Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo |
Hindi nangimi ang
American Idol season 11 finalist at half-Filipino na si Jessica Sanchez na
tanggapin ang pagkanta ng “Lead Me Home,” isang charity song na kasama sa
“Heartbeat of Home” album, na para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” sa
Pilipinas.
“I
was approached by the Riverdance Productions. They asked me to lay my vocals on
one of their tracks and I was like ‘of course, it’s an amazing opportunity and
I would love to’. Then we recorded the song and they wanted to release it early
for the victims of the typhoon and I was completely all for it,” pahayag ni
Jessica sa ginanap na presscon sa Sofitel Philippine Plaza na dinaluhan ng Pinoy Gazette.
“Everything
has been amazing and I’m so glad to help the Filipino people any way that I
can,” ani ng 18-taong-gulang na dalaga na half-Filipino at half-Mexican.
Ibibigay
ni Jessica ang kikitain mula sa pagda-download ng kanyang kanta sa Philippine
Red Cross para sa mga nasalanta ng bagyo.
Bukod
dito, pumunta rin si Jessica sa ilang lugar sa Pilipinas kabilang na ang
Saranggani sa imbitasyon ni Manny Pacquiao upang mamigay ng hearing aid katulong
ang Starkey Hearing Foundation.
Namangha
rin si Jessica sa ganda ng Pilipinas at sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga
tao.
“It’s
been, honestly, amazing. We’ve been driving around in these buses and I look at
the country and it’s so green and so beautiful and on top of that the people
are so welcoming and so kind. I think the Philippines is just so amazing.”
Inamin
din ni Jessica na kinabahan siya sa pagkanta ng “Lupang Hinirang” sa laban ni
Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Macau kamakailan.
“I
had probably a couple of days, like two to three days, to learn the song. It
was hard and it’s like there’s a weight on my shoulders because I know how
proud you guys are about singing the anthem traditionally. It kinda stressed me
out a little bit but I was happy that everybody was okay with how I sang it.
And I hope I made you guys proud,” dagdag pa ng singer.
Inamin
ni Jessica na patuloy siyang magsusumikap sa kanyang karera dahil alam niya na
maraming mga Pilipino ang sumusuporta sa kanya at nais niya na ipagmalaki siya
ng mga ito.
“I
told myself, at the age of 10, that this is what I love to do and I have a lot
of eyes watching me, especially now having the Philippines look at me like I’m
an inspiration. I feel honored actually, more than responsible for anything.
“I’m
happy to be here for the charity, to inspire the youth and others to go out
there and help others so I’m happy to be a part of the Filipino culture.”
Aniya,
kung mayroon man isang katangiang Pilipino na gusto at ipinagmamalaki niya, ito
ay ang pagmamahal sa pamilya.
“I
love being with my family – when I move, my family moves – and I think that’s
how Filipinos are. We love to be together and I’m proud to have that trait.”
Naglabas
na rin ang dalaga ng kanyang album na pinamagatang “Me, You, and the Music”
nitong Mayo sa ilalim ng MCA Records.
“You’ve
been really amazing and I can’t thank you enough. My kababayans, I love you so
much,” aniya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento