Ni
Florenda Corpuz
Makikita sa loob ng museo ang iba’t
ibang exhibits na nagdedetalye sa
kasaysayan ng hanabi sa bansa. (Kuha ni Din Eugenio)
|
Limang minutong lakad mula sa
Ryogoku Station na sinasabing pinagmulan ng Japanese fireworks o “hanabi” ay
matatagpuan ang Ryogoku Fireworks Museum kung saan makikita ang kasaysayan at
sining ng fireworks sa bansa.
Nagbukas ang Ryogoku Fireworks
Museum sa publiko noong 1991. Naka-exhibit sa loob nito ang mga fireworks
shells, launching tubes at cross sections na may iba’t ibang hugis at bigat
mula sa pinakamaliit na lampas tatlong pulgada hanggang sa pinakamalaki na
aabot sa halos 24 pulgada. Naka-display din dito ang mga lumang litrato, paintings,
kasuotan at memorabilia na nagpapakita ng detalyadong kasaysayan ng Sumida River
Fireworks.
Ayon sa Ryogoku Fireworks Association,
ginanap ang kauna-unahang fireworks display sa Sumida, ang pangunahing water
artery ng Tokyo, noong 1733 nang magsagawa ang Shogunate na si Yoshimune
Tokugawa ng rites of condolence para sa mga kaluluwa ng humigit-kumulang isang
milyong katao na namatay dahil sa labis na gutom ng mga panahong iyon.
Nang umpisa ay naging pag-alala
lamang ito ngunit kalaunan ay naging Ryogoku Kawabiraki Fireworks Festival na
isinasagawa taun-taon. Pangunahing atraksyon ito tuwing summer sa mga lokal at
dayuhang turista sa ilalim ng patnubay ng Yanagibashi, ang nag-iisang riverside
gay-quarters sa Tokyo na kilala sa tradisyonal na katangian nito ng mga babaeng
“geisha.”
Itinuturing na pinakamalaking
summer event sa Tokyo, ginanap ang Sumida River Fireworks Festival noong Hulyo
25 kung saan daan libong manonood ang nagtiis sa init ng panahon masilayan
lamang ang nakakamanghang fireworks display sa bahaging ito ng lungsod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento