Inanunsiyo kamakailan ng Japanese
firm na Fujifilm Imaging Systems Co. ang kanilang desisyon na itigil na ang
pagbebenta ng monochrome photographic film dahil sa bagsak ng kita nito lalo na’t
uso na ngayon ang digital cameras.
Ang huling batch ng
black-and-white films na ibebenta ng kumpanya ay magagawa ngayong Oktubre at hindi
na muling gagawa ang kumpanya ng bago kapag naubos na ang mga stocks nito. Hindi
na rin sila magbebenta ng printing paper para sa monochrome photography simula
Marso 2020.
Sa isang pahayag na ipinaskil sa
kanilang website, nagpasalamat ang Fujifilm sa mga tumangkilik sa monochrome
photographic film at sa pag-unawa ng publiko sa kanilang desisyon na itigil na
ang paggawa nito.
“Fujifilm Imaging Systems Co.,
Ltd. has worked hard to absorb cost, such as improving production and cost
savings for black-and-white film and black-and-white photographic paper that we
have used for many years. However, as the demand decreased, sales will be
terminated.
“Thank you for your kind
understanding,” pahayag ng Fujifilm.
Ito na ang pagtatapos ng 82-taong
kasaysayan ng kumpanya sa monochrome film production. Batay sa Kyodo News, tinatayang
15 porsyento hanggang 20 porsyento ang ibinababa kada taon ng kita ng
black-and-white film.
Matatandaan na noong 1936
nagsimula na magbenta ang Fujifilm ng monochrome photographic film na naging
pangunahing produkto ng kumpanya partikular nang maging popular ito noong
1960s. Subalit, unti-unting bumaba ang demands para rito nang nauso ang color photography
at lalo pang bumaba simula nang mauso ang digital cameras.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento