Ni
Len Armea
Masayang-masaya
ang R&B Princess na si Kyla nang humarap sa press kamakailan para ibahagi
ang kanyang bagong album na pinamagatang “Journey.” Ito ay dahil apat na taon
na ang nakalipas mula ng makapag-record siya ng mga kanta para sa album niya
noon na “Private Affair.”
Hindi
naikubli ng 33-taong-gulang na mang-aawit at ngayo’y mommy na ng
isang-taong-gulang na bata na si Toby Elsiah ang kagalakan habang ikinukuwento
ang nilalaman ng kanyang bagong album na mayroong anim na orihinal na mga
kanta.
“Para
sa akin, wala namang nasayang na oras. When I was taking a break I was still
writing songs, iyong dalawa sa mga kanta ko sa album na ito ay nagawa ko noong
buntis ako. Nakatulong sa akin iyong break kasi mas naging excited ako na
gumawa ulit ng album. Iba iyong excitement, mas may gigil,” pahayag ni Kyla.
Ang
tinutukoy na dalawang kanta ni Kyla na kanyang isinulat ay ang title track na
“Journey” na kung saan kasama niyang maglapat ng musika ang R&B Prince na
si JayR habang ang isang kanta naman ay ang “I Got This” na kanyang ginawa
kasama ang kaibigang si Yosha Honasan.
Naisulat
ni Kyla ang Journey habang sila ay nagbabakasyon ng asawa at basketbolistang si
Rich Alvarez sa ilang bansa sa Europe. Ani ng magaling na singer, manghang-mangha
siya sa magagandang lugar na kanilang napuntahan at ito ang naging inspirasyon
niya sa pagkakalikha ng naturang kanta.
Ipinagmalaki
rin ni Kyla ang kantang “My Heart” na ginawa ni Brian McKnight bilang regalo sa
kanilang kasal noong 2011. Inamin ni Kyla na isa sa mga hinahangaan niyang
singer si Brian kaya’t labis niyang ikinatuwa nang pumayag ang international
singer na makipag-duet sa kanya.
“Ipinagdasal
at nilakasan ko talaga iyong loob ko na tanungin siya kung puwede kaming
mag-duet at pumayag naman siya kaagad. I’m thankful to God for the opportunity
to record a song with one of my idols,” aniya.
Bukod
sa tatlong kanta, kasama rin sa album ang “Kunwa-Kunwari Lang,” na isinulat ng pamosong
composer na si Jungee Marcelo kasama si Francis Salazar; ang “Dito Na Lang,” na
nakakapagpaalal kay Kyla sa kanyang kantang “Hanggang Ngayon”; at ang “Atin ang
Walang Hanggan,” na nagpakita ng galing ni Kyla sa R&B.
Hindi
rin ikinaila ni Kyla na malaki rin ang ginagampanan ni Rich at ni Toby sa
kanyang buhay bilang isang mang-aawit dahil mas naging sensitibo umano siya sa
bawat kantang inaawit. Sa pagdaan ng panahon ay mas nahasa ang kanyang galing
sa pag-awit dala na rin ng kanyang kagustuhan na maging inspirasyon din sa ilan
na nangangarap na magkaroon ng karera sa musika.
“When
I listen to my old albums, it sounded so much different. Ngayon kasi mas may
maturity, mas technical, mas may puso,” giit ni Kyla na pinapangarap na makapagdaos
muli siya ng concert sa malaking venue gaya ng Araneta Coliseum at maka-duet
ang isa pang hinahangaang idolo na si Alicia Keys.
“I
have been praying and dreaming of having a concert this year because my last
major concert was in 2005 at the Araneta Coliseum. In television, we are only
given a few seconds or a few minutes to showcase our talent and sometimes it’s
not even enough to showcase anything.
“Sa
concert kasi maipapakita ko talaga iyong passion ko sa pagkanta, iyong mga kaya
ko pang gawin, na maka-inspire rin ako sa ibang tao. I’m hungry for it.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento