Vic Sotto |
“Totoo ‘yan,”
anito. “Sa apat na dekada na itinagal natin sa showbiz, ang dalawang bagay na
‘yan ang mga susi kung bakit nandito pa rin tayo. Kapag mahal mo kasi ang
trabaho mo, gano’n din ang balik nito sa ‘yo. Dahil doon, nagiging masaya ang
trabaho. Parang magaan ang lahat.
“Ini-enjoy ko ang
ginagawa ko sa larangang ito. Sa pamamagitan nito, naiiwasan nating ma-stress.
Kung hindi mo gusto ang ginagawa mo, madali kang ma-burn-out. Maaapektuhan lang
ang iyong kalusugan. So, ang pinaka-importante rito ay dapat masaya ka lang sa
ginagawa mo. Makikita mo, the best din ang balik nito!”
Ginawang kunkretong
halimbawa ng ace comedian-producer-host ang “Eat Bulaga.”
“Kapag binilang
mo, mahigit nang tatlong dekada ang inilagi ko sa noontime variety show na ito.
Sa kabila nito, aking masasabi na hindi ako napagod ni minsan sa routine. Lahat
kami sa ‘EB’, sinisiguradong merong bago at exciting na makikita ang mga
manonood sa araw-araw. Ini-enjoy namin ang bawat minuto na kami’y
nagbibigay-kasiyahan sa balana.
“Mahal namin ang
‘EB.’ Siyempre, dahil sa audience at sa mga taong nagta-trabaho sa harap at
likod ng kamera araw-araw. Nagbibigay ng kakaibang uri ng kasiyahan sa amin
kapag kami’y nakakakilala ng iba’t-ibang tao dahil sa aming mga segments.
Masaya kami na liban sa kasiyahang naidudulot namin, natutulungan pa namin
sila.
“Hindi mababayaran
ang pasasalamat nila sa amin. Sa bawat pagkakataong naririnig namin silang
nagpapasalamat, para itong musika sa aming mga pandinig. Ito kasi ang paraan
namin ng pagsukli sa aming mga matapat na tagasubaybay para sa kanilang suporta
sa paglipas ng panahon. Hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang paniniwala
sa amin. Kundi dahil sa kanila, wala kami ngayon sa aming kinalalagyan!”
Samantala, proud
na proud naman si Vic sa bagong apo na si Kaleb Hanns na anak nina Oyo Boy
Sotto at Kristine Hermosa.
“At sino naman ang
hindi matutuwa sa batang ‘yon? Guwapo talaga. Nakita n’yo na ba ang bagong
Instagram post ni Oyo? Isa sa mga bagay na nakapagbibigay sa akin ng kapayapaan
ay ang katotohanang lahat ng aking mga anak ay maayos ang takbo ng personal na
buhay. At siyempre, dagdag-kaligayahan para sa akin ang aking mga apo tulad ni
Kaleb.”
Eh, paano naman
ang nobya niyang si Pauleen Luna?
“Siyempre, isa
siyang malaking inspirasyon sa akin. Dahil sa kanya, masaya ako. Sana nga’y
lagi kaming magkasama sa lahat ng pagkakataon,” saad ni Vic.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento