Ni
Florenda Corpuz
Naglagay ng street banners sa Tokyo bilang paghahanda sa Tokyo 2020. (Kuha mula sa Tokyo 2020) |
Magsasagawa ng “1,000 Days To Go”
countdown event ang mga organizers ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Games
sa Nihonbashi sa Oktubre 28 at sa Tokyo Sky Tree sa Nobyembre 29.
Papalamutian ng mga bagong
promotional graphics ng Tokyo 2020 ang pangunahing kalye ng pamosong Nihonbashi
district na magiging malaking sports field sa araw na iyon. Magpapakitang-gilas
din ang mga atleta habang maaari naman matutuhan ng mga manonood ang ilan sa
mga sports na isasali sa Olympic Games sa unang pagkakataon. Magkakaroon din ng
Olympic Concert.
Iilawan naman ang Tokyo Sky Tree –
ang pinakamataas na free-standing tower sa buong mundo sa taas na 634 na metro
– ng tatlong kulay ng “Agitos” na Paralympic symbol.
Gagamitin ang pitong bagong
graphics – dalawa para sa Olympic-related promotion, dalawa para sa Paralympic-related
promotion at tatlo para sa alinman sa dalawa – sa mga posters, banners at
merchandise sa iba’t ibang lugar sa lungsod kasabay ng isang buwang
pagdiriwang.
Mag-oorganisa rin ng iba’t ibang
cultural, sporting at educational events sa buong Japan na may layong
mapanatili ang momentum sa Olimpiyada at mahikayat ang pakikilahok ng publiko
sa selebrasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento