Lunes, Enero 12, 2015

YEAR IN REVIEW: Pinoy films, network rivalry, love stories and controversies

Ni Joseph Gonzales

Nadine Lustre and James Reid
Magtatapos na ang 2014. Isang taon na naman ang lumipas. Sa puntong ito ay ating balik-tanawan ang mga mahahalagang kaganapan sa lokal na aliwan. Anu-ano at sinu-sino ang mga tumatak sa isipan ng balana sa nakaraang 12 buwan? Ano ang mga mainit na pinag-usapan at sino sa ating mga artista ang lubos na nagningning ang bituin sa taong ito?

HIGHEST-GROSSING PINOY FILMS OF 2014
Bongga ang Star Cinema dahil karamihan sa listahan ng pinakamatagumpay na pelikula sa takilya ay galing sa kanila. Meron din ang Viva Films, Regal Entertainment at Skylight Films. Para sa taong 2014, ang “Starting Over Again” nila Piolo Pascual, Toni Gonzaga at Iza Calzado ang siyang nanguna sa talaan na tumabao ng Php 410, 188, 028. Muli ngang bumalik ang magic ni Piolo sa box-office sa pamamagitan ng behikulong ito na siya ring lalong nag-solidify sa puwesto ni Toni bilang isa sa pinakamaiinit nating artistang babae ngayon.
Sinundan ito ng “Bride for Rent” (Php 326,000.00); “She’s Dating the Gangster” (Php 254, 426, 481); “Maybe This Time” (Php 208,000.00); “Da Possessed” (Php 122, 698, 866); “Diary ng Panget: The Movie” (Php 119, 534, 657); “My Illegal Wife” (Php 880,000.00); “The Gifted” (Php 78, 405, 698); “Talk Back and You’re Dead” (Php 76, 941, 733);  at “Maria Leonora Teresa” (Php 72, 735, 576).
Ang taon din na ito ay saksi sa tagumpay ng mga pinakamaiinit na tambalan sa pelikula at telebisyon gaya nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim at Nadine Lustre at James Reid. Hindi pa rin mapapasubalian ang popularidad ni Sarah Geronimo na pinatunayang kaya niyang magbukas ng pelikula kahit sino pa ang katambal gaya ni Coco Martin. Pasok pa rin sa listahan si Anne Curtis pati na si Cristine Reyes. Meron ding entry si Pokwang. Sa kabuuan nga’y naghari ang romance genre sa taong ito. Mapa-romantic drama o romantic comedy ay pasok sa panlasa ng madla. Meron pa ring hatak ang comedy at horror.
Sa talaang ito ay hindi pa kasama ang mga kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival na inaasahang papatok din sa takilya tulad ng “My Big Bossing” (Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon). “Feng Shui” (Kris Aquino at Coco Martin), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (Vice Ganda), “Kubot: The Aswang Chronicles” (Dingdong Dantes at ang “Shake, Rattle & Roll 15” (Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe, JC de Vera at Erich Gonzales).

NETWORK RIVALRY
Patuloy pa rin ang maigting na labanan sa pagitan ng dalawang pangunahing TV stations sa bansa, ang GMA-7 at ABS-CBN 2 nitong 2014. Palakihan sila ng mga programa at pabonggahan sa casting. Maging sa ratings at commercial loads ay dikitan ang laban ng dalawa. Ang pangatlong network, ang TV 5 ay patuloy namang nangangapa at tinitimpla ang pulso ng masa.
Sa panig ng Kapuso, tuloy ang pamamayagpag ng kanilang Prime Time King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Umpisa pa lang ng taon ay umarangkada na si Marian sa pamamagitan ng “Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.” Binigyan din siya ng isang dance show, ang “Marian” na isa ring ratings success. Pinag-usapan naman ang soap opera ni Dong na “Ang Dalawang Mrs. Real” kung saan ay nakatambal niya sina Lovi Poe at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Panalo rin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa taong ito. Pagkatapos ng matagumpay na “My Husband’s Lover” noong 2013, binigyan sila ng sarili nilang soap, ang “My Destiny” na nag-hit din. Nagkaroon pa ng game show si Tom, ang “Don’t Lose the Money” na naging popular din. Si Carla naman ay binigyan ng isang sitcom, ang “Ismol Family” kasama si Ryan Agoncillo. Sa panig naman ni Dennis Trillo, binigyan siya ng soap opera, ang “Hiram na Alaala” kung saan ay katambal niya sila Kris Bernal, Lauren Young at Rocco Nacino.
Patuloy din ang pamamayagpag sa ratings chart ng “The Half Sisters” nila Barbie Forteza, Thea Tolentino at Andre Paras. Hindi rin magpapahuli ang tambalan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Hataw din ang programa nilang “More than Words” matapos tampukan ang remake ng “Villa Quintana.”
Hit din sa publiko ang “Strawberry Lane” nila Bea Binene, Joyce Ching at Kim Rodriguez gayon din ang remake ng “Yagit” na tinatampukan ng mga abgong child stars ng GMA na sila Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz at Jemuell Ventinilla. Tagumpay din ang unang pagbibida ni Gabby Eigenmann sa “Dading.” Muli ring tinangkilik ng publiko ang tambalang Andrea Torres at Mikael Daez sa “Ang Lihim ni Annasandra.”
Pagdating naman sa reality show, klik ang “Bet ng Bayan” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang bagong leading man material ng Siyete na si Alden Richards na bago ito’y nag-bida sa kauna-unahang bayani-serye na “Ilustrado.”
Hindi rin naman nagpahuli ang ABS-CBN 2. Bongga ang kanilang drama na “The Legal Wife” tampok sila Angel Locsin, Jericho Rosales at Maja Salvador, gayundin ang “Sana Bukas Pa ang Kahapon” nina Bea Alonzo at Paulo Avelino at “The Two Wives” nila Kaye Abad, Erich Gonzales at Jayson Abalos.
Umarangkada rin si Kim Chiu katambal si Coco Martin sa “Ikaw Lamang.” Ipinakilala naman si Julia Barretto sa “Mira Bella” kasama si Diego Loyzaga. Hit din ang “Moon of Desire” nila JC de Vera, Ellen Adarna at Meg Imperial habang tinangkilik din ng mga manonood ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa “Home Sweetie Home.”
Pinangungunahan ni Zanjoe Marudo ang bagong kinagigiliwang prime time show na “Dream Dad” habang binigyan naman ng kanyang unang solo show ang dating child star na si Nash Aguas sa “Bagito.” Bida naman sa “Forevermore” ang bagong tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Meron ding programa si Judy Ann Santos na “Bet on Your Baby” at patuloy na sinusubaybayan ang musical reality show na “The Voice of the Philippines” tampok sila Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Apl.De.Ap.
            Sa parte ng TV 5, inilunsad nila sa “Trenderas” ang triumvirate nila Isabelle de Leon, Katrina Velarde at Lara Maigue. Gumawa rin ng konting ingay ang kanilang “Wattpad Presents.”

 LOVE STORIES & CONTROVERSIES

Itinuturing na Wedding of the Year ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Disyembre 30, 2014. Matagal na itong inaabangan ng balana. Bongga ang preparasyon ng okasyon at halatang masayanng-masaya ang dalawa sa nalalapit nilang pag-iisang-dibdib. Malaking halaga ang magagastos para sa kasalang ito.
Nag-anunsyo na rin ng engagement sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ito ay magaganap naman sa Pebrero ng susunod na taon. Metikuloso rin ang ginagawang preparasyon para rito at inaasahang marami ang mamamangha sa kinang ng okasyon.
Nagpakasal naman sina Aiza Seguerra at Liza DiƱo sa Amerika na dinaluhan ng kanilang malalapit na kamag-anak at kaibigan. Forest-inspired ang tema ng seremonyas ng kasal. Masayang-masaya ang pareha dahil sa wakas ay natuloy na rin ang kanilang kasal.  Marami rin ang natuwa nang pagkatapos ng mahabang panahon ay ikinasal na ang mag-sing-irog na sina Iya Villania at Drew Arellano.
Samantala’y inaabangan naman ang pag-iisang dibdib nina Angel Locsin at Luis Manzano. Isa sila sa mga hinahangaang pareha sa showbiz sa kasalukuyan. Matamis din ang pagtitinginan nina Maja Salvador at Gerald Anderson, gayundin nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Hindi rin magpapatalbog sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Idagdag pa riyan sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Masaya na rin sa kanyang buhay-pag-ibig si Ai Ai delas Alas.
Naging mainit na usap-usapan ang pagpapa-release ni Aljur Abrenica sa orihinal na mother studio niyang GMA-7. Sinubaybayan din ang away at pagbabati ng mag-inang Racquel at Charice Pempengco. Sa katagalan ay natanggap na rin ng ina si Alyssa para sa anak. Marami naman ang hindi pabor sa hindi pagkakahirang kay Superstar Nora Aunor bilang National Artist. Siyempre pa, ang kuwento ng pagkakabugbog kay Vhong Navarro ay isang malaking balita nitong 2014. Marami ang naki-simpatya sa comedian-host sa sinapit nito. Buti na lang at nakabawi rin si Vhong at ngayon ay tuloy ang buhay-showbiz.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento