“While we initially marketed the Skycouch to couples, we
quickly found the product suited parents with young families especially well.
Parents can relax while their children are able to have their own space and
flat area to play without interrupting other passengers.”
Bahagi ito ng pahayag ni Air New Zealand general manager
Anita Hawthorne sa panayam ng Huffington Post UK patungkol sa pinaplanong
paglulunsad ng naturang airline sa modified product version ng Skycouch.
The innovative Economy Skycouch
Hindi talaga biro ang long-haul flights lalo na sa mga
magulang na may dalang sanggol o kaya naman ay dalawa o tatlong malilikot na
mga bata na kadalasan ay nagdudulot ng dagdag pang stress sa kabuuan ng biyahe.
Dahil dito, naisipan ng Air New Zealand na tugunan ito sa
pamamagitan ng Economy Skycouch na unang binuo ng airline noong 2011 kung saan
bahagi nito ang Skycouch Cuddle Belt na maaaring humiga ang dalawang adults o
isang adult at isang bata nang magkatabi ngunit ngayon ay pwede na ang dalawang
batang kasama.
Mula rito, siniyasat ng mga airline staff ang mga nakaranas
na sa Skycouch para maintindihan ng airline kung ano pang upgrades ang pwede
nilang isama sa Skycouch para mas mapagbuti pa ang flexibility at relaxation
features nito.
“Imagine a row of three Economy seats
that can be turned into a couch after takeoff. So you and your friend or family
member can stretch out. It’s so flexible it can be used as seating, a couch or
even a play area. You’ll also get some lovely bedding and pillows. It’s a world
first.”
Ito ang pagsasalarawan ng Air New Zealand
sa Skycouch sa website nito, at sinisigurado rin ng airline na mapanatili ang
comfortability at privacy para sa mga
guests dahil ang buong tatlong hilera ng Skycouch ay nakalaan lamang sa
nag-book nito at hindi pwedeng ibahagi sa hindi kasama.
Kapag nag-upgrade sa Economy Skycouch,
kasama na rin dito ang pagkain at entertainment.
An ideal
space to stretch out for everyone
Bagaman pangunahing market nito ay mga
magulang na may bata, para rin ito sa lahat ng klase ng guests – mga mas malalaking
pamilya, adults na may kasamang nakatatanda, couples, at solo travelers, para
magkaroon ng mas malawak na personal space, stress-free, relaxing, at enjoyable
flight experience.
Nakatakda sa gitna ng taong ito ang availability ng
Skycouch Infant Harness, Belt and Pod kung saan pwedeng humiga ang isang
sanggol sa tinatawag na Skycouch Infant Pod (optional collapsible sleep space)
at sa tulong ng safety harness at belt para mapanatiling nakahiga ito mula
take-off hanggang landing.
Complimentary ang Skycouch Infant Harness, Belt and Pod
sa lahat ng Economy Skycouch customers na may kasamang sanggol.
Kagaya rin ng normal na economy seats ang
mga upuan ngunit may adjustable footrest (adjust to 60 and 90 degrees) para
maging couch ito. Naitataas ang arm rest sa window side nito at ang mga
armrests naman sa mga gitnang upuan ay pwedeng itago sa likod nito. Mayroon din
itong extension seat belts.
Nasa 1.55m (5ft 1”) ang haba ng
Skycouch kapag nakataas ang side wall armrest at lalim na tinatayang nasa 74cm
(29”) kasama ang leg rest at cushion.
Ang mga Economy Skycouch seats ay makikita naman sa
forward economy cabin ng lahat ng 777 and 787-9 aircraft ng airline.
Maliban sa domestic flights sa loob ng
New Zealand, bumibiyahe ang Air New Zealand sa Australia, Pacific Islands,
North America, Canada, South America, Europe, at Asia.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento