Ni Jovelyn Javier
Idinaos muli kamakailan ang
taunang Eiga Sai na inilunsad sa Edsa Shangri-La Mall Cineplex 2 at dinaluhan
ng mga espesyal na panauhing pandangal gaya nina Japan Foundation Director Shuji Takatori, Film Development Council of
the Philippines Executive Director Ted Granados, Shang-ri La Plaza Vice
President –General Manager Lala Fojas, Japanese Embassy Manila Consul General
Tetsuro Amano, Film Producer Takuro Nagai
at direktor ng opening feature na “Our Family (Bokutachi no Kazoku)” na si Yuya
Ishii.
A family at the center of hopes and struggles
Personal na ipinakilala at nagbigay
ng pananaw sina Ishii at Nagai sa mga manonood patungkol sa kultura ng pamilyang
Hapon at mga pangkaraniwang pagsubok na kinakaharap nila sa modernong lipunan. Ayon
kay Ishii, isa sa dahilan na ginawa niya ang pelikula ay dahil naiintindihan
niya ang ilang mga isyu at sitwasyon na naihanlintulad nito sa kanyang pamilya.
Sentro ng pelikulang Our Family
ang pamilya Wakana na nahaharap sa hindi inaasahang pagkakasakit ng inang si
Reiko (Mieko Harada) na napag-alamang may brain tumor. Sunud-sunod ang
natuklasang problema ng dalawang anak na sina Kosuke (Satoshi Tsumabuki) at
Shunpei (Sosuke Ikematsu) sa pagkakalantad ng mga patung-patong na utang na
napabayaan ng kanilang mga magulang.
Base ang pelikula mula sa nobela
ni Kazumasa Hayami na parehas ang pamagat. Ito rin ang follow-up project ni
Ishii sa award-winning na “The Great Passage” (2013) kung saan pinakakilala ang
direktor at base naman sa nobela ni Shion Miura. Napili rin ang pelikula bilang kinatawan ng
Japan sa Best Foreign Language Film sa ika-86 na Academy Awards.
Si Ishii ang pinakabatang awardee
ng best director nang manalo ito sa 2011 Blue Ribbon Awards.
Amazing chemistry leads a handymen buddy movie
Isa naman ang “Tada’s Do-It-All
House: Disconcerto (Mahoro Ekimae Kyosokyoku)” na pinagbibidahan nina Ryuhei
Matsuda at Eita bilang handyman duo sa pinakapopular at matagumpay na series of
film at television adaptations na nagsimula sa “Mahoro Ekimae Tada Benriken”
(2011 film) at sinundan ng “Mahoro Ekimae Bangaichi” (2013 TV drama). Base ang
mga ito sa Naoki Prize-winning series of novels ni Miura.
Nagpapatakbo si Tada (Eita) ng
isang “benri-ya” (handyman shop) sa tapat ng Mahoro station, isang kathang-isip
na lugar, at tumatanggap ng halos lahat ng klase ng trabaho, mula sa pag-aayos
ng pinto, paglilinis, pag-aalaga ng aso at iba pa.
Tatlong taon nang permanente si Gyoten
(Ryuhei Matsuda) sa maliit na negosyo ni Tada at naging kasa-kasama nito sa trabaho
at kadalasa’y nadadawit sila sa kanilang mga kliyente ng higit pa sa hinihingi
sa kanila. Parehas na diborsyado ang dalawa at may nakaraang gustong takasan.
Pangunahing kredito ng tagumpay ng
serye ang kakaibang on-screen chemistry at likas na galing sa pag-arte ng
parehas na nirerespeto at award-winning na sina Matsuda at Eita na nagdadala sa
buong kwento at direksyon nito. Maging ang direktor na si Tatsushi Omori ay
hanga sa magandang samahang nabuo ng dalawa na anim na beses nang nagkakasama
sa pelikula at drama.
Kabilang din sa kategorya ng
contemporary films ang “Parasyte,” “Wood Job,” “Thermae Romae II” at “Princess
Jellyfish.” At sa savory Japan category naman ang “It’s A Beautiful Life –
Irodori,” “A Tale of Samurai Cooking – A True Love Story,” “Patisserie Coin de
Rue,” at dalawang dokumentaryo na “The God of Ramen” at “Wa-shoku – Beyond
Sushi.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento