Nagbigay ng suporta ang Japan
International Cooperation Agency (JICA) sa mga karate fighters sa Pilipinas sa
pamamagitan ng kauna-unahang Friendship Karate Tournament kasama ang Kyokushin
Karate-do Philippines, ang pinakamalaking karate organization sa bansa, para higit pang palakasin ang internasyonal na
relasyon at pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.
Aabot sa 100 karate fighters mula
sa 10 dojos o training facilities sa San Juan, Antipolo, Quezon, Olongapo at
JICA sa Pilipinas ang lumahok sa tournament na ginanap kamakailan sa SM City
Novaliches.
“The friendly matches aim to raise
awareness and insight on Japan’s culture and experiences and promote stronger
ties between Japan and the Philippines through sports,” ani Senpai Bryan Dizon
mula sa Quezon City dojo na instructor sa JICA dojo.
Sa Japan, ang karate ay isang
tradisyonal na sport na itinataguyod ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
Ito ay malaking bahagi ng kasaysayan at kultura ng bansa. Sa kauna-unahang pagkakataon
ay mapapasa ito bilang Olympic sport sa Tokyo 2020.
Ayon sa datos ng Ministry of
Foreign Affairs, aabot sa 50 milyon ang karate practitioners sa buong mundo. Ang
Kyokushin Karate-do ay may 167 sangay sa buong mundo kung saan 600,000 miyembro
ang mula sa Japan at 12,000 ang mula naman sa ibang bansa (as of 2007).
“We aim to leverage on our friendly
relations with the Philippines through this sports activity, and build on our
common appreciation to sports to further strengthen our cooperation,” pahayag ni
JICA Representative Maiko Morizane.
Nagpadala rin ang A Child’s Trust
is Ours to Nurture (ACTION), isang Japanese non-profit group na tumutulong sa
mga mahihirap na kabataang Pilipino katuwang ang JICA, ng mga karate fighters
sa tournament.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento