Nalalapit na naman ang summer kung
saan paborito ng karamihan na mag-travel sa mga sikat na destinasyon sa loob at
labas ng bansa.
Maliban sa mga nakagawian nang
puntahan na destinasyon gaya ng Baguio City, Sagada, Banaue Rice Terraces sa
Ifugao, El Nido, Coron, Tubbataha Reefs Natural Park, Puerto Princesa sa
Palawan, at Boracay sa Aklan. Tuklasin natin ang mga bagong destinasyon na
hindi pa gaanong popular ngunit kasing ganda rin ng mga lugar na alam na ng
karamihan.
Hindi na bago sa mga banyaga at
mga Pinoy na turista ang Surigao del Norte, ngunit hindi pa gaanong natutuklasan
ang Surigao del Sur na mayroon din mga kamangha-manghang mga lawa gaya ng Blue
Lagoon na matatagpuan sa munisipalidad ng Cantilan gayon din ang mga spotless
na white beaches.
Huwag din palampasin ang Britania
group of islands sa San Agustin na nagtataglay ng 24 na isla at maliliit na
isla na pinapaligiran ng karst (landscape formed from dissolution of rocks), 55
meter three-tiered Tinuy-an Falls na 95 metro ang lawak sa munisipalidad ng
Bislig, gayon din ang misteryosong 80 feet-deep na Enchanted River sa kanyang
kaakit-akit na kulay na sapphire blue na matatagpuan naman sa Hinatuan.
At sa Mindanao region pa rin,
lumabas sa siyudad ng Davao, dito ay sasalubungin ka ng Davao Oriental at ang
maharlikang 1,110 feet, 8-tiered na Aliwagwag Falls sa Cateel, ang
7-kilometrong Dahican Beach sa Mati na magandang mag-skimboarding, at higit sa
lahat ang bagong UNESCO World Heritage Site na Talicud island sa Davao del
Norte at ang Mt. Hamiguitan na kilala sa mga bonsai trees nito at tahanan ng
mga agila.
Sa rehiyon naman ng Visayas,
mag-relax at magliwaliw sa Roxas sa probinsiya ng Capiz na tinaguriang Seafood
Capital ng bansa, mag-river cruise, mag-island hopping sa white beach ng
Olotayan at rock island sa Mantalinga, akyatin ang bell tower ng Santa Monica
church sa Pan-ay, mag-caving sa Lahab Cave sa Dumalag, mag-sunny dip sa Suhot
Spring, mag-trekking sa Liktinon, Pres. Roxas at Camp Peralta sa Jamindan.
Bagaman tinamaan ng Typhoon
Yolanda, unti-unti nang nakakabangon ang Leyte kaya’t magandang pagkakataon
para suportahan ang mga mamamayan nito sa pagbisita sa Kalanggaman island sa
Palompon, maglaro sa payapang tubig ng Lake Danao sa Ormoc, restored MacArthur
Landing Memorial Park, at makisaya sa Ginsiyaman Music Festival ng mga
taga-Tacloban tuwing Setyembre na unang isinagawa noong nakaraang taon.
Lumabas naman sa Cebu City at
galugarin ang katimugang bahagi ng Cebu na nagtataglay ng Alcoy at Aloguinsan
beach, Bojo River, nature trip sa Moalboal, canyoneering sa Badian, Malapascua
island at historical trip sa Carcar.
Hindi naman magpapahuli ang Luzon
na matatagpuan ang Quirino na mayaman sa mga kweba, karsts, bulubundukin, at
mga ilog na swak na swak sa mga aktibidad na canoeing at tubing sa Siitan,
spelunking sa Aglipay caves, dipping, whitewater rafting sa Governor’s Rapids
sa Maddela at boating. Panoorin din sa Nagtipunan ang mala-larawang view ng
Cagayan River.
Nariyan din ang laging nasa bucket
list ng lahat, ang evergreen Batanes na punung-puno ng naggagandahang tanawin ng
burol at talampas na pinapaikutan ng mga alon at mga stone houses. Hamunin ang
sarili at tahakin ang mga matataas na alon sa pagsakay sa faluwa papuntang
Itbayat, ang isla sa pinaka-hilagang bahagi ng isla na malapit na sa Taiwan. At
siyempre, pagdating sa pagkain siguradong masasarap din gaya ng samu’t saring
seafood.
Isama din sa iyong listahan ang
Langun Gobingob sa Samar at Biri sa Northern Samar, Dumaguete sa Negros
Oriental, Antique Rice Terraces sa Panay, Catanduanes sa Bicol, Carabao island
at El Fraile sa Ternate at Maragondon sa Cavite, Calayan Group of Islands,
Calaguas Group of Islands, Batlag Falls sa Tanay, Rizal, Bukal Falls sa Majayjay,
Laguna, Tinalisay island sa Masbate, Sibale island sa Romblon, Mt. Ulap sa
Itogon, Benguet, Malicong Rice Terraces sa Bontoc Province, at Mt.
Pinagbanderahan sa Atimonan, Quezon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento