“Obviously I’m very happy, satisfied with my outing. But
more than that, happy the team got the victory.”
Ito ang tinuran ng rookie baseball player na miyembro ng
Los Angeles Angels na si Shohei Ohtani sa isang panayam ng CNN pagkatapos
magwagi ang koponan nito kontra Oakland Athletics sa iskor na 7-4 na ginanap sa
Oakland, California kamakailan. Ito rin ang kauna-unahang panalo ni Ohtani
kasama ang Los Angeles Angels.
Fervent support from Japan and on
field
Tatlong araw bago ang kanyang pitching debut kontra sa
Athletics ay nauna munang nagpakita ng marka ang 23-taong-gulang na tubong Oshu,
Iwate Prefecture bilang designated hitter (DH) kung saan niya isinagawa ang una
nitong major league at-bat (going 1-for-5 at
the plate).
Dahil dito, bahagi na si Ohtani sa listahan ng mga Japanese
baseball players na nakagawa ng hit sa kanilang unang Major Baseball League
(MLB) at-bat sa opening day ng isang season gaya nina Hideki Matsui, Kaz
Matsui, Tsuyoshi Shinjo, at Kosuke Fukudome.
Ngunit mas matindi ang pag-aabang kay Ohtani pagdating ng
kanyang pitching debut na naganap sa parehas na linggo kung saan mainit ang
pagsuporta sa kanya ng mga kapwa-Japanese nang 14,644 na mga tagahanga ang
nanood ng match.
Habang naghihintay ay nakahanda ang mga cellphones ng mga tagahangang
Japanese para kunan ang mga eksenang mangyayari sa pitching debut ni Ohtani, at
ang iba naman ay nakataas na ang Los Angeles Angels jersey ni Ohtani na may mga
nakasulat sa Japanese.
Dagdag pa ng website na MLB.com, 240 na miyembro ng
Japanese media ang nasa ballpark din para suportahan ang batang player. At
maging sa Japan ay masugid na inabangan ng mga Japanese ang match nang
alas-singko ng umaga.
Two-way sensation: The Japanese
Babe Ruth
Si Ohtani ang kauna-unahang Major League player na
nag-umpisa bilang non-pitcher sa opening day at maging pitcher din sa unang 10 laro
ng kanyang koponan.
Matagal nang hindi nangyayari ang ganito sa baseball simula
pa kay George Herman “Babe” Ruth Jr., ang pinakapopular na two-way player ng
Boston Red Sox noon pang 1919.
Ang mga sumunod na nakagawa nito ay sina Joe Bush (Red Sox)
at Clarence Mitchell (Dodgers) sa unang 10 laro ng season noong 1920 at
pinakahuli naman na nakagawa nito si Rick Rhoden (Yankees) noong 1988.
“I knew he was going to have a good one because the way he
was throwing the ball was amazing. He was attacking the hitters,” ang pahayag
naman ni Angels catcher Martin Maldonado sa naging performance ni Ohtani bilang
pitcher.
Ngayon, inaabangan ng mga baseball analysts kung paano
mapapanatili ni Ohtani ang isang napakalaking Major League Baseball feat –
bilang unang player sa loob ng matagal na panahon na makapaglaro bilang hitter
at pitcher.
The fastest pitch by a Japanese
player
Nag-professional debut si Ohtani noong siya ay
18-taong-gulang sa pamamagitan ng kanyang unang team, ang Hokkaido Nippon-Ham
Fighters sa season opening game noong 2013 bilang rightfielder.
At noong nasa high school ay itinakda ni Ohtani ang fastest
pitch ng isang Japanese high school pitcher sa record na 160 km/h (99 mph) at sa Nippon Professional
Baseball (NPB) history ay may record naman siya na 165 kilometres per hour
(102.5 mph).
Habang naglalaro para
sa Hokkaido Nippon-Ham Fighters sa ilalim ng NPB, nakuha ni Ohtani ang Japan
Series champion (2016), 3-time NPB All-Star (2013-2016), Pacific League MVP
(2016), 2-time Pacific League Pitcher Best Nine (2015-2016), Designated Hitter
Best Nine (2016), Pacific League ERA leader (2015), Pacific League Battery Award
(with Shota Ono/ 2015), bronze medal sa World Baseball Softball Confederation
(WBSC) Premier12 (2015), at WBSC Player of the Year (2015).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento