Ni Herlyn Alegre
International Broadcast Equipment Exhibit (Kuha ni Shion Yee Wong) |
Tuwing
manonood ng maaksyong mga pelikula tulad ng “Rurouni Kenshin” at “Lupin III,”
paniguradong hindi mo mapigilang mag-isip kung paano kinukuhanan ang mga kumplikadong
eksena tulad ng mga fight scenes at explosions. Ang sarap panoorin ng mga
ganito, makapigil-hininga, pero siguradong nangailangan ito ng mga makabagong kagamitan
at bihasang mga tao para makuhanan sa tamang anggulo at timing ang ganitong mga
eksenang mahirap nang i-take 2.
Sa
ginanap na International Broadcast Equipment Exhibit (o mas kilala sa tawag na
Inter BEE) sa Makuhari Messe kamakailan ay nabigyang-linaw kung paano
matagumpay na nagagawa ang mga eksenang tulad ng nasa Rurouni Kenshin at Lupin
III. Ito ang ika-50 taon na ginanap ang exhibit na ito.
Ang simula ng Inter BEE
Taong
1964 nang unang itanghal ang Inter BEE sa Tokyo. Kagaya ng nakaraang 49 na taon,
hindi binigo ng Inter BEE ang halos mahigit 30,000 taong dumalo sa exhibit ngayong
taon upang makita ang pinakamakabagong modelo ng iba’t ibang equipment na gamit
sa industriya ng broadcasting tulad ng mga cameras, HDTV, satellites, speakers,
generators at iba pa na ipinakita ng mahigit na 900 kumpanya kung saan 536 ay
nagmula pa sa ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Inter BEE
bilang isa sa tatlong pinakamalaking broadcast equipment exhibit sa mundo
kasama ng NAB sa Estados Unidos at IBC sa Europa.
Mga makabagong cameras on display
Punung-puno
ang anim na hall sa Makuhari Messe ng mga booth ng exhibitors. Maaari rin na subukang
gamitin ang mga naka-display na produkto kaya maaaring paglaruan ang mga camera
at malaman kung paano fino-focus at zinu-zoom sa mukha ng artista ang mga camera.
Nasubukan din ng marami na itaas, ibaba, paikutin at pagalawin ang mga ito.
Nakakamangha
ang galing ng mga camera, konting galaw at pindot lang ay gagawin nito ang ano
mang gusto mo – zoom, pan, tilt, dolly, pedestal, truck. Mayroon din na mga
on-site actors ang mga booth na hindi tumitigil sa paggalaw – may naka-bunny
costume na nagpapaikot ng roleta na parang nasa casino, mayroong nag-ji-gymnastics
at nag-eexercise, mga babaeng naka-gown at nagkukuwentuhan sa isang bar set-up
at isang magandang babaeng nakakimono na nagbabasa sa loob ng bahay. Nandoon
sila sa mga booth para pagpraktisan ng mga camera techniques kung gusto ng mga
customer na subukan ang mga camera on display. Pwede rin na mag-feeling artista
sa harap ng camera gaya ng pagtayo sa harap ng green screen at pagkaway-kaway
sa camera. Kung titingnan ang kuha ng camera sa TV, ang green screen ay
napalitan ng isang malaking aquarium kung saan may mga makukulay na isda na
lumangoy-langoy!
Ilan sa mga equipment na nakadisplay ay ang:
- Ericsson TV Anywhere – maaari nang i-record ang mga paborito mong TV program at panoorin nang paulit-ulit sa smartphone o tablet. Kakaiba ang serbisyong ito dahil hatid ito ng isang telecommunications equipment company at ang pagre-record ng programa ay ginagawa sa cable company mismo. Hindi lamang mga bagong programa ang pwedeng i-record kung hindi pati na rin ang mga naipalabas na noon.
- Panasonic VariCam 35 4K camera recorder – mayroon itong built-in na 35mm single panel MOS at dahil mataas ang sensitivity nito sa ilaw, kaya nitong kumuha ng malilinaw na eksena kahit madilim. Madali rin i-adjust ang kulay ng nakuhanan dahil sa in-camera grading function nito. Dahil sa 4k/HD compatibility nito, ideal itong gamitin para sa pagkuha ng mga dramang pang-telebisyon.
- Attain SSP Series Teleprompter – maaari itong ikabit sa camera tripod upang magamit habang nagrerecord ng video. Gamit ang half mirror na nakatapat sa harap ng camera lens, maaaring mabasa ng nagre-record ang mga linyang nakasulat sa teleprompter habang nakatingin sa camera. Mayroong apat na mode na maaaring pagpilian ang mga gagamit nito: ikabit sa stand, ilagay sa taas ng nagbabasa, ilapag sa sahig o gamitin ng naka-standard mode.
- JVC Kenwood GY- LS300 – isang handheld na camera recorder na mayroong detachable helicopter minicam na maaaring gamitin for aerial shots.
- Sony PXW- FS 7 – Maliit man ito at madaling dalhin, hindi pa rin nagkulang ang mga features ng camera na ito. Mayroon itong built-in single panel CMOS at 8.8 million pixels. Madali rin itong palitan ng lens kung outdoor ang shoot at laging on the go ang gumagamit nito.
Mga aabangan sa industriya ng broadcasting
Nagkaroon
din ng iba’t ibang forum sa loob ng tatlong araw na exhibit. Nagbigay ng iba’t ibang
makabuluhang keynote speeches ang ilan sa mga mahahalagang tao sa industriya.
Isa na rito ang Chief of Engineering ng Japan Broadcasting Company na si Senior
Director Yasuto Hamada na tinalakay ang mga upcoming innovation sa industriya ng
broadcasting at media services. Ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon lamang
ay ni-launch ng NHK ang Hybridcast, isang technique kung saan pinagsama ang
broadcast and broadband services. Sinabi
rin niya na matagal nang pinag-aaralan ng NHK ang paggamit ng 8K super hi-vision
broadcasts na malapit na nilang i-test.
50th anniversary live party
Pagkatapos
naming mag-ikot sa loob ng exhibit ay dumalo rin kami sa after party kung saan
mayroong mga hinandang mga kamangha-manghang pagtatanghal para i-showcase ang kakayahan
ng mga sound, video and lighting equipment. Isa sa mga ito ay interpretative
dance na ginamitan ng mga lumilipad na remote-controlled lights upang ilawan
ang babaeng sumasayaw. Sinusundan siya ng mga lumilipad na ilaw at nakakagawa
ito ng magandang anino sa dingding sa kanyang likuran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento