Ni
Florenda Corpuz
Jisho-in Mausoleum (Otama-ya) (Shinjuku Ward,
1652) (Kuha ni Din Eugenio) |
Sa Koganei Park, Koganei City ay
matatagpuan ang Edo-Tokyo Open Air Architectural Museum, isang museo kung saan
makikita ang ilan sa mga “relocated, reconstructed, preserved at exhibited” na
makasaysayang gusali ng lungsod na imposibleng mapreserba sa orihinal na
lokasyon ng mga ito.
Simula noong Edo period (1603–1867)
ay marami sa mga mahahalagang gusali sa Tokyo ang nasira at napinsala dahil sa
mga sakuna tulad ng baha, lindol, sunog at digmaan. Naisipan ng Tokyo
Metropolitan Government na buksan ang Edo-Tokyo Open Air Architectural Museum
noong 1993 bilang bahagi ng Edo-Tokyo Museum na matatagpuan naman sa Ryogoku.
Karamihan sa mga gusali na
naka-exhibit ay itinayo noong Meiji period (1868-1912).
West
Zone
Masisilayan dito ang mga restored
houses na may iba’t ibang istilo tulad ng Tokiwadai Photo Studio, Residence of
Hachirouemon Mitsui, Elevated Granary from Amami-Oshima Island, Farmhouse of
the Yoshino Family, House of the Leader of the Hachioji Guards, House of Kunyo
Mayekawa, House of Okawa in Den’enchofu, Farmhouse of the Tsunashima Family,
House of Koide at House of George de Lalande.
Ang Tokiwadai Photo Studio ay
dinivelop bilang isang “healthy residential area.” Ang guest room at dining
room ng Residence of Hachirouemon Mitsui ay itinayo noong 1897 sa Kyoto at
na-relocate noong World War II habang ang storehouse na itinayo noong 1874 ay
naibalik sa orihinal na kundisyon.
Center
Zone
Sa bahaging ito matatagpuan ang
Visitor Center (Former “Kokaden” Palace), Jisho-in Mausoleum (Otama-ya) na
isang cultural asset ng Tokyo, House of Korekiyo Takahashi, Second House of the
Nishikawa Family, Gate of Date Family Residence (Collection of the former
Musashino Folklore Museum) at Tea Arbor “Kaisuian.”
East
Zone
Dito sa bahaging ito ay mae-enjoy
ang “downtown are of the olden days.” Naka-display sa loob ng mga restored na
gusali ang mga lumang mga produkto at mga kagamitan.
Naririto rin ang Farmhouse of the
Tenmyo Family, “Kodera” Soy Sauce Shop, Bar “Kagiya,” Public Bathhouse
“Kodakara-yu,” “Tailor’s Workshop,” Stationery Store “Takei Sanshodo, “Hanaichi”
Flower Shop, Police Box at the Mansei Bridge, House of Uemura, “Maruni Shoten”
Kitchenware Store, Cosmetic Manufacture “Murakami Seikado,” “Kawano Shoten”
Oil-paper Umbrella Wholesale Store, “Yamatoya” Grocery Store at Mantoku Inn.
Bukas ang museo araw-araw, maliban
sa araw ng Lunes at tuwing Disyembre 28 hanggang Enero 4. May bayad na ¥400 ang
entrance fee rito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento