Kuha mula sa Jetstar Facebook page |
Opisyal nang sinimulan
ng Jetstar Asia ang direct flight nito mula Clark International Airport (CRK)
sa Pampanga patungong Kansai International Airport sa Osaka sakay ang 188
pasahero umaga ng Marso 27.
Mag-o-operate ng
tatlong weekly services sa rutang ito ang Jetstar Asia gamit ang Airbus A320 na
may kapasidad na 180 seats.
“This direct service
is an exciting development and the first connection from Northern Luzon to
Japan. We are delighted to bring this service to all our customers in this
region,” ani Jetstar Asia CEO Bara Pasupathi sa paglulunsad ng serbisyo noong
Enero.
“Clark International
Airport will be the second gateway in the region for Singapore and Japanese
travellers to fly to the Philippines,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Clark
International Airport Corp. (CIAC) President and CEO Alexander Cauguiran na
patuloy na pinapalalim ng Jetstar ang kanilang presensya sa Pilipinas dahil sa
rutang ito.
Mag-o-operate ng
hanggang sa 44 serbisyo ang Jetstar Asia at Jetstar Japan sa Osaka, Nagoya,
Narita at Singapore mula Maynila at Clark.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento