Ni Joseph Gonzales
Bigyang-tanaw
natin ang ilan sa pinakamaiinit na celebrity dads sa mundo ng lokal na aliwan.
Maliban sa kanilang popularidad at achievements sa larangang ninais kabilangan,
maipagkakapuri rin sila sa pagiging mabubuti at huwarang ama na mapagmahal at
mapagkalinga sa kanilang pamilya lalo na sa mga supling. Tulad ng mga normal na
haligi ng tahanan, supportive sila at matamang ginagabayan ang kanilang mga
anak kaya lumalaki ang mga itong maaayos sa kabila ng kanilang pagiging abala
sa kanilang trabaho bilang mga aktor.
·
RICHARD GOMEZ---Iisa lamang ang anak
nila ni Lucy Torres-Gomez, si Juliana na marami ang nagsasabing mas hawig kay
Goma habang lumalaki. Bata pa lang ay aktibo na si Juliana at malaki ang
impluwensya ni Richard dito. Kilala bilang isang sportsman, unti-unti nitong
naipamukha sa anak ang kahalagahan at benepisyo ng mga larong pampalakasan para
sa kalusugan. Hindi nakapagtatakang maging atleta rin si Juliana tulad ng
kanyang ama balang-araw.
·
AGA MUHLACH---Kambal ang anak nila ni
Charlene Gonzalez, sina Andres at Atasha na parehong magagandang bata.
Protective si Aga sa kanyang mga anak. Oo nga’t nakagawa na ang mga ito ng TV
commercial na kasama silang mag-asawa pero hindi niya hinahayaang pasukin ng
mga ito ang showbiz sa kanilang murang edad. Mahalaga pa rin para kay Aga na
makapagtapos muna ang mga ito ng pag-aaral at saka pa lamang makapagde-desisyon
kung susunod din ba ang mga ito sa mga yapak ng kanilang mga sikat na magulang.
·
ZOREN LEGASPI---Isa ring mapagmahal na
ama si Zoren sa kambal nila ni Carmina Villaroel na sina Mavey at Casey. Maayos
ang pagpapalaking ginawa nila ni Mina sa mga ito. May mga TV commercial na
silang nagawa bilang isang pamilya at kitang-kita kung gaano sila ka-close at
paanong asikasuhin ni Zoren ang mga anak at asawa.
·
RYAN AGONCILLO---Masipag na tatay si
Ryan at kitang-kita ito sa drive niyang magtrabaho para sa mga anak na sina
Lucho at Yohan. Maganda ang tandem nila ng asawang si Judy Ann Santos.
Supportive sila sa mga pangangailangan ng mga bata, hindi lamang sa materyal na
aspeto kundi maging sa pagpapadama ng pagmamahal. Sa kabila ng kanilang busy
schedule sa showbiz, isinisingit pa rin nila ang mahahalagang bonding moments
tulad ng pagbiyahe para buo silang pamilya na nagsasaya.
·
ROBIN PADILLA---Protective father naman
si Binoe sa mga anak. Liban sa pagiging good provider, nariyan siya palagi
upang gabayan at proteksyunan ang kapakanan ng mga ito. Tulad na lamang ng
pag-alalay niya noong pasukin ng anak na si Kylie ang pag-arte. Nariyan ang
kanyang mga paalala at payo kung paano i-handle ang namumukadkad nitong acting
career at maging noong maugnay ang dalaga kay Aljur Abrenica ay laging
ipinadarama ni Binoe ang kanyang presensya bilang ama na handang dumamay dito
sa lahat ng sandali.
·
PIOLO PASCUAL---Si PJ ang tipo ng ama na
konserbatibo pero cool din kung kinakailangan. Malaki na rin ang anak niyang si
IƱigo pero hindi niya gaanong ini-expose sa publiko upang proteksyunan ang
privacy nito. Nais pa rin ng award-winning actor na lumaki itong normal na
malayo sa maintriga at magulong mundo ng showbiz.
·
MARK HERRAS---Naging matapang naman si
Mark sa pag-amin na meron na siyang anak, si Ada na bininyagan na kamakailan.
Sa ngayon ay pitong buwan na ang batang babae na sinabi ni Mark na hindi niya
kailanman maituturing na pagkakamali sa buhay. Kaya nga hindi na niya itinago
pa ang katotohanang ito kahit marami ang nagsabing baka makaapekto ito sa
estado ng kanyang career. Kitang-kita nga ang pagmamahal ni Mark sa bata at
nangako pang iiwas na sa imaheng “bad boy” at “playboy” alang-alang dito.
·
RICHARD GUTIERREZ---Proud father na rin
nga ang dating Prime Time King ng GMA. Sa wakas ay tinuldukan na rin niya ang mga
haka-haka at inamin sa reality show ng kanilang pamilya sa E! Channel ang
tungkol sa pagbubuntis at panganganak ng lady love nitong si Sarah Lahbati. Ang
kanyang anak na lalake na pinangalanan nilang Zion ay bininyagan noon mismong
Father’s Day. Sa Instagram photos nga ay makikita kung gaano kasaya si Chard sa
pagdating ng anak sa kanyang buhay.
·
OGIE ALCASID---Mapagmahal. ‘Yan ang
perpektong deskripsyon kay Ogie kung ang pag-uusapan ay pagiging ama. May
dalawa siyang anak na babae sa dating asawang si Michelle Van Eimeren, sina
Leila at Sarah at isang anak na lalake kay Regine Velasquez, si Nate. Aminado
ang singer-comedian-songwriter na balanced siya bilang isang ama: spoiler at
disciplinarian siya. Hindi niya alintanang magpabalik-balik sa Australia para
bisitahin ang mga anak doon at kadalasa’y kasama pa si Regine at Baby Nate.
·
MARVIN AGUSTIN---Kambal din ang anak ni
Marvin, sina Sebastian at Santiago. Naging matapang din noon ang aktor sa
pag-amin sa publiko tungkol sa mga bata. Hindi niya inalintana ang magiging
epekto nito sa kanyang career. Pero sa obserbasyon ng karamihan ay nakabuti pa
nga ito dahil lalo siyang sinuwerte hindi lamang sa showbiz career kundi maging
sa pagiging restaurateur. Ang lahat ng pagsisikap at tagumpay ni Marvin ay iniaalay
niya sa mga anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento