Linggo, Enero 4, 2015

Pinay community leader sa Japan pinarangalan ng Presidential Award

Ni Florenda Corpuz


Nanay Anita – 1st row, 2nd from right, wearing red blouse
(
Kuha ni Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)
Kinilala ang kabayanihan ng isang Pinay community lider sa Japan dahil sa natatanging ambag nito sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan gayundin sa mga Japanese-Filipino children na may problema at pinagdadaanang pagsubok sa buhay.

Ginawaran ng prestihiyosong Banaag Award, isa sa apat na kategorya ng Presidential Award, si Anita A. Sasaki o mas kilala sa tawag na “Nanay Anita” sa 2014 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas nitong Disyembre 5 sa Malacañang Palace.

As you continue your work in your offices, your community centers, your studios, your clinics, and laboratories towards the pride and upliftment of our people, you have a government and a Filipino people that is working shoulder-to-shoulder with all of you. Together, we have given rise to a global community where Filipinos can truly hold their heads high.

“While the awards you receive today are symbols of your success, I am hopeful that you also treat them as invitations: to continue your pursuit of excellence, and the way you bring pride and honor to our country,” saad ni Pangulong Aquino sa kanyang speech.

Itinatag ni Nanay Anita ang Tahanan ni Nanay noong Oktubre 2012 na nagbukas ng pinto para sa mga Japanese-Filipino children (JFC) na may problema at pinagdadaanang pagsubok sa bahay at sa eskwela. Ito ay nag-ugat sa grupong Christian Association Serving Traditional Laymens Evangelization o CASTLE. Sa Tahanan ni Nanay, nililinang ang kakayahan at talento at personalidad ng mga JFC.

“We need to inculcate Filipino values to these youth. Nais ko rin na itaas ang imahe ng mga Pilipino sa Japan. Habang nandito tayo ay hindi tayo binabatikos. We have to show them na ang mga Pilipino ay iba. Kayo ang pag-asa that’s why I want you to be the best. Mayaman tayo, may kulturang maganda,” saad ni Nanay Anita sa isa sa mga panayam ng Pinoy Gazette.

Isinasagawa kada dalawang taon, ang Presidential Awards ay binuo noong 1991 sa pamamagitan ng Executive Order 498 upang kilalanin ang mga overseas-based individuals at organizations na nakatuon sa kanilang mga trabaho sa pagpapabuti ng mga buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Bukod kay Nanay Anita, pinarangalan din ang 32 pang outstanding overseas Filipinos and foreign-based organizations kabilang na sina Wako Asato (Japan) -Kaanib ng Bayan Award, Serenata (Saudi Arabia) - Lingkod sa Kapwa Pilipino Award, Michael Cinco (UAE), Cristeta Comerford (USA) at Lea Salonga (USA) - Pamana ng Pilipino Award.

         


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento