Nagsimula ang serialization nito sa
Shonen Jump noong Setyembre 1999 nang 25-taon pa lamang ang may likha na si
Masashi Kishimoto at nagsisimula pa lang bilang isang “mangaka” (manga artist).
Hindi rin inasahan ni Kishimoto na gayon kalaki ang magiging impluwensiya nito
sa industriya ng manga at anime at sa iba’t ibang mga tao sa loob at labas ng
Japan.
Early beginnings and lasting legacy of the series
Naging inspirasyon ni Kishimoto ang
hilig nito kay Godzilla sa paglikha niya ng mga tinatawag na “tailed beasts” o
mga dambuhalang nilalang gaya ng nine-tailed fox, gayon din ang “Dragon Ball”
ni Akira Toriyama at “Sasuke” ni Sanpei Shirato. Paborito niyang mga karakter
maliban kay Naruto at Sasuke sina Haku at Jiraiya na naging guro ni Naruto.
Sa loob ng hindi matatawarang
15-taong serialization nito, 700 kabanata, 72 manga volumes, mahigit 130
milyong kopyang naibenta sa Japan lamang, isinalin at makikita sa higit 30
bansa, 9 na anime films ay ang maraming leksiyon sa buhay na natutuhan ng mga
tagahanga sa mahabang pakikipagsapalaran ni Naruto na isang ulilang naghahanap
ng pamilya at pagkakakilanlan.
Naruto new era opening project
Kabilang sa Naruto Shinjidai Kaimaku
Project ang kamakailan lamang na ipinalabas ang “
Mayroon din na musical stage adaptation
na “Live Spectacle: Naruto;” music event
na “Naruto The Live Vol. 0” tampok ang FLOW na kumanta sa “Hikari Oikakete”
(Chasing the Light) na image song ng Naruto stage play, Aqua Timez, DOES,
Daisuke, 7!!, Nogizaka46, DOES// at Tomita Shiori na gaganapin sa Abril 11 sa Tokyo
International Forum Hall C.
Isang manga mini-series din ang
nakatakdang ilabas ngayong spring tungkol sa bagong henerasyon ng mga shinobi
(ninja); isang serye ng light novels at ang bagong feature film na “Boruto –
Naruto The Movie” na ilalabas sa darating na Agosto at tungkol kay Bolt (Boruto)
na anak ni Naruto Uzumaki at Hinata Hyuuga.
Naruto
Exhibition: Celebration of the completion of serialization
Malaking bahagi naman ng proyekto
ang paglulunsad ng isang espesyal na exhibition, ang “Masashi Kishimoto Naruto
Ten” na isang malakihang representasyon ng 15-taong kasaysayan ng Naruto.
Itatampok sa exhibition ang mga illustrations
na nagpapakita ng mga sikat na eksena mula sa manga, koleksyon ng original arts
ni Kishimoto, special film screening ng “Konoha Aun Za” sa isang 10m-wide
screen, 3D models at dioramas, original music mula sa Yoshida Brothers, at library
section kung saan makikita ang desk replica ni Kishimoto at mga materyal at
konseptong ginamit ni Kishimoto sa pagbuo ng kwento ni Naruto.
Makakatanggap din ang lahat ng
ticket holders ng kopya ng isang libreng 19-page manga chapter, ang “Shinden:
Kaze no Sho” (New Legend: The Book of Wind) at ang mga advance tickets holders
naman ay makakakuha pa ng isa pang 19-page manga chapter, ang “Shinden:
Ikazuchi no Sho” (New Legend: The Book of Thunder) na ginawa mismo ni Kishimoto
para sa exhibition.
Inilunsad din kamakailan ang Naruto
app, kung saan makikita ang dalawang proyekto: Naruto Illustration Collection
at free distribution ng “Naruto Hiden” series na tampok ang mga sikat na
karakter sa kwento at tatakbo mula Pebrero – Hulyo bawat linggo bilang selebrasyon sa official release ng
Naruto Vol. 72, ang huling volume. May libreng access din sa 700 manga chapters
at 220 episodes ng Naruto TV anime series.
Opisyal na magbubukas ang Tokyo
exhibition sa Abril 25 – Hunyo 28 sa Mori Arts Center Gallery, Roppongi Hills bago lumipat sa Osaka sa summer na gaganapin
sa Osaka
Culturarium, Tempozan mula Hulyo 18 – Setyembre 27.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento