“I don’t believe in God. I never had lucky charms. All I believe in is
practice.”
Ito ang isa sa mga tumatak na pahayag ng gymnastics seven-time Olympic
medalist na si Kōhei
Uchimura pagdating sa kanyang pagsasanay at
kamangha-manghang talento sa gymnastics kapag natatanong siya tungkol sa
sikreto niya bilang isang magaling na gymnast.
Nito lamang, matatandaang pinangunahan ni Uchimura ang team Japan sa men’s team final
kontra Russia at China sa Rio Olympics, na kabilang din sina Ryohei Kato,
Yusuke Tanaka, Kenzo Shirai, at Koji Yamamuro kung saan napanalunan nila ang
gold. Ito
ang kauna-unahang Olympic team gold ng Japan mula noong 2004 Athens Games na 12
taon na ang nakalipas.
Sadyang mahalaga para
kay Uchimura ang makapagtakda ng Olympic team medal, na aniya ay isa sa mga
matagal na niyang gustong magawa sa kanyang karera.
“I’ve
won individual gold medals before but this feels completely different. To win a
gold medal with my friends is something that makes me so happy. Now that I’ve
got this medal, it really feels like a real Olympic gold medal,” pahayag ni
Uchimura.
The intense title defense
Kasunod
nito, matagumpay din na nadepensahan ni Uchimura ang kanyang men’s individual
all-around Olympic title kontra kay Oleg Verniaiev ng Ukraine, sa iskor na 15.800. Ang pagwawaging ito ang naglagay sa Nagasaki
native bilang kauna-unahang gymnast na nakapagtakda ng back-t0-back gold medals
sa nasabing event simula nang magawa ito ng kababayang si Sawao Kato noong
1972.
“At the
moment, he is the king of gymnastics — like Michael Phelps and Usain Bolt,” ang
pahayag ni Verniaiev pagkatapos ng individual
all-around patungkol kay Uchimura.
Continuing his parents’ legacy
Tatlong
taong-gulang pa lang si Uchimura nang mag-umpisa itong mag-gymnastics, sa
pagbubukas ng gym ng mga magulang na sina Shuko at Kazuhisa, na parehas na
dating gymnasts sa Nagasaki Prefecture. Pagdating niya ng anim na taong-gulang
ay nagsimula na itong sumali sa mga kumpetisyon.
Hindi
naging madali ang pag-angat ni Uchimura sa mundo ng gymnastics. Sa unang
kumpetisyon niya ay huli siya mula sa mga sumali at natagalan din siya na
matutuhan ang back handspring.
Sa
kabila nito, nagpursige at ‘di sumuko si Uchimura. Sa tulong ng mga magulang,
nag-umpisa siyang gumuhit ng mga naiisipan niyang paraan o istilo sa kanyang
kwaderno at saka niya ito gagawin sa trampoline. Kadalasan ay inilalarawan niya
ang mga ito sa pamamagitan ng pagbaluktot niya ng isang stuffed toy.
Kalaunan,
nagdesisyon itong lumuwas sa Tokyo nang siya ay 15 para magsanay sa ilalim ni
Athens gold medalist Naoya Tsukahara. Sumabak siya sa international competition
noong 2005 International Junior Competition sa Japan. At pagdating ng 2007 ay
naging miyembro na siya ng Japan national team.
Unti-unting
nakikilala ang pangalan ni Uchimura pagpatak ng kanyang senior debut sa 2007
Paris World Cup at nasundan ito ng team gold, 1st place (floor), 3rd
place (vault); 7th place sa all-around sa Japan National
Championships; team silver at 7th place (floor exercise) sa Good
Luck Beijing event. Lahat ito sa loob lamang ng isang taon.
Making a name in the Olympics
Disinuwebe
si Uchimura nang una siyang sumabak sa Olympics noong 2008 sa Beijing at
nag-uwi ng all-around silver. At mula rito, hindi na natalo si Uchimura,
hanggang sa kanyang six world championship, pagiging 19-time world medalist at
seven-time Olympic medalist.
Bagaman
inihahanay siya kina Michael Phelps sa swimming at Usain Bolt sa sprint, para sa
27-taong-gulang na si Uchimura na binansagang King Kōhei mula noong 2012 London Olympics kung saan siya nanalo ng gold, si Vitaly
Scherbo ng Belarus ang itinuturing niyang “greatest of all time.”
“Not my name, but I really hope gymnastic will
be as famous as swimming by Phelps and running by Bolt,” ang dagdag nito.
Road to Tokyo 2020
Mas
malaki ang plano ni Uchimura pagdating ng Tokyo Olympics, apat na taon mula
ngayon. At ngayon pa lamang ay matinding inaabangan na ang muling pagpapakita
ng galing ni King Kōhei at ng team
Japan sa kanilang sariling bayan.
“You can’t top what
happened in Athens, but we’ve made our own history here. I think this is
something that we can take into the 2020 Olympics in Tokyo,” ang komento ni
Uchimura pagkatapos ng pagwawagi ng team Japan.
Inaasahan
naman ang pagreretiro niya pagkatapos ng Tokyo Olympics, sa kabila nito,
magdaan man ang panahon ay mananatili ang marka ng pangalan ni Uchimura sa
kasaysayan ng world gymnastics.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento