Martes, Enero 13, 2015

Zanjoe, kumportable sa father roles

Ni Joseph Gonzales

Zanjoe MArudo
Hindi raw malaking isyu kay Zanjoe Marudo kung sa kanyang mga huling proyekto ay puro papel ng isang tatay ang kanyang ginagampanan.

“Oo, tulad ng bago nating soap opera na ‘Dream Dad.’ Wala akong problema riyan kasi enjoy naman tayong makipagtrabaho sa mga bata. Nakakatuwa sila. Napakagaan ng ambience sa set kapag sila ang kasama mo. Sa kaso ko, lagi na’y nagiging malapit ako sa kanila hanggang sa matapos ang programa,” anito.

Sa kanyang bagong soap opera na “Dream Dad” ay mayaman ang kanyang papel.

“At isa itong welcome change para sa akin! Kasi, lagi na’y puro mahihirap ang ginagampanan kong papel sa mga nakaraang proyekto ko. Pero sa pagkakataong ito, lagi akong nakasuot ng Amerikana at kurbata kasi business executive ako sa kuwento.

 “Ito ang mga gusto kong karakter na binibigyang-buhay on screen. Gusto ko ang daloy ng kuwento. Hindi ito gano’n kabigat at dramatic na kailangang umiyak sa maraming eksena. Ngayon pa lang ay wino-work out ko na ang chemistry namin ni Jana Agoncillo na gumaganap na aking anak dito. Pihado akong maiibigan na naman ito ng mga manonood lalo na ng mga magulang at mga bata kasi kakaibang bonding ang matutunghayan nila rito!”

Base sa kanyang pagiging open sa pagganap ng father roles, marami ang nagtatanong kung nag-iisip na raw ba siyang magka-anak sa lalong madaling panahon.


“Siyempre, kahit sino naman sigurong lalake ay gusto ang ideyang ‘yan. Pero sa kaso natin, nais ko munang mag-concentrate sa pagtupad sa aking mga ambisyon at mithiin sa buhay. Marami pa akong magagandang plano sa hinaharap,” pagtatapos na ni Zanjoe.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento