Abalang-abala ngayon ang teleserye queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa maraming bagay tungkol sa kanyang pagbubuntis, sa buhay-pamilya at pagiging ina sa dalawang anak na sina Yohan at Lucho pati na rin ang paglulunsad ng kanyang cookbook.
Kamakailan lang ay opisyal nang
inanunsyo ng mag-asawang Ryan at Judy Ann ang pangalawang pagbubuntis ni Juday.
Taong 2010 nang ipanganak ni Juday ang kanilang unang anak na si Lucho kaya’t
ayon sa batikang aktres ay medyo naninibago siya ngayon.
Unang ipinasilip ni Juday ang
kumpirmasyon ng kanyang pagbubuntis sa isang larawan ng ultrasound na ibinahagi
niya sa publiko sa Instagram.
Bagaman nasa maagang estado pa lang
si Juday ng kanyang pagbubuntis, hindi rin maitago ng kanyang asawang TV
host-actor na si Ryan ang tuwa sa magandang balita.
Gayon din ang reaksyon nina Yohan at
Lucho, lalong-lalo na si Lucho na excited ng maging kuya sa bagong baby. Ayon
kay Juday, medyo nag-mature na si Lucho sa kanyang mga galaw na nagpapakitang
handa na itong maging kuya.
‘Judy Ann’s Kitchen’
Inilunsad din kamakailan ni Juday
ang kauna-unahan niyang cookbook na “Judy Ann’s Kitchen” na naglalaman ng
kanyang mga paboritong recipe na kinalakihan niya at mga putaheng niluluto niya
para sa kanyang pamilya. Mula ito sa Anvil Publishing at ilustrasyon ni Raymund
Isaac.
Nahahati sa iba’t ibang bahagi ang
cookbook, mula sa comfort food gaya ng triple chocolate champorado, wifey
duties na naglalaman ng recipes ng seared scallop salad with arugula / orange
segments at grilled rib eye steak with oven-roasted sweet potatoes and jalapeño, kiddie parties, at iba pang mga
kilalang pagkaing Pinoy. May mga bahagi rin na tumatalakay sa pantry
essentials, preparing before cooking, kitchen emergency, fridge tips, at table
setting.
Kitang-kita sa cookbook ang personalidad ni
Juday, bilang isang maybahay, asawa, ina, anak, at aktres sa kanyang recipes,
mga sangkap na ginagamit at kanyang paghahanda sa pagluluto.
Isa ang pagluluto sa pinakamalaking interes
ng TV host-actress at nag-aral pa siya ng culinary studies para mas
mapaghusayan pa ang kanyang kakayahan. At kahit na busy sa showbiz schdules ay
gumagawa pa rin siya ng paraan para mapagluto ang kanyang pamilya. Nariyan din
ang karanasan niya sa pagpapatakbo ng sarili niyang restaurant at ang pagiging
host sa cooking shows.
Dagdag pa ng aktres, itinuturing niyang
isang katuparan na napapangiti niya ang mga tao, lalo na ang pamilya sa mga
pagkaing inihahanda niya. May kakaiba umano sa paghahanda ng pagkain para sa
mga taong mahalaga sa’yo dahil naipapakita mo ang iyong pagmamahal at
pagpapahalaga sa kanila.
Family and motherhood
Malaking bahagi ng masayang pamilya
ng aktres ang asawang si Ryan. Aniya, bilib siya kay Ryan sa kakayahan nitong
balansehin ang maraming bagay. Nirerespeto siya ng kanilang mga anak at
itinuturing na modelo. Nagpapasalamat din ang aktres sa walang patid na suporta
ng asawa sa lahat ng bagay. At laging team effort ang mag-asawa pagdating sa
pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Ibinagi rin ni Juday kamakailan sa
press con ng kanyang pagbabalik Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN na ngayong mommy na
siya ay natutuhan niya ang mas maging pasensiyosa at magsakripisyo. Dagdag pa
nito, simula nang maging ina ito ay mas naging palangiti at mas masigasig siya.
Payo naman ng aktres, mahalaga rin
na tanggapin na may limitasyon ka rin dahil lahat naman ay ‘di perpekto. Huwag
din kakalimutang bigyan ng oras ang sarili at huwag maging sobrang higpit sa
mga anak dahil dito sila nagsisimulang maglihim sa mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento