Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tokyo 2020. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tokyo 2020. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Marso 4, 2019

Tokyo 2020 medal project, tagumpay

Malapit na makumpleto ang kailangan na recycled metals para sa
paggawa ng mga medalya na gagamitin sa 2020 Olympic
 at Paralympic Games. (Kuha mula sa Tokyo 2020)

Inanunsyo ng Tokyo Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games kamakailan na malapit na nilang maabot ang target para sa koleksyon ng mga recycled na metal mula sa mga luma at sirang mobile phones at electronic gadgets para gamitin sa paggawa ng 5,000 medalya na igagawad sa mga mananalong atleta sa Tokyo 2020.

Ayon sa komite, matatapos ang kanilang kampanya para sa Tokyo 2020 Medal Project sa darating na Marso 31.

“Thanks to the huge levels of support from the public and companies across Japan and from national and international athletes, it is estimated that the remaining amounts of metals required to manufacture all Olympic and Paralympic medals can be extracted from the devices already donated,” saad ng Tokyo 2020 sa isang pahayag.

Inilunsad ang proyekto noong Abril 2017 at nitong nakaraang Nobyembre 18 ay mayroong humigit-kumulang sa 2,400 NTT Docomo stores at 1,594 municipal authorities sa buong Japan ang nagsisilbing collection centers para sa mga luma at sirang mobile phones at electronic gadgets.

Nakakolekta naman ng humigit-kumulang sa 47,488 tonelada ng discarded devices ang mga municipal authorities habang mahigit sa limang milyong gamit na mobile phones naman ang nai-donate sa mga NTT Docomo stores hanggang noong Oktubre 2018.

“The targeted amount of bronze – some 2,700kg – was already extracted from these by June of last year. By October 2018, 28.4kg of gold (93.7% of the targeted 30.3kg) and 3,500kg of silver (85.4% of the targeted 4,100kg) had been sourced from the donated devices.”

Samantala, ilulunsad ang disenyo ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic medals sa darating na summer ngayong taon.

Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

“1,000 Days To Go” countdown event, isasagawa

Ni Florenda Corpuz
Naglagay ng street banners sa Tokyo bilang paghahanda sa Tokyo 2020.
(Kuha mula sa Tokyo 2020)
Magsasagawa ng “1,000 Days To Go” countdown event ang mga organizers ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Games sa Nihonbashi sa Oktubre 28 at sa Tokyo Sky Tree sa Nobyembre 29.

Papalamutian ng mga bagong promotional graphics ng Tokyo 2020 ang pangunahing kalye ng pamosong Nihonbashi district na magiging malaking sports field sa araw na iyon. Magpapakitang-gilas din ang mga atleta habang maaari naman matutuhan ng mga manonood ang ilan sa mga sports na isasali sa Olympic Games sa unang pagkakataon. Magkakaroon din ng Olympic Concert.

Iilawan naman ang Tokyo Sky Tree – ang pinakamataas na free-standing tower sa buong mundo sa taas na 634 na metro – ng tatlong kulay ng “Agitos” na Paralympic symbol.

Gagamitin ang pitong bagong graphics – dalawa para sa Olympic-related promotion, dalawa para sa Paralympic-related promotion at tatlo para sa alinman sa dalawa – sa mga posters, banners at merchandise sa iba’t ibang lugar sa lungsod kasabay ng isang buwang pagdiriwang.

Mag-oorganisa rin ng iba’t ibang cultural, sporting at educational events sa buong Japan na may layong mapanatili ang momentum sa Olimpiyada at mahikayat ang pakikilahok ng publiko sa selebrasyon.

Martes, Hulyo 11, 2017

Japan nagpakita ng suporta sa mga karate fighters sa Pilipinas

Nagbigay ng suporta ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa mga karate fighters sa Pilipinas sa pamamagitan ng kauna-unahang Friendship Karate Tournament kasama ang Kyokushin Karate-do Philippines, ang pinakamalaking karate organization sa bansa,  para higit pang palakasin ang internasyonal na relasyon at pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.

Aabot sa 100 karate fighters mula sa 10 dojos o training facilities sa San Juan, Antipolo, Quezon, Olongapo at JICA sa Pilipinas ang lumahok sa tournament na ginanap kamakailan sa SM City Novaliches.

“The friendly matches aim to raise awareness and insight on Japan’s culture and experiences and promote stronger ties between Japan and the Philippines through sports,” ani Senpai Bryan Dizon mula sa Quezon City dojo na instructor sa JICA dojo.        

Sa Japan, ang karate ay isang tradisyonal na sport na itinataguyod ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ito ay malaking bahagi ng kasaysayan at kultura ng bansa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapasa ito bilang Olympic sport sa Tokyo 2020.
           
Ayon sa datos ng Ministry of Foreign Affairs, aabot sa 50 milyon ang karate practitioners sa buong mundo. Ang Kyokushin Karate-do ay may 167 sangay sa buong mundo kung saan 600,000 miyembro ang mula sa Japan at 12,000 ang mula naman sa ibang bansa (as of 2007).
           
“We aim to leverage on our friendly relations with the Philippines through this sports activity, and build on our common appreciation to sports to further strengthen our cooperation,” pahayag ni JICA Representative Maiko Morizane.

Nagpadala rin ang A Child’s Trust is Ours to Nurture (ACTION), isang Japanese non-profit group na tumutulong sa mga mahihirap na kabataang Pilipino katuwang ang JICA, ng mga karate fighters sa tournament.

Martes, Hulyo 14, 2015

Bidding para sa dagdag na sports event sa Tokyo 2020, binuksan

Ni Florenda Corpuz

Tokyo, Japan – Pormal nang binuksan ng Tokyo 2020 Organising Committee ang application process para sa karagdagang sports events sa darating na 2020 Tokyo Olympics, ito ay kasunod nang pag-apruba ng International Olympic Committee (IOC) sa Olympic Agenda 2020 noong Disyembre.

Tutukuyin ng Tokyo 2020 Additional Event Programme Panel ang isa o dalawang karagdagang sports event na imumungkahi ng Tokyo 2020 sa IOC batay sa ilang mahahalagang alituntunin.

“The additional event(s) will serve as a driving force to promote the Olympic Movement and its values, with a focus on youth appeal,” pahayag ng kumite.

“The additional event(s) will add value to the Games by engaging the Japanese population and new audiences worldwide, reflecting the Tokyo 2020 Games vision,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng kumite na magiging bukas at patas ang selection procedure.

Naglunsad ang Tokyo 2020 Organising Committee ng two-stage procedure kung saan ang una ay inimbitahan ang mga IOC Recognised International Federations (IF) na magpasa ng aplikasyon.

“Phase I will involve response forms, which will include a brief set of questions, being sent to all IOC Recognised International Federations (IF) that control sports currently not on the Tokyo 2020 Olympic Games programme and that are not exclusively practiced on snow or ice.”

Pag-aaralan ng Additional Event Programme Panel ang mga aplikasyon kung saan ang mga mapipili ay dadaan sa Phase II na magsisimula sa Hunyo 22.

“The Additional Event Programme Panel will examine each application to ensure that it complies fully with Tokyo 2020’s key principles.”

Magsasagawa ng presentasyon ang mga finalists sa Tokyo sa darating na Agosto habang magbibigay naman ng rekomendasyon ang kumite sa IOC sa Setyembre 30. Maglalabas ng pinal na desisyon ang IOC sa Agosto 2016 sa Rio de Janeiro.

Ilan sa mga paboritong laro na kinukunsidera ay ang baseball, softball at karate.

Samantala, isinabatas naman ng Diet kamakailan ang bill kung saan isang sports agency sa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ang ilulunsad upang mangasiwa sa sports administration bago ang 2020 Tokyo Olympics. Inaasahan na mas palalakasin nito ang performance ng mga atletang Hapon.

Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Mga kabataang Hapon hinikayat na tumulong sa Tokyo 2020 Olympics

Ni Florenda Corpuz


      Nagbigay ng inspirasyon si Athens 2004 Olympic hammer-throw champion
 Koji Murofushi sa mga bata upang tangkilikin ng mga ito ang Tokyo 2020.
(
Kuha ni Shugo Takemi / Tokyo 2020)
Inanyayahan ng Tokyo 2020 Olympic Committee ang mga kabataang Hapon na mag-ambag ng kanilang opinyon at suhestiyon para sa ginagawang paghahanda sa Tokyo Olympic at Paralympic Games sa taong 2020.

Iprinisinta ng kumite ang kanilang bagong proyekto na tinawag na “Creating Tomorrow Together” kamakailan na may layong kolektahin ang mga ideya ng mga kabataan upang mas lalo pang painamin ang kasalukuyan plano na nabuo noong Olympic campaign sa ilalim ng tagline na “Discover Tomorrow.”

Ipinaliwanag ni Athens 2004 Olympic hammer-throw champion at Tokyo 2020 Sports Director Koji Murofushi sa mga Grade 5 students sa isang paaralan sa Tokyo ang mga Olympic values para magsilbing inspirasyon sa kanila sa darating na Olympic at Paralympic Games.

 “We want to inspire the new generation with the Olympic Spirit,” ani Murofushi.

 “They are the future of our nation; that’s why we want them to be actively involved in our preparations. It is of crucial importance to make young people realize that this is also their Games and they have a key role to play throughout the entire process of our preparations and during the Games themselves. We are looking forward to receiving everybody’s suggestions to help us ensure the success of the 2020 Games,” dagdag nito.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan sa buong Japan na maging bahagi ng proyekto. Magsusulat sila ng mga sanaysay tuwing summer break kung saan kanilang ilalarawan ang kanilang mga pangarap para sa taong 2020 pati na rin ang kinabukasan na gusto nilang buuin para sa bansa pagsapit ng Tokyo Olympic and Paralympic Games.

Iniimbitahan din ng kumite ang lahat, bata o matanda, na magsumite ng kanilang mga sanaysay at suhestiyon para sa pagsasakatuparan ng pinal na plano para sa palaro. Maaaring bisitahin ang website na vision.tokyo2020.jp para sa karagdagang impormasyon.