Ni
Florenda Corpuz
(Kuha mula sa Facebook page ng Philippine Army Dragon Boat Team) |
Patuloy ang pagbibigay-karangalan
ng Philippine Army Dragon Boat Team sa bansa matapos nilang masungkit ang
kampeonato sa Japan Dragon Boat Championships na ginanap sa Okawa River sa
Osaka kamakailan.
Tinalo ng pambato ng Pilipinas ang
17 koponan mula sa iba’t ibang bansa sa 250-meter race men’s category na
kanilang tinapos sa loob lamang ng 53 segundo.
“We grabbed the gold medal in the
250m Men’s Open event in Japan! We are waving the Philippine flag here in
Osaka! World-class army athletes, source of national pride!” pahayag ng 28-man
team.
“Mga kapatid, kakagutom ang lumaban
sa kampeonato! Masarap ang pakiramdam na magdadala ng karangalan para sa bansa!
Salamat sa inyong suporta at sa mga panalangin!” saad pa ng grupo.
Naging mahigpit ang labanan sa
pagitan ng koponan ng Pilipinas at Japanese National Team – na ang ilan sa mga
miyembro ay sinanay ng Philippine Army – ngunit nanaig ang galing ng Pilipino.
“The Philippine Army Dragon Boat
Team mentored these Japanese athletes back in 2010. They have emerged as a
strong contender in the just concluded 250m finals. Sports diplomacy at its
best!”
Ang Philippine Army ang tinaguriang
“world’s fastest dragon boat team” na pinatunayan ng hindi mabilang na medalya
na kanilang inuwi sa bansa mula sa iba’t ibang kumpetisyon sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento