Kuha ni Jennifer Yamamoto / DOT Tokyo |
Nakibahagi ang Pilipinas sa pagdiriwang ng ASEAN Festival 2013 na ginanap sa Yamashita Park sa lungsod ng Yokohama kamakailan.
Dinagsa ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng Japan ang dalawang araw na pagdiriwang at hindi naging hadlang ang malakas na pag-ulan sa masayang pagtitipon.
Dinaluhan ng kilalang celebrity chef at Junior Master Chef Pinoy Edition judge Rolando “Lau” Laudico ang pagdiriwang kung saan siya ay nagluto ng ilang paboritong pagkaing Pilipino tulad ng adobo sa Philippine booth.
“800 servings of adobo, sold out sa ASEAN Festival. Congratulations, Chef Laudico and the Philippine team,” masayang sabi ni Jennifer Yamamoto ng Department of Tourism- Tokyo.
Inabangan ng mga dumalo ang mga cultural presentations ng mga kinatawan ng mga bansang kalahok sa pagdiriwang. Bukod sa mga pagtatanghal, dinumog din ng mga tao ang booth ng bawat bansa kung saan mabibili ang mga local food at souvenirs.
Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Ambassador Manuel M. Lopez sa matagumpay na pagdiriwang, “I would like to extend my deep appreciation to the ASEAN-Japan Centre Steering Committee and Executive Committee for being instrumental in this memorable event.”
“On this occasion, I wish that the strong ties and intimate understanding are born among the people of Japan and ASEAN. This event is sure to be an important activity to commemorate the 40th anniversary of ASEAN friendship and cooperation.”
Bukod sa Pilipinas, nakibahagi rin sa festival ang iba pang ASEAN member countries tulad ng Cambodia, Brunei, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Myanmar at Vietnam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento