Ni
Florenda Corpuz
Pinangunahan ni Fukushima Sake Brewery
Association Chairman Inokichi Shinjo ang pagtitipon.
|
“Fukushima sake is tasty and safe,” ito ang
pahayag ng mga miyembro ng Fukushima Sake Brewery Association sa isang
pagtitipon na ginanap sa Palace Hotel Tokyo kamakailan.
Ayon kay Inokichi Shinjo, chairman
ng asosasyon, sa kabila ng kanilang pagsisikap na gawing ligtas, maasahan at
masarap ang kanilang sake, isang alcoholic na inumin na gawa mula sa fermented na
bigas at tubig, ay nananatili pa rin ang alinlangan ng publiko dahil sa epekto
ng 3/11 disaster.
Matatandaang apat na taon na ang
nakakalipas simula nang maganap ang Fukushima Daiichi nuclear disaster kung
saan tatlo sa anim na reactors ang nagkaroon ng meltdown dahil sa pagkasira ng
cooling systems ng mga ito matapos magkaroon ng tsunami na dulot ng lindol.
“Our Association conducts tests on the rice
used for making sake. The Fukushima prefectural government examines all the
rice produced in the prefecture, and only rice below the measurable limit is
used,” saad ng grupo sa isang pahayag.
“Sake breweries in the prefecture have been
conducting tests on their own on mother water, unprocessed sake, and sake lees,
to be able to distribute only safe, reliable sake onto the market,” dagdag ng
grupo.
Siniguro rin ng grupo na ligtas
mula sa radiation ang iba pang agricultural products ng Fukushima, at ito ay
dumaan sa mahigpit na quality at safety test ng pamahalaan.
Dalawang bansa na ang huminto sa
pagbili ng sake mula Fukushima, ito ang China at South Korea. Ngunit patuloy
naman ang pagtaas ng sales sa Amerika at mga bansa sa Europa. Hindi man kalakihan
ay bumibili rin ang Pilipinas ng sake mula sa lugar.
“There are still negative rumors
within Japan, and international exports are also affected. Exports to Asia have
been severely restricted, and other countries require radiation tests, showing
that there is still significant distrust overseas.”
Sa kasalukuyan ay tatlong sake
breweries sa no-entry zone sa paligid ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant
ang nanatiling sarado sa produksyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento