“Sino ba’ng hindi malungkot? Sino ba’ng hindi galit
sa mundo? Lahat naman, ‘di ba? Lahat may kanya-kanyang sira sa utak. Depende na
lang kung papa’no mo itatago.”
Ito ang maririnig mula kay Sid (Dingdong Dantes) sa
umpisa ng trailer ng pinakabagong pelikula sa panulat at direksyon ni Irene
Villamor at produksyon ng Viva Films at N2 Productions, na pinamagatang “Sid
and Aya: Not a Love Story.”
Ipapalabas ito sa mga sinehan simula Mayo 30.
A reunion and first
big-screen team-up
“Hindi
naman lahat ng may ‘I love you,’ love story na, e,” ang pagsasalaysay ni Sid sa
huling bahagi ng trailer kung saan din maririnig ang kantang “’Di Na Muli” ni Janine
Teñoso.
Tampok dito ang kauna-unahang pagtatambal nina
Dingdong Dantes at Anne Curtis na dating nagkasama sa telebisyon sa ‘90s
teen-oriented show ng GMA na “T.G.I.S.” kasama sina Antoinette Taus, Sunshine
Dizon, Kim Delos Santos, Dino Guevarra, Maui Taylor, Polo Ravales, at iba pang
teen stars noon.
Kasunod nito ay ang pagsasama rin ng dalawa sa 1999
teen romantic-comedy na “Honey My Love So Sweet” kasama ang kanilang T.G.I.S.
batch.
Umiikot ang kwento kay Sid (Dantes) na isang insomniac
at kung paanong makikilala niya at kukunin bilang confidante ang misteryosong
si Aya (Curtis) para may makausap at makasama sa mga gabing hindi siya
makatulog.
“I am lucky to have worked with this efficient, ingenious and
talented skeletal 20 (plus)-man team of Sid and Aya. Ibang klase talaga ang
Pinoy,” ang pagbabahagi naman ni Dingdong sa Instagram ukol sa kanyang
karanasan sa produksyon.
Shooting in Japan
Ito rin ang unang beses para kay Dingdong na mag-shoot sa
ibang bansa sa loob ng 20 taon nito sa industriya – kinunan ang ilang eksena ng
pelikula sa Japan nitong Marso kasabay ng spring season. Unang beses naman para
kay Anne na makita ang pag-usbong ng mga sakura sa Japan.
Ibinahagi
ni Anne ang karanasan sa shooting experience sa Tokyo sa isang eksklusibong
panayam ng Pinoy Gazette sa press preview ng Rockstar KTV and Resto, ang joint
business venture nila ng kapwa “It’s Showtime” host na si Karylle.
“Our filming
experience in Tokyo was really amazing. We came at a really good time – the
snow had just gone. So we came at perfect timing, some of the cherry blossoms
were just about to appear,” aniya.
Na-enjoy
din ng Kapamilya host sa pagkain at iba’t ibang lugar sa bansa.
“The
food was amazing. We got to visit a lot of places like the Tokyo Skytree at
night na kami lang ang tao. So it really was just so beautiful. Yeah, we had an
amazing time and we were able to shoot on locations that aren’t really like shot
often. So abangan ninyo yung Shibuya Crossing namin, pang-Hollywood.”
Samantala,
ibinahagi rin ni Anne ang kanyang excitement sa pagsali sa Tokyo Marathon.
Kamakailan ay tumakbo siya sa London Marathon kung saan ang mga nalikom na
donasyon ay ibibigay niya sa mga bata sa Marawi sa pamamagitan ng UNICEF
Philippines.
“I’m
gonna join the lottery this year. Sana by next year makapasok ako,” excited na
pahayag ng aktres.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento