Nagdiriwang ngayong taon ang
Kapamilya actor na si Gerald Anderson ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz
simula nang makilala siya bilang third big placer sa “Pinoy Big Brother: Teen
Edition” noong 2006. Pagkatapos ay inilunsad siya ng Star Magic, ang homebased
talent agency ng ABS-CBN, bilang isa sa mga up and coming actors na dapat
abangan.
Ani ng aktor, natutuhan niya sa 10
taon sa showbiz ang pagpapahalaga, pagmamahal at konsentrasyon sa ginagawa mo na
dahilan kung nasaan siya ngayon sa kanyang karera. Natutuhan na rin niyang
tanggapin ang hindi magandang bahagi ng showbiz gaya ng mga kontrobersya at
pagkawala ng privacy.
Dagdag pa niya, gusto niya
matandaan bilang aktor na ginagawa ang lahat ng makakaya sa mga proyekto at
maging inspirasyon sa mga nakababata sa industriya. Nakatakda na rin gumawa ng
bagong pelikula ang aktor.
‘Always Be My Maybe’
Napanood kamakailan si Gerald sa
post-Valentine romantic-comedy movie ng Star Cinema na “Always Be My Maybe”
kapareha ang “Pasion de Amor” star na si Arci Muñoz at mula sa direksyon ni Dan Villegas. Tungkol
ito sa kwento ng mga heartbroken na sina Jake at Tin-Tin at ang relasyon na
walang labels.
Maganda ang pagtanggap ng publiko sa bagong
tambalan nina Gerald at Arci na fresh ang dating ng chemistry. Positibo rin ang
opinyon ng mga kritiko sa pelikula na tinawag na “romance done right” at
“refining the rom-com genre.” Kamakailan, kinumpirma na kumita na ang pelikula ng Php100
milyon at napapanood pa rin sa sinehan.
Trademark roles in TV and movies
Hindi naman binigo ni Gerald ang
tiwala sa kanya at nagpakita ng malaking potensiyal at natural na galing sa
pag-arte sa mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.
Tumatak sa mga manonood at mga
kritiko ang magagandang performance niya sa mga teleseryeng “Sana Maulit Muli”
(2007), “My Girl” (2008), “Tayong Dalawa” (2009), “Kung Tayo’y Magkakalayo”
(2010), “Budoy” (2011-12), “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” (2013), “Dyesebel”
(2014), at “Nathaniel” (2015).
Itinanghal siyang Prince of
Philippine Movies and Television at kinikilala rin na Action Drama Prince ng
Pinoy television. Pumatok din agad sa publiko ang tambalan nila ng kaparehong
PBB Teen alumni at big winner ng edisyong ‘yon na si Kim Chiu na kalaunan ay
naging kasintahan ng aktor at pinangalanang Most Popular Loveteam ng tatlong
beses mula sa Guillermo Mendoza Box Office Awards.
Recognitions and loveteams
Nagkasama ang tambalang Gerald –
Kim sa maraming serye at pelikula gaya ng “First Day High,” “I’ve Fallen For
You,” “Paano Na Kaya,” “24/7 in Love” at “Till My Heartaches End.” Sinundan ito
ng pagkakapareha niya kay Sarah Geronimo sa “Catch Me I’m In Love” at “Won’t
Last a Day Without You” pagkatapos nilang maghiwalay ni Kim.
Una namang pinarangalan ang
talento niya bilang Best Single Performance by an Actor sa PMPC Star Awards for
Television at Gawad Tanglaw para sa kanyang pagganap sa “Maalaala Mo Kaya:
Lubid” episode. Napukaw din niya ang puso at atensyon ng publiko at mga eksperto
sa pagganap niya sa teleseryeng “Budoy” bilang isang mentally-challenged at
ginawaran siya ng Best Performance by an Actor ng Golden Screen TV Awards,
Gawad Tanglaw at KBP Golden Dove Awards.
Nagpakitang-gilas ulit siya sa
Maalaala Mo Kaya episodes na “Bituin” (2014) at “Class Picture” (2015) episodes
na kinilala ng Gawad Tanglaw at Best Supporting Actor sa indie film na “On the
Job” mula sa Gawad Pasado Awards.
Philanthropy work
Aktibo rin ang aktor sa mga
volunteer works, isang halimbawa na lang ang pagtulong niya sa mga kababayan
noong Typhoon Ondoy at dito niya naisip magpatayo ng isang foundation. At
kamakailan ay ipinagdiwang ng Kapamilya star ang kanyang ika-27 na kaarawan kasabay
ng isang benefit dinner at launch ng Gerald Anderson Foundation Inc., (GAF) na
ginanap sa Le Rêve sa Diliman, Quezon City sa pagkalap ng pondo at orientation na layuning sanayin ang mga aso
para sa search and rescue operations.
Bilang dog-lover, mahalaga aniya ang
mapanatili na nasa magandang kundisyon ang mga aso kaya’t malaki sa pondo ang
mapupunta sa kanilang pagkain at vitamins. Sa ngayon, apat na trained dogs ang
nasa organisasyon. Nakaatas sa kapatid na si Ken ang training na ginagawa sa
Clark, Pampanga.
Misyon din ng foundation ang
bumisita sa mga barangay para tulungan ang mga residente na sanayin ang kanilang
mga aso ng mga safety drills at hiling ni Gerald na mas marami pa ang tumulong
at sumuporta sa adhikain niyang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento