Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa ASEAN-Japan Centre |
Tokyo, Japan – Bumida ang mga
produktong Pinoy sa tatlong araw na ASEAN Showcase na ginanap sa ASEAN-Japan
Centre sa Onarimon kamakailan.
Ang mga produktong pang-interior at
lifestyle ang naging atraksyon sa trade exhibit na may temang “ASEAN Showcase the
Philippines: Innovation, Creativity, Naturally Philippines.”
Kabilang sa mga produktong ibinida
ay ang mga bag, sapatos, accessories, pottery at gardening items na karamihan
ay gawa sa pinya, abaka at sungay ng kalabaw. Agaw-atensyon din ang mga bag
gamit ang bamboo basket na gawa ng lokal na tribo sa pamamagitan ng tradisyonal
na kasanayan.
Labing-apat na kumpanya mula sa iba’t
ibang parte ng Pilipinas ang naimbitahan sa trade exhibit. Sila ay inirekomenda
ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), at pinili
ng Japanese trade expert na ipinadala ng ASEAN-Japan Centre.
Ang nasabing mga kumpanya ay kinabibilangan
ng Adante Leyesa Atelier, Ai-She Footwear, Aranaz, CSM Philippines, Inc., Delza's
Native Products, Floreia, Julie Anne's Handicrafts, Kilus Foundation
Multi-Purpose Cooperative, Lolo Bobby Handicraft, Marsse Tropical Timber
Plantations Inc., Nature's Legacy Eximport, Inc., Nooks Manufacturing Intl.
Corp., Oricon Corporation at Papel Handicrafts.
Dinaluhan ng humigit kumulang 950
katao ang trade exhibit na patunay sa popularidad ng produktong Pinoy sa mga
Japanese buyers na nagsabing mataas ang kalidad ng mga ito. Habang 140 business
meetings naman ang isinagawa kung saan ilang kumpanyang Hapon ang nag-trial
order sa mga exhibitors.
Ang ASEAN-Showcase ay isang country-specific
trade exhibition na ino-organisa ng ASEAN-Japan Centre upang i-promote ang
export ng mga ASEAN Member States sa Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento