Kuha mula sa Tokyo 2020
Nakilahok ang humigit-kumulang sa
5,000 katao kabilang ang mga Japanese Olympians at Paralympians sa pagdiriwang
ng “Tokyo 2020 Flag Tour Festival / 3 Years to Go to the Tokyo 2020 Games”
event para markahan ang eksaktong tatlong taon bago ang Opening Ceremony ng
Tokyo 2020 Olympic Games sa Tokyo Citizens’ Plaza sa Shinjuku kamakailan.
Ito ay pagpapakilala rin sa
Nationwide Tokyo 2020 Flag Tour na may layong dalhin ang kagalakan ng Tokyo
2020 Olympic and Paralympic Games sa bawat sulok ng bansa.
Dinala sa Tokyo ang Olympic at
Paralympic flags mula Rio noong nakaraang taon at ipinarada sa iba’t ibang
lugar kabilang ang mga prepektura na naapektuhan ng 2011 East Japan earthquake
at Kumamoto earthquake noong 2016.
Itinampok dito ang bagong
projection mapping display kung saan ipinalabas ang video light show sa harapan
ng gusali ng Tokyo Metropolitan Assembly na sinabayan ng musika at nagpakita sa
mga atraksyon ng Tokyo bilang host city at power of sports.
Naglaban-laban din ang mga
manonood, Olympians at Paralympians sa isang computer game na ipinalabas sa
malaking screen na nagbigay-sulyap sa kung ano ang maaaring asahan ng mga tao
mula sa Tokyo 2020.
“Although there have been some
bumps along the way, many of the challenges have been overcome. Overall
preparation is well underway, and we have also successfully reached an
agreement with related parties on general costs and role sharing,” pahayag ni
Tokyo 2020 President Yoshiro Mori.
“As there are only three years
until Tokyo 2020, we have commenced the preparation of more intangible aspects
of the Games – the mascots, the torch relay and the Opening and Closing
Ceremonies. We have committees set up for each of those projects, with experts
who represent Japan in those fields. We hope to show the best of Tokyo and
Japan through the innovative initiatives that we are implementing in the lead
up to what we believe will be the most exciting Games ever.
“As we enter the next stage of
preparations, we are thrilled at the prospect of hosting the Olympic and
Paralympic Games, and we remain committed to working hard so that in three
years time we will be able to welcome our guests from around the world and
deliver a most exciting summer festival.”
Sinabi rin niya na gumawa sila ng
Tokyo 2020 “happi” o tradisyonal na Japanese jacket, espesyal na “yukata” o
casual “kimono” at naglabas ng tradisyonal na dance song na pinamagatang “Tokyo
Gorin Ondo 2020” para ipagdiwang ang inaabangang Olimpiyada.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento