“Challenge Energy.”
Nagmula sa dalawang salitang na ito
ang pangalan ng Challenergy Inc., na pinamumunuan ni Atsushi Shimizu, isang
Tokyo-based engineer na layong baguhin ang kasalukuyang kalakaran sa produksyon
ng enerhiya sa Japan, na matinding nakasalalay simula pa 1973 sa nuclear energy
bago ang Fukushima Daiichi nuclear disaster noong 2011.
Ayon sa World Nuclear Association, kinakailangan ng
Japan ang 84 porsyentong importasyon ng pangangailangan nito sa enerhiya. Sa
kasalukuyan, may 42 reactors ang may potensiyal na ibalik sa operasyon, 24 ay
nasa proseso na kung saan dalawa dito ay naibalik nitong 2015.
Mobilizing nature’s raw force
“Our generation
reaped the benefits of nuclear power -- we never experience a power blackout
because of it. Now we are responsible for changing the future. The energy from
one typhoon could power Japan for 50 years,” ang pahayag ni Shimizu sa panayam
ng CNN.
Sa kabila ng matinding pinsalang idinudulot ng mga
bagyo sa mga island countries gaya ng Japan at Pilipinas, naniniwala si Shimizu
na mapapakinabangan ang makapangyarihang pwersa ng kalikasan para makagawa ng sustainable
energy, ang wind-generated power sa pamamagitan ng typhoon turbine.
Nagbitiw si Shimizu sa kanyang trabaho dahil sa
ideyang ito para mailunsad ang venture company na Challenergy (2014). Noong
2011, sinimulan niya ang pagbuo nito na kalauna’y ginawaran ng first prize sa
Tech Plan Grand Prix 2014. Dito siya napansin ni Keiichi Hamano, presidente ng
Hamano Products Co., na nagpaunlak sa kanyang gamitin ang creative workshop ng
kumpanya.
Sa tulong ng crowdfunding at New Energy and Industrial
Technology Development Organization (NEDO – government research group
supporting entrepreneurs), nabuo ni Shimizu ang world’s first typhoon turbine,
ang Magnus VAWT (vertical axis wind turbine).
Ang Magnus VAWT ay isang propeller-free, bladeless
egg-shaped wind turbine na may tatlong cylinders at central rod. Dahil sa
omni-directional vertical axis nito ay kaya nitong rumesponde sa hangin mula sa
iba’t ibang direksyon. Gumagamit din ito ng Magnus effect (a force utilized on
rapidly spinning objects – swerving of balls in baseball/soccer) kaya’t
nakokontrol ang bilis ng pag-ikot nito at maiwasan ang over-rotation na
maaaring makasira sa generator.
In a forward direction
Nakapagtala ng 300 megawatts-increase ang wind energy
nitong 2016 (Japan Wind Power Association) ngunit dahil sa irregular wind
patterns at maburol na kalupaan ay maliit lang ang ambag nito sa produksyon ng
kabuuang enerhiya.
Positibo naman ang paningin ng Challenergy sa hamon
na ito, at noong 2015 ay nakapagtala ng 30 % efficiency ito kontra sa 40% ng
propeller-based wind turbines na ‘di pwedeng gamitin tuwing may bagyo.Nariyan
din ang positibong resulta ng field test ng 1-kilowatt/3-meter diameter turbine
na inilagay sa Nanjo City, Okinawa noong Hulyo 2016.
Layon ng kumpanya ang komersyalisasyon ng 10kw
capacity para sa Magnus VAWT sa 2020 para sa hosting ng Tokyo sa Olympics.
“Wind
generation will definitely become my lifelong pursuit. I’m thinking of placing
them where typhoons hit hardest – the Philippines, another island country that
experiences many typhoons a year like Japan, is suitable for large-scale
wind-power generation. I see today’s hazard
maps—showing where typhoons, hurricanes, or cyclones may strike as energy maps
that could help support a storm-hydrogen-based society 10 years from now,” ang
pagsasalarawan ni Shimizu sa panayam ng Redshift.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento