“The Philippines is the third country in Southeast Asia in
which the Dinner in the Sky experience is taking place. We are especially
excited about its launch as Filipinos are known to be adventurous and
fun-loving people. This experience will be a good boost to the country’s
variety of culinary outlets, and both locals and tourists alike should not miss
this once-in-a-lifetime experience. We are also excited to work with our local
Filipino partners, who share our vision in making the event an unforgettable
one for everyone.”
Ito ang pahayag ni Arvin Randahwa (CEO - DITS ASIA) sa naganap na press
conference kamakailan sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque, ayon sa When in Manila website tungkol paglulunsad ng
Belgian-based novelty dining service na Dinner in the Sky kamakailan.
A culinary escapade for the
thrill-seekers
Naganap ang paglulunsad na ito sa pamamagitan ng organisasyon
ng pinagsama-samang kolaborasyon ng MMI Live, DITS Asia, at Solaire Resort and
Casino. At ito ang unang pagkakataon na makarating sa Pilipinas ang binansagang
isa sa Top 10 Most Unusual Restaurants sa listahan ng Forbes Magazine.
Mayroon nang lampas sa 5,000 events ang naisagawa para sa Dinner
in the Sky na nauna nang ginanap sa mahigit 45 na siyudad sa iba’t ibang panig
ng mundo. Ilan lamang dito ang baybayin ng Copacabana sa Rio de Janeiro,
Brazil; mga hardin ng King David Hotel sa Jerusalem, Israel; sa taas ng mga burol
sa Villa Borghese sa Rome, Italy; mga dalampasigan ng St. Lawrence River sa
North America; Cape Town Bay sa South Africa; Strip of Las Vegas, USA; at
Petronas Twin Tower sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Inumpisahan ang kakaibang dining service sa Brussels, Belgium
noong Mayo 2006 at binuo naman ang konsepto nito ng isang Belgian company, ang
E.I.T.S. BvBa. Lahat naman ng mga pamamaraan, drawings, calculations, at
simulations ay aprubado at sinusuri ng TÜV Rhineland (global provider of
technical, safety, and certification services).
“As we celebrate our 5th anniversary, Solaire brings you yet
another world-class experience. Dinner in the Sky is a bold
testament to our commitment to continuously give our guests memorable
experiences that no other property in the Philippines has done before,” ang
pahayag naman ni Lorenzo Manalang, Brand & Marketing Vice President ng Solaire Resort
and Casino.
A bird’s eye view and
the famed Manila Bay sunset
Idinisenyo rin ang mga makinarya at platform na
ginagamit ayon sa pamantayan ng Germany ukol sa mga flying structures at gawa
sa Belgium ang naturang platform. Istrikto rin ang isinasagawang regular na
safety check-up at maintenance para masiguradong ligtas ang naturang culinary
heights experience.
“Filipinos
now are more receptive to new ideas, eager to try exciting concepts,
aggressively chasing experiences they have seen and heard around the globe. The
Philippines is ripe for the picking – to be a stop for a unique, world-class
dining experience such as Dinner in the Sky,” dagdag naman ni Rhiza Pascua, CEO ng MMI
Live.
Iaangat sa ere ang dining table sa taas na 45-50 metro (based
on weather conditions) sa pamamagitan ng isang crane kung saan ang mga guests,
presenter, at crew ay nakasuot ng safety belts sa loob ng isang oras. Bago
naman sumalang, kailangan din dumaan ng mga guests sa isang briefing tungkol sa
mga safety regulations. At sa kabuuan ng session ay may regular na monitoring
at komunikasyon ang mga crane operator at ground crew.
Nagsisimula ang package sa Php9, 990 kung saan kabilang dito
ang isang four-course exclusive dinner at world-class cuisine mula sa mga chef
ng Solaire na sina Chef Kenneth Cacho (Director for Culinary Arts of the
International School for Culinary Arts and Hotel Management (ISCAHM)), at Michelin-star
Chef Yves Mattagne ng Sea Grill – Brussels. Kasama rin sa package ang Dinner in
the Sky lounge admission, at ang kaaya-ayang Manila Bay sunset view.
Bukas ito para sa lahat na lampas 13-taong-gulang (minimum
height of 145cm and a maximum weight of 150kg), maging sa mga guests na may
mild disabilities o gumagamit ng wheelchair ngunit kailangan magsumite ng sulat
bago mag-book, 22 katao lamang ang pinapayagan sa bawat session, at kailangan
nasa lounge na ang mga guests isang oras bago ang session.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento