Linggo, Abril 3, 2016

Internet speak and its continued evolution and influence



Tinatawag na Internet slang o Internet speak ang mga madalas na ginagamit ngayon ng mga tao sa mundo ng online community, kung saan walang grammar rules at standards na kailangan sundin na hindi kagaya ng pormal na pagsusulat at ng mga tradisyonal na paraan ng pakikipag-usap noong wala pang Internet.

Mismong mga linguists o mga eksperto sa lengguwahe ay inaming mahirap tukuyin kung saan-saan ba nagmula ang iba’t ibang mga sikat na Internet phrase at  acronyms na namamayani ngayon sa Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr at iba pa. Ngunit aniya, nagsimulang magkaroon ng Internet slang noong halos bago pa ang Internet.

Nariyan ang mga simpleng keyboard emoticons, emojis at mga basic acronyms na ASL (Age, sex, location), BFF (Best Friends Forever), ADDY (As Far As I Know), AFK (Away from keyboard), BRB (Be right back),  BTW (By the way), OMG (Oh, my God!), IM (Instant messaging), FYI (For your information), IMO (In my opinion), IRL (In real life), LOL (Laughing out loud), LDR (Long distance relationship), PM (Private message), PDA (Public display of affection), POV (Point of view), TBT (Throwback Thursday), MCM (Man Crush Monday), FBF (Flashback Friday), WTF (What, why, who the fuck?), TTYL (Talk to you later), TBH (To be honest), IONO ( I Don’t Know), FTW (For the win!), XOXO (Hugs and kisses), NSFW (Not safe for work), MRW (My Reaction When) at napakarami pang iba.

Maging sa mundo ng pagnenegosyo sa industriya ng teknolohiya ay ginagamit din ang Internet slang gaya ng API (Application Programming Interface), B2B (Business-to-Business), B2C (Business-to-Consumer) CMGR (Community manager) CMS  (Content Management System), CPC (Cost per click), CR (Conversion rate), CRM  (Customer Relationship Management), CSS (Cascading stylesheet), CTR (Clickthrough rate), CTA (Call-to-action), ESP (Email service provider), HTML (Hyper Text Markup Language), PPC (Pay per click), UX (User experience), URL (Uniform Resource Locator),  UI  (User interface),  UGC (User-generated content), SMM (Social media marketing), SEO (Search engine optimization), at ROI (Return on investment).

Mabilis ang pagbabago ng mga bagay-bagay sa Internet na kilala sa “give-me-now” culture nito at lahat ay ginagawang shortcut at mabilisan ang pagpapaliwanag ng sarili sa online community.

Kaugnay nito, napabalitang ang Facebook ay binubuo ang isang system kung saan maghahanap ito ng mga bagong Internet slangs mula sa mga Facebook posts at tutukuyin kung ang mga ito ay ginagamit ng karamihan, saka nito isasama sa isang glossary na may kahulugan base sa user posts. Maaari rin bumoto ang mga users kung dapat bang tanggalin o isama ang mga salita sa glossary.

Ngunit hindi na lang limitado ang Internet speak ngayon sa mga emoticons, acronyms at emojis. Isang halimbawa ang Internet phrase na “I can’t even right now, I’m literally dying” na ang ibig sabihin ay para bang natatabunan ng sobra-sobrang emosyon ang nagsabi nito at hindi niya kinakaya ang sitwasyon. Sikat din na expression ang “I see what you did there,” “Right in the feels” at “Shut up and take my money.”

Ngayon maging sa pang-araw-araw na normal na pag-uusap ng mga tao kahit sila pa ay magkaharap ay ginagamit na ang mga nasabing expressions. Patunay na, hindi na lang sa online community ang impluwensiya ng Internet speak. Maging ang ibang mga lengguwahe ay may mga sariling Internet speak din.

Napaka-experimental ng Internet speak at paiba-iba ang mga salitang ginagamit na tinawag na “linguistic bonding mechanism” ng linguist na si David Crystal na depende sa social platform gaya ng YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, o Instagram at emails, blogs, o chatrooms

Ayon pa kay Crystal, ang Internet speak ay resulta ng natural na reaksyon ng mga tao pagdating sa pakikipag-usap sa online community. Dahil hindi nakikita ang kausap, wala rin facial expression o gesture na makatutulong para isalin sa taong kausap ang kahulugan ng sinasabi na higit pa sa salita lamang.

Bagaman, magkahalo ang reaksyon ng mga eksperto tungkol dito, wala naman aniya ito pangmatagalang epekto sa English language dahil sa “temporary and dynamic facets” nito. Malaki rin aniyang dahilan ng kasikatan nito ay dahil madali itong gamitin sa pang-araw-araw na informal conversations. Dagdag pa ni Crystal, hindi naman masama ang impluwensiya ng Internet speak, sa katunayan ay pinapalawak pa nga nito ang modernong lengguwahe.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento