Taong 2014 pa nang matapos ang 5-story building na may salamin na
bintana sa Shinjuku Ward na gawa ng Kume Sekkei ngunit isa lang ang alam ng
publiko tungkol dito, na pag-aari ito ng Yayoi Kusama Studio. Tatlong taon ang nakalipas,
kamakailan lamang inanunsyo na ito pala ang Yayoi Kusama Museum na nagbukas nitong Oktubre 1.
Pinamagatang “Creation is a Solitary Pursuit, Love is What Brings You
Closer to Art” ang inaugural exhibition na magbubukas sa naturang museo at
tatakbo hanggang Pebrero 25 sa susunod na taon.
Sentro ng exhibition ang 16 mula sa pinakabagong painting series ng
artist na “My Eternal Soul” na itinampok sa kanyang solo exhibition sa National
Art Center, Tokyo Minato Ward. Itatampok din ang iba pang mga bagong gawa ni
Kusama gaya ng “Love Forever” series, isang black-and-white drawing collection,
isang red pumpkin, at installation piece na ginawa mismo para sa pagbubukas ng
museo.
Fill up for your infinity obsession
“A
polka-dot has the form of the sun, which is a symbol of the energy of the whole
world and our living life, and also the form of the moon, which is calm. Round,
soft, colorful, senseless and unknowing. Polka-dots become movement ...
Polka dots are a way to infinity.”
Pamamahalaan
ito ng Yayoi Kusama Museum Foundation sa pangunguna ni museum director Akira Tatehata na siyang pangulo ng Tama Art University at
namamahala sa Museum of Modern Art, Saitama.
Magho-host
din ang museum ng rotating exhibitions dalawang beses sa isang taon at mayroon
din lectures tungkol sa mga obra ng world-renowned avant-garde artist na si
Kusama, na kilala sa kanyang mga polka dot, net patterns at infinity mirror
installations.
Sa
unang palapag ay makikita ang gift shop, exhibition spaces para sa mga artworks
ni Kusama sa ikalawa at ikatlong palapag, immersive installations naman sa
ikaapat, at reading room na naglalaman ng mga materyales at dokumento na may
kaugnayan sa mga obra ni Kusama sa ikalimang palapag, at outdoor space.
Nakatakda
naman ang gallery talks ni museum curator Yuji
Maeyama sa Oktubre 7 at Oktubre 28, Sabado, 2:30pm at lecture ni Tatehata sa 3rd floor gallery sa
Oktubre 22, Linggo, 2:30pm na tatalakayin ang mga kasanayan at mga koleksyon ni
Kusama partikular na ang “My Eternal Soul” series.
70 years of artistic obsession
“If it hadn’t been for art, I would have
killed myself a long time ago.” Bahagi ito ng sanaysay na “Why do I create
art?” ni Kusama na matagal nang nakikipaglaban sa mental illness at nagsimulang
makaranas ng hallucinations noong 10-taong-gulang siya.
Inilarawan
niya ang mga ito na “flashes of light, auras or dense field of dots,” gayon din
ang mga bulaklak na nakikipag-usap sa kanya, at mga dibuho na dumarami na para
bang nilalamon siya na tinawag niyang “self-obliteration”
Aniya,
nahumaling din siya sa mga makikinis na putting bato sa may ilog na malapit sa
kanyang family home. Ngayon, ang mga ito ang nagsisilbing impluwensiya ng mga
obra ni Kusama.
Isang
illustrated children’s book din ang ilalabas sa Oktubre 10, ang “Yayoi Kusama:
From Here to Infinity” na gawa nina illustrator Ellen Weinstein at Museum of
Modern Art (MoMA) curator Sarah Suzuki. Ipinapakita rito ang buhay at karera ni
Kusama mula sa kanyang early visions (the world covered in polka dots), sa
pag-alis nito sa Japan sa edad na 28 patungong Seattle, New York, at Venice
hanggang sa pagbabalik niya sa Japan noong 1970s kung saan boluntaryo siyang
pumasok sa isang mental institution.
Nitong
2014 ay pinarangalan siya ng The Art Newspaper dahil sa mahigit dalawang
milyong museum attendance sa kanyang “Infinite Obsession” exhibit sa South at
Central America.
Nasa 107 Bentencho, Shinjuku-ku, Tokyo ang Yayoi
Kusama Museum at bukas ng 11am-5pm tuwing Huwebes – Biyernes at national holidays.
May general admission fee na ¥1,000 at apat na admission time slots.
Kinakailangan din ang bumili ng advanced tickets sa official website nito na http://yayoikusamamuseum.jp/en.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento