Ni
Florenda Corpuz
Winter illumination sa Japan. Kuha ni Din Eugenio |
Taglamig na naman! Bukod sa snow na
inaabangan ng maraming tao, pinakaaabangan din ng mga lokal at dayuhang turista
ang mga illuminations sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang bahagi ng kanilang winter
experience.
Narito ang listahan ng mga lugar na
may popular na winter illuminations sa bansa ngayong 2014-15:
1.
Roppongi Hills – May
temang “Artelligent Christmas,” labis na ikinamangha ng mga tao ang pailaw sa
pinakapopular na “city within a city” sa Tokyo. Sa kahabaan ng Keyakizaka
Street, makikita ang Galaxy Illumination ng “Snow&Blue” at “Candle&Red.”
Sa 66 Plaza naman ay makikita ang isang giant Christmas tree na may taas na
walong metro at pinatingkad pa ng mga LED lights habang malaking chandelier
naman ang naka-display sa West Walk.
2.
Tokyo Midtown – Nasilayan
dito ang signature winter display ng lugar na “Starlight Garden” kung saan
180,000 fragments of light ang matatanaw sa abot ng mga mata. Pinatingkad pa
ito ng dinagdag na stick illumination na kauna-unahan sa bansa at nagbibigay
liwanag na aabot sa apat na metro at lumilikha ng 3D.
3.
Ginza –
Pinatingkad muli ng Mikimoto Jumbo Christmas Tree ang kahabaan ng Chuo Street na
nakadagdag sa rangya ng sikat na high-end shopping district na naka-display hanggang
Disyembre 25.
4.
Ebisu Garden Place
– Tampok pa rin ngayong taon ang kaaki-akit na “Baccarat Eternal Lights” kung
saan may nakalatag na mahabang red carpet patungo sa 5-meter-tall crystal
chandelier tower na siyang pinakatampok na atraksyon ng lugar. Bukas ito sa
publiko hanggang Enero 12, 2015 mula 4 p.m. hanggang 12 m.n.
5.
Shiodome – Ang
“Canyon d'Azur” ang tampok na atraksyon ngayong taglamig sa Caretta Shiodome
kung saan makikita ang tila karagatan ng mga LED lights. Bukas ito hanggang
Enero 12, 2015 mula 5 p.m. hanggang 11 p.m.
6.
Shirakawa-go – Hinirang
na UNESCO World Heritage Site sa Gifu Prefecture, dinarayo ang lugar na ito
dahil sa katangi-tanging tanawin. Umaabot sa mahigit sa apat na metro ang snowfall
dito kung saan ang mga gassho-zukuri farmhouses sa Ogimachi village ay
iniilawan. Bukas ito sa Enero 17, 24, 25, 31; Pebrero 1, 7 at 14, 2015.
7.
Sapporo – Isa sa
pinakamalaking winter events sa bansa ang Sapporo Snow Festival kung saan
makikita ang mga nakakamanghang crystal-like ice structures at puting snow na
lalo pang pinatingkad ng winter illumination nito. Gaganapin ito mula Pebrero 5
hanggang 11, 2015.
8.
Kobe – Nagsimula
noong 1995, ang Kobe Luminarie sa Hyogo Prefecture ay ginaganap taun-taon upang
gunitain ang Great Hanshin-Awaji Earthquake. Ito rin ang orihinal na
illumination attraction ng bansa. Makikita rito ang naggagandahang hand-painted
lights at LEDs na napapailawan upang gunitain ang mga biktima ng lindol at
pagdiriwang sa muling pagbangon ng Kobe.
9.
Osaka – Bilang
bahagi ng “Festival of the Light in Osaka 2014,” masasaksihan ang “Osaka
Hikari-Renaissance” at “Mido-suji Illumination” hanggang Enero 18, 2015.
10.
Kyoto – Ngayong
Disyembre, ginaganap ang dalawang magkahiwalay na light at flower walkway
festivals na kung tawagin ay “Hanatouro” sa mga lugar ng Arashiyama at
Higashiyama. Masisilayan dito ang mga naggagandahang hand-sculpted open-air
lanterns na may tradisyonal na disenyo at nagbibigay ilaw sa mga walkways
patungo sa mga templo, shrines at parke.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento