Pinangunahan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang ceremonial toast at welcome reception ng Japan’s Tourism Expo sa Tokyo kamakailan. (Kuha mula sa Department of Tourism 2017) |
Para mapalakas ang Japan tourist
market ng Pilipinas ay pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary
Wanda Tulfo-Teo ang 33-member delegation na sumali sa Tourism Expo Japan 2017
na ginanap sa Tokyo Big Sight kamakailan.
Ang delegasyon ay binubuo ng 15
travel at tour operators mula sa Pilipinas kabilang ang Philippine Air Lines
(PAL), Cebu Pacific, mga hoteliers at 18 opisyal ng DOT at Tourism Promotions
Board (TPB).
Nagsagawa ng bilateral tourism
talks ang delegasyon sa pangunguna ni Teo kasama ang mga opisyal ng Ministry of
Land, Infrastructure, Transport and Tourism ng Japan sa pangunguna ni Minister
Keiichi Ishii. Nakipagpulong din sila sa mga grupo ng English as Second
Language (ESL).
Ipinamalas ng Pilipinas sa booth
nito sa expo ang “It’s More Fun in the Philippines” brand nito kung saan tampok
ang bansa bilang premium resort destination.
Kasama rin ni Teo sina DOT Undersecretary
Benito Bengzon, Jr., Assistant Secretary Ma. Lourdes Japson at Tourism Attaché
to Japan Verna C. Buensuceso.
Sa ginanap na ministerial
roundtable sa Global Tourism Forum ng tour expo ay tiniyak ni Teo na ang
Pilipinas ay palaging katuwang sa pandaigdigang pagsisikap upang protektahan
ang kapaligiran at matiyak ang pagpapanatili ng industriya ng turismo.
“With the Philippines’
diversely-rich natural environment, Filipinos offer ultimate fun experience to
our guests. But, without collaborated measures on environmental protection, we
cannot ensure sustainable growth of the tourism industry nor reap its economic
benefits,” aniya.
Binigyang-diin din niya ang
kahalagahan ng pang-rehiyong kooperasyon habang ang Asya ay nakararanas ng
patuloy na tourism boom, base sa 2030 projections ng United Nations World
Tourism Organization.
“This growth is something we hope
for but collaboration among our nations will be the key to continued growth,
development and sustainability of tourism in Asia,” aniya.
Nagtala ng 294,080 Japanese tourist
arrivals ang Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2017, ang pang-apat sa source
market ng Pilipinas kasunod ng South Korea, Amerika at China.
Target ng DOT na makaakit ng
600,000 hanggang 650,000 turistang Hapon ngayong taon, mas mataas sa 535,238
turistang Hapon na bumisita sa Pilipinas noong 2016.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento