Ni
Florenda Corpuz
Logan Lerman and Brad Pitt. (Kuha ni Din Eugenio) |
Tokyo, Japan – Dumating sa bansa
ang Hollywood A-lister na si Brad Pitt kasama ang batang aktor at co-star na si
Logan Lerman para sa press tour ng kanilang bagong pelikula na “Fury.”
Sinalubong ng aabot sa 400 Japanese
fans ang pagdating nina Pitt at Lerman sa Haneda Airport noong Nobyembre 14.
Kinabukasan ay humarap sa Japanese
at foreign media ang dalawa para sa press conference ng kanilang World War II film
na ginanap sa Tokyo Midtown Hall sa Roppongi.
“It’s great to be here again,” bati
ni Pitt sa mga press people na inaming kahit ilang beses na siyang nakarating
sa bansa ay palagi pa rin siyang namamangha sa mga lugar dito at sa kulturang
Hapon.
Sinabi naman ni Lerman na ang Japan
ang kanyang bagong paboritong lugar sa buong mundo dahil sa kakaibang enerhiya
ng bansa at ng mga tao rito. “This is my third time here in Japan and I’m so
happy to be back.”
Ikinuwento ni Pitt ang kanilang
karanasan habang kinukunan ang mga eksena sa pelikula. “The tank – there’s
nothing ergonomical or comfortable about it.”
“We trained extensively for the
film. But what was remarkable to me is that the men, they lived in that space,
they had their meals there, they slept there, they fought there, they went to
bathroom there. We need to think what the men went through during those times
under these conditions. It’s pretty heroic,” ani Pitt.
Ayon kay Lerman, ibinigay nila ang lahat
ng kanilang makakaya para maging makatotohanan ang pelikula. “Fury is such a
unique experience to film. This is definitely the film I am most proud of.”
Matapos ang kanilang pagharap sa
media ay ginanap ang red carpet premiere sa TOHO Cinemas sa Yurakucho kung saan
daan-daang fans ang nag-abang sa kanilang pagdating.
“Hello, everyone! Thank you for the
support. We made a great movie for you and we can’t wait for you to see it,”
masiglang bati ni Pitt na nagpahiyaw sa mga fans.
Matapos ang stage greeting at photo
call ay nagpaunlak ng autograph at nakipag-selfie ang “Fury” actors kasama ang
kanilang Japanese fans.
Ipinalabas ang nasabing pelikula sa
mga sinehan sa buong bansa noong Nobyembre 28.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento