Ni
Florenda Corpuz
TOTO officials (Kuha mula sa Tokyo 2020) |
Opisyal nang bahagi ng 2020 Tokyo Olympics
and Paralympics Games ang nangungunang Japanese toilet maker brand na TOTO Ltd.
(TOTO), ito ang inanunsyo ng organising committee ng Tokyo 2020 kamakailan.
Sa ilalim ng Tokyo 2020 Sponsorship
Programme, nakapasok ang TOTO sa kategoryang second tier na binubuo ng mga
official partners kung saan ito ay magsu-supply ng bathroom at kitchen fixtures
para sa pandaigdigang palaro.
“TOTO Ltd. provides a variety of
essential plumbing products that contribute to healthy and added-value
lifestyles to people in Japan, and we are delighted to welcome the company as a
Tokyo 2020 Official Partner. I have high expectations that TOTO will exemplify
the omotenashi (selfless hospitality) that we aim to extend to all athletes,
Games-related personnel and spectators,” pahayag ni Tokyo 2020 President
Yoshiro Mori.
“We are extremely honoured to be
able to contribute to the Tokyo 2020… we will continue to create and offer
plumbing and sanitary space that both athletes who come from overseas to
compete and everyone in Japan who supports them can use safely, securely and
comfortably,” sabi naman ni TOTO President Madoka Kitamura.
Nangunguna ang TOTO sa toilet
innovation simula ng maimbento ang unang seated flush toilet ng Japan dahil sa
mga high-tech at accurate na plumbing products nito, bathtubs, washbasins at
bidet jets kung saan pino-promote ang water-saving at clean technologies.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 27 partners
ang Tokyo 2020 kung saan kabilang ang TOTO sa 12 official partners.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento