Ipinapakita ang mga post na may etiketa na It's More Fun in the Philippines. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na It's More Fun in the Philippines. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Nobyembre 5, 2017

DOT muling papasiglahin ang Japan tourist market sa PH


            Pinangunahan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo
ang ceremonial toast at welcome reception ng Japan’s Tourism Expo
sa Tokyo kamakailan. (Kuha mula sa Department of Tourism 2017)
Para mapalakas ang Japan tourist market ng Pilipinas ay pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo ang 33-member delegation na sumali sa Tourism Expo Japan 2017 na ginanap sa Tokyo Big Sight kamakailan.

Ang delegasyon ay binubuo ng 15 travel at tour operators mula sa Pilipinas kabilang ang Philippine Air Lines (PAL), Cebu Pacific, mga hoteliers at 18 opisyal ng DOT at Tourism Promotions Board (TPB).

Nagsagawa ng bilateral tourism talks ang delegasyon sa pangunguna ni Teo kasama ang mga opisyal ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ng Japan sa pangunguna ni Minister Keiichi Ishii. Nakipagpulong din sila sa mga grupo ng English as Second Language (ESL).

Ipinamalas ng Pilipinas sa booth nito sa expo ang “It’s More Fun in the Philippines” brand nito kung saan tampok ang bansa bilang premium resort destination.

Kasama rin ni Teo sina DOT Undersecretary Benito Bengzon, Jr., Assistant Secretary Ma. Lourdes Japson at Tourism Attaché to Japan Verna C. Buensuceso.

Sa ginanap na ministerial roundtable sa Global Tourism Forum ng tour expo ay tiniyak ni Teo na ang Pilipinas ay palaging katuwang sa pandaigdigang pagsisikap upang protektahan ang kapaligiran at matiyak ang pagpapanatili ng industriya ng turismo.

“With the Philippines’ diversely-rich natural environment, Filipinos offer ultimate fun experience to our guests. But, without collaborated measures on environmental protection, we cannot ensure sustainable growth of the tourism industry nor reap its economic benefits,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pang-rehiyong kooperasyon habang ang Asya ay nakararanas ng patuloy na tourism boom, base sa 2030 projections ng United Nations World Tourism Organization.

“This growth is something we hope for but collaboration among our nations will be the key to continued growth, development and sustainability of tourism in Asia,” aniya.

Nagtala ng 294,080 Japanese tourist arrivals ang Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2017, ang pang-apat sa source market ng Pilipinas kasunod ng South Korea, Amerika at China.

Target ng DOT na makaakit ng 600,000 hanggang 650,000 turistang Hapon ngayong taon, mas mataas sa 535,238 turistang Hapon na bumisita sa Pilipinas noong 2016.





Lunes, Abril 10, 2017

Bring out the thrill-seeker in you at the Narvacan Outdoor Adventure Hub


Kuha mula sa NOAH Official Facebook page
Kilala ang Ilocos Sur sa pagiging heritage site nito na hinirang pa sa New7Wonder Cities. Sa kabila ng modernisasyon ay napapanatili ang tradisyonal na kultura sa kapaligiran nito. Marahil sa maraming taga-siyudad, Vigan lamang ang madalas na naririnig ngunit higit pa sa Spanish colonial architectures, bagnet, at longganisa – may ibubuga pala ang bayan ng Ilocos Sur sa extreme sports at outdoor adventure sa pamamagitan ng Narvacan Outdoor Adventure Hub (NOAH).

Isang malaking kapatagan ang Narvacan na pinapaligiran ng mga bulubundukin at malapit sa West Philippine Sea. Isa rin ito sa pinakaunang sentro ng kalakalan sa North Luzon na nadiskubre noon ni Spanish navigator Juan de Salcedo.

Extreme sports hub of the Philippines

Taong 2012, mula sa ecotourism development sa pangunguna ni Mayor Zuriel Zaragoza ay ginawa itong bagong sentro ng adventure tourism dahil sa kagila-gilalas na Bantay Abot na may taas na 1,000 talampakan at tatak nito ang malaking butas mula sa taas ng bundok.

Pinangalanan niya ang adventure camp na Narvacan Outdoor Adventure (NOAH) at nagsimula sa paglulunsad ng mahigit 500 metrong zipline na may bilis na 40/kph o 50 segundo sa parehas na taon. Mabilis nitong nakuha ang atensyon ng mga adrenaline junkies sa loob at labas ng bansa, at noong 2015 ay idinaos ang 3-day Fiesta Del Mar (Festival of the Seas) kung saan nagkaroon ng kumpetisyon sa beach volleyball, soccer, paragliding at bikathon.

“We want the world to know that there’s more to experience in Ilocos Sur apart from cultural tourism—and that is through Narvacan’s new ecotourism and extreme adventure site,” ang pahayag ni Zaragoza.

Ngayon, ang Bantay Abot ang nagsisilbing take-off point para sa paragliding event at mamamalas mula sa ere ang “only in the Philippines” na tanawin ng Narvacan coastline, mga burol at palayan ng buong Ilocos Sur.

Ayon kay Randell Buko Raymundo, NOAH paragliding consultant/ air sports specialist – Air Sports Adventure Philippines (ASAP), pinapayagan lamang mag-paraglide kapag nasa 10-20/kph ang hangin para ‘di gaanong malakas o mahina para makatagal sa ere. Dagdag pa nito, ‘di kailangang sobrang taas ng launch pad at pwede na ang 10-15ft (from the ground).

Paborito rin ang Via Ferrata (Iron Road) na isang 300-meter vertical climb (rock climbing, trail walking, surveying) sa mababatong burol ng Narvacan. May harness at steel cables na nakasuporta para maakyat ito hanggang taas at bababa naman sa paraan ng pag-zipline o rappelling.

Perfect fusion of elements

Ayon kay Jose Cuerdo, business development manager – NOAH, sinisimbolo ng mga outdoor activities ng NOAH ang kumbinasyon ng apat sa classical elements – earth (mountain, hills), wind (ocean breeze), fire (engine from all-terrain vehicles), at water (windsailing).

Mayroon din parasailing, downhill bike circuit, all-terrain vehicles (AVT) race track sa Narvacan sand dunes, 4x4 tour, hobie cat (with pilot/sailing intro), kite surfing, kayaking, at windsurfing. Nagsisimula ang rates sa Php800 – 2,500. 

Linggo, Agosto 9, 2015

Problema sa turismo ng Pilipinas

Ni Rey Ian Corpuz

Isa pa rin malaking hamon para sa sektor ng ating turismo kung papaano nito mapapataas ang bilang ng mga bumibisitang dayuhan. Ang Japan, halimbawa, ay kaliwa’t kanan ang mga programa tulad ng advertising sa lokal na telebisyon at maging sa social media sites gaya ng blogs.

Hindi naman papahuli ang Pilipinas na kung saan kamakailan lang ay naging agaw-atensiyon ang pagpaskil ng mga magagandang tanawin sa labas ng tren ng Yamanote Line sa Tokyo at kung international exposure ang pag-uusapan ay maraming taxi at bus na bumabaybay sa London na kung saan nakapaskil din ang “More Fun in the Philippines” slogan at posters.

Ngunit ayon sa datos ng Department of Tourism noong 2014, nagtala lang ng 463,744 na mga Hapon ang bumisita sa Pilipinas, pangatlo sa pinakamalaki sunod ng South Korea (1,175,472 katao) at Amerika (722,750 katao).           

Kung ating ikukumpara sa mga kapitbahay natin sa ASEAN, medyo kulelat po tayo. Ang mga turistang Hapon sa Thailand ay umabot ng 1,265,307 noong 2014, sa Vietnam ay umabot ng 647,956 at Indonesia na nasa 620,722 katao.

Bakit kaya? Marami namang Pilipino rito sa Japan. Sigurado akong karamihan sa atin ay mga tourist ambassadors kung saan ipinagmamayabang natin ang ating bansa. Tama ba? Pero sa pamamalagi ko rito ng halos pitong taon, may nakikita akong problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos.

1. Walang direktang eroplano papunta sa destinasyon. Sa totoo lang, lahat ng mga Hapon na kilala ko ayaw nang magpalipat-lipat ng eroplano. Gusto nila ay kung ano iyong pupuntahan nila na lugar ay doon lang. Sa ngayon ang NAIA lang sa Manila at Mactan sa Cebu ang may direktang flights mula sa Japan. Kung ibibida natin ang Boracay na worldclass resort, kailangan nilang mag-domestic flight mula sa NAIA o sa Cebu. Sa Japan, “time is platinum.” Hindi basta-basta nakakapagbakasyon ang mga tao at kung pwede man, gusto nila hindi “mendokusai” at mabilis.

2. Poor transportation infrastructure. Isa ito sa mga reklamo ng aking kaibigan. Sabi niya, mas kaya pa raw niya na pumunta ng Paris nang mag-isa. Papaano naman ay galing airport hanggang sa hotel ay kaya niyang mag-tren. Kagaya na lang dito sa Japan, kahit saang major international airport ka dumaong, kaya mong pumunta kahit saan sa pamamagitan ng tren o bus o hindi kaya ay fast craft gaya ng sa Kansai. Sa Pilipinas, kailangan mong pumakyaw ng taxi, swerte ka lang kung hindi ka lolokohin sa presyo. Walang bus sa atin sa Pilipinas na pwedeng sakyan ng mga turista galing airport at lalong walang tren.

3. Manlolokong taxi drivers. Lalung-lalo na sa Metro Manila. Kahit ordinaryong Pilipino ay walang sinasanto ang mga taxi drivers. May mga mabubuti naman din na mga driver pero karamihan namimili ng pasahero, hindi ginagamit ang metro, pakyaw system, humihingi pa ng dagdag at marami pang iba.

4. Kulang sa value-added services ang mga bakasyunan. Halimbawa, dito sa Japan, kung gusto nilang magbakasyon tulad ng onsen, ay may ibang activities na pwedeng gawin ang mga Hapon sa isang resort tulad ng pagpapamasahe o sightseeing sa lugar na malapit sa hotel. Sa Pilipinas, ‘pag dagat, dagat lang. Iyong iba siguro ay may mga restaurants pero karamihan kulang ang serbisyo. Maliban sa main activity, dapat ang mga resorts sa atin ay may mga sub-activities din na pwedeng i-offer sa mga bisita.

5. Kultura ng panloloko sa mga dayuhan. ‘Di porket dayuhan ang customer ay bigla mong tataasan ang presyo ng iyong serbisyo o paninda. Ito ay malaking pagkakamali ng mga Pilipino. Dapat maging tapat tayo sa pagnenegosyo. Hindi porket may pera sila ay ibig sabihin mayaman sila. At hindi porket hindi nila alam ang ating lenggwahe ay pwede na natin silang lokohin.

6. Kulang sa cultural at heritage sites. Mabibilang lang sa mga daliri ang ating UNESCO World Heritage sites tulad ng sa Bohol at Vigan. At karamihan pa nito ay puro simbahan lang. Kung pupunta ka sa siyudad, puro lang malls ang mapupuntahan mo. Kulang na kulang tayo sa park at mga pasilidad na nagpapakita ng ating kultura tulad ng mga museo. Ang mga Hapon ay hindi pupunta sa Pilipinas kung ipapagmayabang mo lang ang SM Mall of Asia at Ayala Mall. Ang kakulangan ng mga ganitong kaakit-akit at magandang tanawin na pwedeng bisitahin ang isa rin sa mga dahilan kung bakit kaunti lang ang mga dayuhan lalo na ang mga Hapon na bumisita sa ating bansa.

Martes, Agosto 27, 2013

‘It’s More Fun in the Philippines’ slogan wagi sa Japan

The winning ad - Tropical Winter. More Fun in the Philippines.

Panalo ang branding campaign ng Department of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines sa Readers’ Choice for the “Fun” category ng Yomiuri Advertising Award 2013 na ginanap sa Prince Tower Hotel, Tokyo kamakailan.

Ayon kay Tourism Attache to Tokyo Valentino Cabansag, ito ang unang pagkakataon na nagpalabas ng anunsyo ang DOT sa Yomiuri na isa sa mga nangungunang diyaryo sa Japan.

“It may be beginner’s luck as this is the first time that the DOT has advertised in Yomiuri, one of Japan’s leading newspapers. We were told that the DOT is the only national tourism organization (NTO) recipient under this category which could mean one thing: we are undisputedly FUN,” pahayag ni Cabansag.

Pangatlo ang Japan sa bilang ng dami ng mga turistang bumibisita sa Pilipinas na umabot sa 179,984 o 8.95% mula sa kabuuang bilang na 2.011 milyon mula Enero hanggang Mayo 2013.

“Japan’s economy is slowly on the rebound and the shift from long-haul to short-haul destinations augurs well for our country which is a favorite resort destination in Asia. However, we need to raise our comparative advantage in other product offerings.

“Aside from continuous brand awareness and goodwill activities with consumer and travel trade, more in-depth studies of the market segments will enable our industry to better prepare destinations and products that will match evolving preferences,” ani DOT Asst. Sec. Benito C. Bengzon, Jr., pinuno ng Market Development Group.

Samantala, nagpahayag din ng pagkatuwa si Tourism Sec. Ramon R. Jimenez, Jr. sa parangal na ito.

“Tourism is only as strong as the support and interest on the ground. We at the DOT continue to look up to our partners in the industry in finding ways to turn our vision into reality. The beauty of our branding campaign is that it invites people from all walks of life to join in and come up with their own versions of the catch phrase. That is to say, there’s plenty of room for creativity and participation.

“It’s more fun in the Philippines is more experiential, dwelling on real and palpable experiences. Indeed, what started as a simple slogan has now become a country statement and a badge of pride among travelers, Filipinos, and foreigners alike,” giit ng kalihim ng DOT.

Nagsimula noong 1984, layon ng Yomiuri Advertising Awards na hikayatin ang mga mambabasa nito na piliin ang mga tatanghaling mananalo sa prestihiyosong award-giving body sa Japan.