Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa Office of the Vice President |
Nangako si Japan Ambassador to the
Philippines Kazuhide Ishikawa na gagawin niya ang kanyang makakaya upang mas
maraming Pilipinong healthcare workers ang makapagtrabaho sa Japan.
Sinabi ni Ishikawa sa kanyang
courtesy call kay Vice President at Presidential Adviser on Overseas Filipino
Workers Concerns Jejomar Binay sa Coconut Palace kamakailan na balak ng pamahalaang
Hapon na mas padaliin ang proseso sa pagkuha ng mga Pilipinong nurses at
caregivers patungong Japan.
Kasabay nito, nangako rin ang bagong
Japanese envoy na babaguhin nila ang Japanese nursing licensure examinations na
isinasagawa sa wikang Hapon upang tumaas ang passing rate ng mga Pilipinong
trainees.
Nagpasalamat naman si Binay kay
Ishikawa at sinabing magandang oportunidad ito sa para sa mga Pilipinong nurses
at caregivers na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.
Nagsimulang tumanggap ang Japan ng
mga Pilipinong nurses at caregivers taong 2008 bilang bahagi ng Economic
Partnership Agreement (EPA) na nilagdaan naman noong 2006.
Sa kasalukuyan, nasa 105 Pilipinong
nurses at 222 caregivers ang nasa Japan.
Samantala, inaasahan din ang
pagbuti ng relasyong pang-ekonomiya ng Japan at Pilipinas matapos ang courtesy
call na ginawa rin ni Ishikawa kay Trade and Industry Sec. Gregory L. Domingo.
Inaasahan na mas dadami ang
Japanese investments sa Pilipinas lalo na sa proyektong pang-imprastraktura.
Darating sa Pilipinas ngayong
Pebrero ang malaking Japanese business na aabot sa humigit kumulang 40
kumpanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento