sa mga bagay na halos walang saysay araw-araw.   Halimbawa ay bahagi ng iyong dating routine ay manood ng TV na gagawin mo pagkauwi mula sa trabaho hanggang sa antukin ka na.  Bunsod niyan ay ibinuhos mo na ang natitirang oras at enerhiya sa pag-upo lang sa harap ng TV.  Maaaring gawin itong isang oras na lamang at isabay sa pagkain, at ilaan ang ibang oras sa ibang bagay gaya ng paglilinis, pagliligpit ng iyong gamit at pagdarasal.

Sa umpisa ay nakakatamad ito pero dahil susundin mo ang ganitong kalakaran ay unti-unti nitong  mababali ang iyong dating mga nakasanayan. Tandaan din na hindi mag-iiba ang resulta kundi muna mag-iiba ang aksyon sa iyong ginagawa. 

Para sa magandang pagbabago. Dahil kung tutuusin ay walang pangarap na nakukuha nang mabilisan, kailangan itong trabahuin ng may determinasyon.  Kaya kung gusto mong makamit ang iyong mga nilalayon ay ngayon pa lang ay simulan na itong isama sa ayos ng iyong routine.

Halimbawa na gusto mong magnegosyo ng pagkain sa hinaharap pero sa kasalukuyan ay namamasukan ka bilang empleyado, maaaring araw-araw ay may isa o hanggang dalawang oras kang magbasa tungkol sa pagluluto at pagnenegosyo.   Isingit mo rin sa iyong linggo-linggong araw ng pahinga ang pagbisita sa mga kainan, paglikha ng recipe, at pagpapatikim ng iyong mga luto sa iyong kakilala.

Ang  isang ideya rin  kasi sa personal routine ay ipursige ka na gumawa ng hakbang kahit maliit lang para sa iyong layon.  

Bakit hindi mo dapat itinatabi ang iyong pera?


Ni MJ Gonzales



Nag-trending sa Youtube ang video na “Kapuso Mo Jessica  Soho: Inanay na pera, mapapalitan pa ba?” Dalawa sa itinampok na paksa rito ay nasira ang mga perang papel na itinabi nila sa kanilang cabinet kung saan ang isa ay gumamit ng leather wallet habang isa naman ay kawayang alkansya.  

Ang nasabing segment episode ay hindi nagsasabing huwag mag-impok ng pera.  Tama ang disiplina at hangarin na maging masinop sa pera subalit ipinaaalala nito kung paano maging wais sa pag-iipon. Katunayan, ang pagkasira ng mga  perang papel dahil sa anay at bukbok ay ilan lamang sa pisikal na pwedeng mangyari sa iyong pera.  Maaari rin itong mawaglit sa isipan, manakaw ng iba at mawalan ng halaga.

Ano ang pakinabang ng perang ibinabangko?

Matrabaho ang pagdedeposito at pagwi-withdraw ng pera lalo na’t may regulasyon ang mga kumpanya ng bangko.  Ang kapalit naman nito ay magagandang bentahe, isa na rito ang insurance sa iyong deposito. Sa Pilipinas, ang bahala rito ay ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na kung saan sinisuguro ang deposito basta hanggang Php 500, 000.

Dagdag pa sa bentahe ng pagbabangko ay mas mabilis na pakikipagtransaksyon sa negosyo, trabaho at  pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman sa pananalapi.  Hindi nga ba’t kapag nagbabangko ay nakilala mo ang mga terminong deposit, withdrawal, time deposit, credit card, house/car loan, autodebit, internet banking, at marami pang iba. Bukod sa kaalaman ay mas makatutulong ang pagbabangko sa iyong disiplina sa pag-iipon.   

Mga epekto ng pagtatago ng pera

Ang pag-iipon ay hindi lang tungkol sa pagtatabi ng pera. Ito ay tungkol din sa layunin sa buhay  o iyong  tinatawag na financial goals at  disiplina.  Ilan sa mga halimbawa na kadalasan na pinag-iipunan ay edukasyon, retirement, pagpapakasal, at iba pa.   Kaya masasabing may silbi pa rin naman ang pag-aalkansya at wallet, partikular na sa maliliit at short-term goals. Pero bakit nga hindi dapat itinatabi ang pera nang matagal o para sa mga long-term goals?

Dagdag gastos para sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o gobyerno. Sa panig ng BSP ay nagkakaroon sila ng dagdag na gastos dahil sa “warehousing” o pagtatago ng pera lalo na ang mga barya.   Kapag kasi may “artificial shortage” o kakulangan ng umiikot na pera sa merkado ay kailangan gumawa ng pera gaya ng mga barya. Alam mo bang mas malaki pa sa halaga sa piso (Php 1) ang gastos sa paggawa  ng kada piraso nito (Php 1.55).  

Noong 2014 ay ipinasa sa kongreso ang House Bill 4411, akda ni Batangas Rep. Sonny Collantes, na may kinalaman sa “anti-hoarding of coins.”  Ang mapapatunayan na magkakasala rito ay maaaring makulong nang may walong taon at pagmumultahin ng Php 300,000.  Ito ay laban na rin sa mga taong iniimbak ang mga baryang pera para ikalakal.  Lalo na ang mga naunang inilabas noon, gawa sa copper at nickel ang mga barya na pwedeng tunawin para magamit na materyales sa ibang bagay.

Pahirap sa pamimili at pagbebenta.   Hindi lahat ng binibili sa mall ay sakto o sarado ang presyo. May ilan dito ay may butal gaya halimbwa Php 499.75 o kaya Php 499.95. Kung walang maibibigay na barya o maipapanukling pera ay mapipilitang mabili ito sa presyong Php500.

Mas bumababa ang tunay na halaga ng pera.  Ang isa pang masasabing “anay” sa itinatabing pera ay ang pagpapababa ng halaga nito ng hindi namamalayan. Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng mga bilihin na humihila pababa ang halaga ng pera o tinatawag na “inflation.” 

Halimbawa na nakakapagtabi ka ng Php 10, 000 kada buwan at ginawa mo ito sa buong taon mula pa noong Mayo 2017.  Kung susumahin ay aabot sa Php 120,000 nitong Mayo 2018. Pero dahil sa inflation rate na ayon sa huling tala ng BSP at Philippine Statistics Authority ay pumalo na sa 4.6 porsyento nitong Mayo 2018 ang aktuwal na halaga nito ay Php 114,480. 

Ito ang dahilan kung bakit hinihikayat ng mga financial experts na subukan ang pamumuhunan para hindi matulog ang pera at sa halip ay mapalago pa ito at malabanan ang inflation rate.  Sa bangko ay naglalaro lamang sa .63 porsyento hanggang 1.85 porsyento ang interest rate sa iyong perang ipinapatabi. Wala pa rito ang ibabawas na buwis.

Negosyo 101: Pagpaparami ng customers


Ni Lorenz Tecson


May panahon matumal ang bentahan sa tindahan lalo na kung may pinipiling panahon ang iyong produkto o serbisyo.  Kung inaasahan mo na mababa ang iyong benta dahil sa tag-ulan o tag-araw na ay isasara mo ba muna ang iyong tindahan? Hindi naman ito kailangan kung mayroon kang mga taktika partikular na kung pinapalawak mo ang iyong merkado.

Ang pagpapalawak ng merkado ay may dalawang bagay – pagpapalaki ng bilang ng iyong mga customers at pagpapalawak mismo ng inaalok ng iyong negosyo.  Ang pagtutuunan ng artikulong ito ay ang pagpaparami ng customers bagaman may mga  bahagi rito na maaaring salik din sa pagpapalawak  ng negosyo.  

Mag-alok ng iba para makaakit ng iba. Kung ang iyong produkto ay mga school supplies, ang inaasahan mong customers ay mga estudyante. Para makaakit ng iba pa, ang isang hakbang na mainam na gawin ay magdagdag ng iba pang klase ng paninda. Hanggang maaari ay hindi iyong mga tipo na nalalayo sa mga tinatangkilik ng iyong regular na parokyano. Para sa iyong school supplies store ay puwede kang magdagdag ng photocopy, giftwrapping, o computer rental services.

Ganito rin naman ang ginagawang taktika ng mga seasonal businesses gaya ng mga resorts. Lalo na pagkatapos ng tag-init na maituturing nilang peak season ay asahan ang iba pa nilang kampanya. May nag-aalok ng gawing venue ang kanilang resort sa halos anumang klaseng okasyon.

Magkaroon ng iba pang klaseng negosyo 

Hindi nakakapagtaka na yumaman ang mga kagaya nina Henry Sy, Tony Tan Caktiong, John Gokongwei, at Jaime Zobel de Ayala.  Iyan ay dahil sa sari-sari na linya ng kanilang mga negosyo.  

Si Henry Sy, ayon sa tala ng Forbes Magazine, ay “Richest Man in the Philippines” simula pa taong 2005. Siya rin ang “Richest Man in Southeast Asia” at ngayong 2018 ay tumuntong na sa top 52 sa hilera ng mga bilyonaryo sa buong mundo.  

Tinataya na may $20 bilyon ang kanyang netong yaman kung pagsasamahin ang magkakaibang  korporasyon sa  ilalim ng kanyang  SM Investments Corporation. Bukod sa malls, mayroon din silang ibang retail business, bangko (Banco de Oro at China Bank), at real estate (commercial at residential). Ngayong taon ay pinasok na rin nila ang cement business.  

Ang ideya sa bahaging ito ay simple at ito ay magkaroon ng magkakaibang negosyo  para iba-iba rin ang mapukaw mong customers.  Isang halimbawa rito ay kung may water refiling station ka ay pwede ka rin mag-laundry shop, mag-food cart business, at iba pa.  Ang tawag sa mga negosyanteng may ganitong istratehiya ay serial entrepreneur.

Magbukas ng negosyo sa magkakaibang lokasyon

Napakahalaga ng lokasyon sa isang negosyo na may pisikal na opisina.  Kaya kung sa tingin mo ay sa ibang lugar din na tatangkilik sa iyong negosyo ay pwede kang magtayo doon at sa iba pang lugar na matao. Ito rin ang simpleng ideya sa pagkakaroon ng branch at franchise ng iisang negosyo sa magkakaibang lugar.

 Gumamit ng mga daan at paraan

Kung pipiliing gamitin ang tektnolohiya ay mas maaari rin na maparami ang customers.  Bagay ito sa mga kabuhayan na nagsimula bilang tradisyonal na maaari rin gawan ng online store.  

Kung sa tradisyonal na tindahan ay para na sa iyong mga regular at malalapit na customers, ang iyong online store  ay maaaring para doon sa malalayo at hindi pa nakakakilala sa iyo. Magagawa ito kung sasamahan ng pagkakaroon ng online payment options, delivery services, at sistema para mapabilis ang pag-o-order.     

Ano ang pumipigil sa iyo para umasenso sa iyong karera?


Ni MJ Gonzales

Masarap talaga ang mangarap. Noong bata tayo ay mas masaya itong gawin dahil walang negatibong kaisipan na pumipigil sa atin. Basta simple lang, gusto natin matupad ang ating inaambisyong propesyon dahil mukhang masaya. 

Subalit sa paglipas ng panahon ay bakit tila nga ba nagiging malayong destinasyon ang ating  mga ambisyon? Bakit pinaghihinaan kaagad tayo ng loob na umasenso sa ating karera?  

Narito ang posibleng mga kadahilanan:

Nangangarap ka lang.   Sa ating pagtanda ay nalalaman natin na may mga ambisyon na madali at medyo mahirap-hirap makamit.  Lahat ng iyan ay nakadepende hindi lamang sa talino at talento kundi  sa iyong kasipagan.  Ang taong puno man ng talino at talent pero numero unong tamad ay walang aasahang  asenso at swerte sa karera.

Kung ang isang pangarap ay tila mataas para abutin, marahil ay dahil tinitingnan mo ito sa malayong hinaharap.  May mga bagay dito na hindi pa malinaw, nakakatakot subukan, at sa ngayon, ay parang hindi mo kayang gawin.  Simulan mong mangalap ng impormasyon at subukan ang mga hakbang na mahahanap mo. Hindi maglalaon ay magkakaroon ng sagot ang iyong mga katanungan at mabibigyang-linaw kung paano ka aasenso sa iyong karera. 
 
Tandaan na hindi sa laki at liit kundi kung mayroon ka nga bang ginagawa para maabot ang iyong pangarap. Kung nasaang sitwasyon ka man ngayon ay dahil iyan sa mga aksyon mo noon. Kaya hindi imposibleng makakarating ka rin sa hinahangad mong posisyon kung may gagawin kang aksyon ngayon.

Masyado kang nakadepende sa iba.  Noong bata rin tayo ang tanging mga tao na pwedeng bumasag sa ating pag-aambisyon ay ang ating mahal sa buhay.  Hindi tayo basta naniniwala sa pang-aasar ng ating mga kalaro nbagkus ay handa tayong makipag-away kung kinakailangan. 

Malayong-malayo ito sa karamihan kapag sila ay nagkaka-edad na tila kabaligtaran na. Ang nangyayari ay ang kanilang tagumpay, kasiyahan, at pangarap ay nakabase na sa ideya ng ibang tao. 

Isang magandang halimbawa rito sa modernong panahon ay mga taong binibigyan ng importansya ang “likes,” “trending,”  “viral,” at komento sa kanilang social media sites.  Maliban sa karera mo ay ang pagiging social media influencers, may kababawan kung susundin ang mga ito.

Katunayan ang ideya umano kung kung bakit maraming mamahaling brand ng sapatos, kotse, at damit ang hindi nakikita sa TV at social media ay dahil ang merkado ng mga ito ay wala sa mga platform na ito. Ang mga customers ng mga mamahaling brand ay masyadong abala sa kanilang mga karera para manood ng TV at magbabad sa social media. 

Kaya kung gusto mong makakuha ng mahusay na payo ay maiging dumiretso ka na sa mga eksperto, guro, o supervisor sa iyong trabaho.  Dito mas malalaman mo kung sino ka, kung ano ang gusto mo, at ano pa ang kailangan mong gawin.   Mas mainam na rin ang makakuha ng prangkang kritisismo kaysa pekeng katotohanan na ikakalubog mo.

Palagi mong ikinukumpara ang iyong sarili.  Sa realidad ng buhay ay palaging may mas matalino,  maganda, mayaman, talentado, at masuwerte kaysa sa iyo. Kung palagi kang nakatingin sa kung ano ang mayroon sa iba, ang palagi mong maiisip ay kung ano ang wala ka.

Ibang-iba ito kung sa halip na ikumpara mo ang iyong sarili ay pagtutuunan mo ng pansin kung paano ka magiging mas mahusay, mas may kumpiyansa, at mas masaya sa iyong ginagawa. 

Mawawala sa iyo ang inggit, takot, kalungkutan at mga negatibong bagay na nagpaparalisa sa iyong pag-asenso. At hindi mo namamalayan na nagiging positibo ang iyong pananaw at mga aksyon na nagreresulta ng positibong bagay sa iyong karera.